Kabanata 4

1.3K 96 2
                                    

KABANATA 4

                      Jiyeon's POV

"Jiyeon!! Bilisan mong kumilos!! Napaka-bagal grabe. Mama! Iiwan ko na si Jiyeon male'late na kami"rinig kong sigaw ni Kuya

"Saglit lang!! Ina'ayos ko na'lang mga gamit ko! "sigaw ko.

"Bilisan mo!! Iiwan na talaga kita! "Rinig kong bumaba na nang hagdan si Kuya. Mabalis kong isinuot ang bag ko sa likod ko saka nag'madaling lumabas ng bahay.

"Kelan ka ba bibilis sa pag-kilos? Huh? Male'late na tayo oh? Tsk"reklamo niya. Napa-nguso naman ako

"Sorry na kuya. Tara na alis na tayo"sabi ko "Akala mo naman siya magbu'bukas ng gate ng school eh..."bulong ko sabay irap. Nakaramdam ako ng malakas na batok ni kuya

"Rinig ko yun ah!! Hoy Jiyeon! Sinasabi ko sayo. Wag kang gagawa ng Kalokohan sa school. Malalagot ka talaga sa akin"pagba'banta niya sa akin

"Aye aye Kuya!! "sabay saludo.



               Mas lalo akong napa'sandal sa upuan ng kotse sa loob nang-hilahin ako ni Kuya.

"Pumasok kana! Lumabas ka dyan sa kotse Jiyeon Zalasar!! Male'late na tayo oh? Tsk ang kulet"sabi niya at parang nauubusan na nang pasensiya.

Parang ayoko nang pumasok ewan ko pero biglang sumama ang pakiramdam ko

"Masama nga pakiramdam ko kuya. Di naman ako nagbi'biro eh! Aabsent muna ako. Isang araw lang kuya pramis "sabi ko. Inangat ko pa ang kanang kamay ko.

"Hindi pwede. Papasok ka sa ayaw at sa gusto mo. Paano ka ga-graduate niyan kung tamad ka pumasok? Bilisan mo na pagbilang ko nang tatlo humanda ka saken kapag hindi ka pa talaga lumabas dyan"sabi niya. Agad naman akong nag-ayos at lumabas.

Kainis. Kainis. Kainis.

"Eto na nga eh! Pisteng yawaness. Anong section ko ba? Ano ang room number? "tanong ko. Sinampal niya sa akin ang isang papel at agad ko naman itong kinuha.

Sampal yun men. Sam.pal

"Wag ako ang tanungin mo. Hanapin mo yan mag-isa mo. Alis na ako"usal niya saka lumakad palayo. Saan ako magsi'simulang mag-hanap ang laki laki nitong school.

"Hi, Newbie ka dito sa school noh? Saang section ka? "biglang tanong sa akin ng isang babae. Kasing edad ko lang ata at mas matangkad ako.

"Oo, at hindi ko alam kung saan building ito. Matatagalan naman ko kung iisa-isahin ko lahat ng building dito"sabi ko. Natawa naman siya.

Ano'ng nakakatawa girl?

"Classmate tayo. Nice gusto mo sabay na tayo? Minsan kase kapag mag-isa kalang baka mapag-tripan kalang ng Seven Prince. Tara"sabi niya sabay hila sa akin. Seven Prince? Ano yun?

"Ano yung Seven Prince? May ganun ba dito? "tanong ko

"Oo naman. Sila ang pitong lalaking kina'katakutan at tini'tilian ng mga babae dito sa School naten. Kapag nakita ka nilang mag-isa lang nako! Panigurado pagti-tripan ka nila"lintanya niya.

May ganern pala, Mars?

"Sino sino ba sila? "muli kong tanong. Mukang naku'kulitan na sa akin ito ah.

"Mamaya sa Cafeteria. Doon naman sila palaging nakain tuwing lunch "sabi niya.

Nandito na kami sa tapat ng room at nasa harapan na ang Proft. Late kami!

"Miss Chua you are 13 mins late. And ikaw? "turo niya sa akin. "Are you the transferee?"Tanong niya sa akin.

"Yes Maam, Sorry for being late naki-sabay kase ako kay Kryssha para hanapin itong room"sabi ko.

"Okay, I see you two may now come in"sabi niya "You Ms. Transferee can you introduce yourself here infront? "tawag niya sa akin. Tumango naman ako biglang sagot. Pumunta ako sa harap at saka nag-salita

"Good Morning, I am Jiyeon Zalasar 18 years old. Nice to meet you guys"pagpa'papakilala ko sa sarili ko

"You may now seat sa tabi ni Miss Chua since siya ang una mong nakilala dito"usal nito sa akin.

"Nice to meet you,Jiyeon"bulong niya sa akin habang naka-ngiti. Ngumiti din ako nang pagka-tamis tamis

"Nice to meet you too"Sabi ko

                After nang mahaba habang discussion ay lunch time na. Kaya naman kanya kanyang puntahan sa Cafeteria. Wala pa kami sa tapat ng Cafeteria ay tanaw na tanaw na namin ang mahabang pila at nagku'kumpulang estudyate.

Lohh? Anmeron? May sale ba dito kaya nagra-rush hour?

"Kryssha? Ano meron? Ganyan ba talaga lagi dito sa school niyo? Parang hindi nakaka-kain. Hindi ba sila nagdadala ng sarili nilang pagkain para di na pipila? "sabi ko kay Kryssha

"Hindi ganun yun Jiyeon. Dyan kase palagi naka-tambay o nakain ang Seven prince. Halika"sabay hila sa akin. Magkaka'pasa na ako dito eh

Pagpasok namin loob ay agad na sumalubong sa amin ang puro tilian na akala mong wala nang bukas.

"Tara dito tayo jiyeon. Dito palagi ang table ko. Palagi akong mag-isa ngayon alam kong may kasama na ako."sabi niya sa akin. Wala siyang ibang kaibigan dito?

"Sige. Ikaw lang mag-isa? Alam mo may dalawa din akong kaibigan dito Kakalipat lang din nila kaso ibang course nila kaya magkaka-hiwalay kami"sabi ko.

"Pwede mo naman silang isama eh. Pero gusto mo na bang ipakilala ko sayo ang Seven Prince? "tumango naman ako. Tumabi ako sa kanya para marinig ko dahil mas malakas pa ang tilian at hiyawan ng mga babae dito sa loob.

"Ayun si Marcus Fernandez. Malaki ang balikat. Charming siya grabe crush na crush ko din yan."sabay turo doon sa lalaki.

"Sino naman yung singkit? Saka akala ko ba pito sila? Bakit aapat lang sila? Nasaa ang tatlo?"tanong ko

"Ewan ko baka nasa klase pa nila. Yung isa namang iyon. Siya si Jezrel Cruz. Siya ang parang tuma'tayong kuya or tatay sa kanila. "kumuha pa siya ng pamaypay para mahanginan siya.

Hot na hot girl?

"At ayun naman si Charles Mendoza. Ang hope ng group nila. Ewan ko pero kapag wala yang si Charles malungkot ang grupo nila"usal niya

"Eh sino yung pandak na isa naman yun? "tanong ko.

"Ang harsh mo sis! Siya si Jalem Tizon ang cute nga niya eh. Playboy nga lang"sabay halum'baba.

"May itsura naman sila pero parang wala namang Espesiyal kung pagtitilian sila ng grabe. Parang oa nila sa part na yun"sabi ko.

Judgemental....

"Banda kase sila... Oh my ghad!! Andyan na ang kukumpleto sa Seven Prince!! "tili niya. Ay maharot din pala ito?

"Oh sino sino naman sila? "

"Ang nasa tabing kanan ay si Vince Garcia. Pinaka-bata sa kanila pero siya ang may pinaka hot na katawan! "napa-takip pa siya sa bibig para hindi mapa-tili "Yung nasa kaliwa naman. Siya si Liam Zalasar amputi niya noh? Ang tahimik din parang pa-mysterious "usal niya.

SI KUYA LIAM!? PAANO'NG NASALI DYAN SI KUYA?!

"Teka! Alam mo bang kapatid ko yang si Kuya liam!? Kaka'lipat lang namin dito bakit kasali na siya dyan s grupo na yan? "gulat kong tanong.

"Hala sis? Totoo? Kuya mo yan? Sikat kaya yan noh. Ikaw kapatid mo di mo alam na sikat na sikat na yan dati pa dito"sabay hampas sa braso ko

Hala? Paano nang'yare yun? May ritwal kaya si kuya?

"At eto na! Ang nasa gitna nila. Siya ang leader ng grupo nila. Siya si Jairus Martinez! Ampp!!! Sis!! Kinikilig ako! "tili niya.

Ahh Maharot

"Jairus?"tanong ko. Parang pamilyar siya ewan ko kung saan ko narinig yang pangalan na iyan.

"Oo, ang gwapo din ng pangalan diba? Owemjii!! "nagpapa-padyak pa siya sa kilig.

Maihi ka sana dyan girl

Jairus Martinez... Hindi kita kilala pero lumalakas ang tibok ng puso ko. Sino ka ba talaga?

The Seven Badboys and Me (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon