Kabanata 25

344 18 10
                                    

    KABANATA 25

    Mabilis ang takbo ko papuntang office pero wala kaming nadatnan kundi mga pulis at gulo gulong mga gamit, basag na mga flower base, mga nagkalat na papel sa paligid. At nang akmang papasok ako ay pinigilan ako ng isang pulis.

    "Maam, hindi po pwede. Pasensya na po."pigil niya.

    "Ano pong nangyari? Bakit..."natigilan ako nang may makitang mga patak ng dugo sa sahig. Malapit lang ang mall dito sa kumpanya kaya malabong hindi namin maririnig ang putok ng baril pero wala talaga kaming narinig. Maybe... Someone used a gun silencer pero sino naman ang target niya?

    Agad kong kinontact ang number ni Hermes. Nagring ng tatlong beses bago ito masagot.

    "Nasaan kayo? Okay lang ba kayo? Anong nangyari?"agad kong tanong.

    "Jiyeon,"that voice... Parang gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ang boses niya.

    "Jairus, nasaan kayo? Pupuntahan namin kayo."sabi ko.

    "I'm with Liam... Sa ospital."sagot niya. Bumalik yung kaba na naramdaman ko. Nataranta ako at ginulo ang buhok. Sa kaba ay binaba ko na ang tawag at saka nagmadaling tumakbo papuntang hospital. Nasa kabilang highway lang yun at wala pang 5 minutes.

    "Uy, Jiyeon!"rinig kong sigaw ni Kryssha. Sumunod sila sa pagtakbo. Habol hininga pero mas pinilit kong bilisan pa ang pagtakbo. Nang makarating ay muntik pa akong matisod pero mabalanse muli ang katawan.

    "Nurse, may pasyente po kayong Jairus Martinez po? Or Liam Zalasar?"tanong ko. Chineck nung nurse ang ilang papel at tumingin sa monitor bago sumagot.

    "Room 15 po. D'yan lang po malapit sa hagdan."sagot niya. Huminga ako nang malalim at saka nagpatuloy sa paglalakad.

    "Mukhang si Jiyeon ang kailangang i-confine eh. Para siyang hihimatayin sa kaba."rinig kong sabi ni Zariah.

    "Hindi niya alam pusa ang kapatid niya. Siyam ang buhay n'on. Kaso ngayon, pito nalang."sabi ni Trixie.

    "Ikaw, Trixie? Hindi ka nag-aalala?"tanong ni Kryssha. Nakapasok ako sa kwarto na sinabi nung Nurse. Bumungad sa akin ang walang pang-itaas at lantad na lantad ang abs at ang matitigas niyang muscle. Agad kong naisara ang pinto dahil pakiramdam ko ay umangat lahat ng dugo ko sa mukha ko.

    Ang sexy niya!

    Well, totoo namang ang sexy niya kase ang ganda nang katawan niya.

    "Jiyeon, okay ka lang? Namumula ka. Anong nakita mo sa loob? May nakita ka bang babaeng lumalandi kay Liam!?"malakas niyang tanong.

    Umiling ako. Napahilamos ako ng mukha. Nahihiya na tuloy ako!

    "Bakit hindi pa tayo pumapasok? Ano bang meron?"tanong ni Zariah. Pipigilan ko pa sana siya nang kusang bumukas ang pinto. Si Jairus ang nagbukas at nakabihis na siya. Magulo pa rin ang buhok at mukhang bagong ligo.

    "Hey, pasok kayo."sabi niy at naunang pumasok sila Kryssha at dahil nahuli rin ako sa pagpasok ay nahuli ko rin ang mga matang nakasunod ng tingin sa akin. Tinitigan ko rin siya. Hindi ako nagtalo! Kung makatitig kala mong may utang ako sa kanya.

    Kahit natutuksong i-angat ang damit niya ay nilampasan ko nalang siya. Tumabi ako kay Trixie habang sila Zariah ay nakaayo sa gilid.

    "Anong nangyari?"tanong ni Trixie. Walang malay si Kuya Liam kaya naman ang ginawa ni Trixie ay hinaplos ang pisngi at sinuklay ang buhok nito.

    "May sumugod kanina but everything's okay now. The doctor said Liam is fine and still needs observations. Don't worry."sagot ni Jairus. Sinuot ang hoodie niyang kulay gray at saka nagdikwatro. Deretso pa rin siyang nakatitig sa akin. Kinunutan ko siya ng noo at saka inirapan. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa ata saka muling pumasok sa banyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Seven Badboys and Me (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon