Kabanata 20

507 47 16
                                    

A/N: Hi, i posted the series 2 of this story. And yes, this story will have a series and our prinsipe will having their own stories and POV. The Series 2 is now posted check it on my profile.

Prince Series 2: His Touch ( BL Story.)

The Characters on that Story will be mention here soon on Chapter 21 or 23. I'm not sure. So please, until the end of this series i hope you support me.
__________________________________

“Doc, pwede na ba siyang lumabas?”tanong ni kuya Liam. Ngumiti sa kanya si Doc. Remely at saka tumango.

“Pwede na basta pai-inomin niyo lang siya ng gamot at maraming tubig.”sagot ni Doc. Remely. Tipid na ngumiti si Kuya at hinarap ako.

“Magbihis ka na.”masungit niyang sabi sa akin. Umiling nalang dito si Trixie na nasa likod lang niya habang sila Zariah at Kryssha ay nakain ng agahan nila.

Ngumuso ako, “may regla ka na naman ba? May extra ako sa bag gusto mo bigyan kita?”tanong ko. Inambahan niya ako “Ahh!!”sigaw ko kahit wala namang dumamping kahit ano sa akin.

“Tumayo ka na d’yan.”utos niya sa akin. “Ikaw,”baling niya kay Trixie, “Hindi ka pa nakain. Anong gusto mo? Ibibili nalang kita d’yan sa labas.”sabi nito. Biglang nasamid sila Kryssha sa sinabi ng kapatid ko.

Naubo si Zariah,”sana-*ubo* all.”

“Kahit ano nalang. Ikaw nalang mamili para sa akin.”sagot ni Trixie.

“Ako ba ang kakain? Bakit ako ang mamimili? Paano kung puro damo ang ibigay ko sayo? Huh? Tsk.”masungit na naman nitong sabi.

“Kahit ano naman kakainin ko basta galing sayo at ikaw ang nag-bigay.”sagot nito habang pinipigilan ilabas ang ngiti sa labi. Nagsisimula na ding mamula ang pisngi niya hanggang tainga niya.

Tumayo nalang ako habang may pagdududa pa rin sa muka. Hindi ko alam kung ano na bang nagaganap sa kanilang dalawa pero masaya ako sa ipinapakita ni Kuuya ngayon kay Trixie.

Pumasok ako sa banyo habang bitbit ang mga pamalit kong damit. Dalawang gabi lang naman ang itinagal ko dito sa ospital. Hindi ko alam kung bakit mas gusto pa akong dito ako pag-pahinga-hin nila Mama kung pwede naman ako sa bahay nalang.

Pagkatapos kong magbihis ay agad din akong lumabas. Kumakalam na ang sikmura ko dahil ‘di pa ako kumakain ng umagahan.

“Kuya, ako din wag mong kakalimutang ‘di pa ako kumakain.”sabi ko habang naglalakad papalapit kila Kryssha na ngayon ay naglalaro ng ml. “Anong rank mo na d’yan?”tanong ko.

Saglit niya akong tinignan bago sumagot, “Master palang. Madaya si Zariah kaya lang nag-grand master kase pinalaro kay Clyde.”

Siniko naman siya ni Zariah, “Hindi ko pinalaro. Ako kaya naglaro tapos duo kami ni Clyde. Palibhasa kase wala ka palaging load pang-ml. Tapos wala ring ka-duo.”

 
“Hoy! Tangina matatalo tayo, Zariah! Yung sa mid!”sigaw ni Kryssha. Umalis na ako sa tabi nila dahil wala rin naman akong mapapala doon dahil naglalaro sila. Nakasalubong ko si Marcus kasama si Jezrel.

“Hey, Jiyeon!”salubong niya sa akin. “Good morning. Kumain ka na?”tanong niya sa akin. Umiling ako bilang sagot.

“May kainan malapit lang dito. Gusto mo sabay ka na sa aming kumain? Tamang tama dahil di pa kami kumakain.”sabi niya at umakbay sa akin. At dahil nga naka-akbay siya sa akin lumabas sila habang natatangay ako.

“Saglit! Magagalit sa akin si kuya! Baka hanapin ako ng mga yun!”malakas kong sabi. Tinatapik ko ang braso ni Marcus para bitawan niya ako pero mukhang walang balak ‘tong isang ‘to.

The Seven Badboys and Me (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon