Kabanata 6

1.2K 99 7
                                    

KABANATA 6
Jiyeon’s POV

Umagang umaga palang ay umaalingaw-ngaw na ang malakas na boses ni kuya liam. Sa hindi mawari kung ano ba talaga ang ipuputok ng butsi nito ay agad ko na siyang nilapitan at binatukan

“Alam mo kuya? Kanina ka pa. Hindi ko alam kung dinatnan ka na nang regla mo o ano man. Kanina ka pa sigaw ng sigaw. Ano bang problema mo?”tanong ko sa kanya na kalauna’y kinakamot ang batok niya habang wala paring ekspresyon ang muka. Nanatili itong nakatingin sa akin saka muli siyang nagsalita

“Wag ka nang lalapit pa kila Jairus. Nakita’t nakilala mo na sila. Umiwas at lumayo ka na lang”pagkatapos banggitin ay agad din siyang umalis.

Hindi ko naman siya nilalapitan ah? Sa katunayan nga sila ang kusang lumapit sa amin kahapon. Kaya kung ano pa man ang ikaka-galit ni kuya sa amin ay dapat doon sa mga kasama niya. Ang gulo niya din eh.

“Nakakairita yang kuya mo sis! Hoy Jiyeon! Come here nga may kailangan kaming i-say sa iyo”sabay ayos ng upo ni trixie. Nagtatakang lumapit ako sa kanila

“Bakit naman day unang pasok natin doon eh talaga namang pagkasikat-sikat naman niyang kuya mo? Ala eh, Di ko naman inaasahan yun sa kuya mo”may pagtataka ding sabi ni Zariah

“You know? Zariah girl, Don’t problem nalang yan because I know na mauubusan ka ng brain cells sa iniisip mo. Leave it nalang niyan sa amin ni jiyeon. Okay?”sabi ni trixie

“Hindi ko nga din alam eh. Pero wag na nating problemahin ang kasikatan ni kuya. Ang dapat natin asikasuhin ay ang mga assignment natin. Mag-ayos na tayo”sabi ko

“Why naman so aga!? Mamayang 10 am pa naman ang class natin so bakit tayo mag-pe-prepair  now eh 8 palang? Dzuh!”maarteng sabi niya.

Alam niyo minsan ang sarap sumapak ng kaibigan pero hindi mo magawa kaya’t iintidihin nalang natin. Nakakagigil itong si trixie eh

“Alam mo? Mas mabuti nang maaga para hindi ka nagmamadali sa oras na kakailanganin na. Pasalamat ka hindi kita kaklase”usal ko umirap naman siya saka kinuha ang notebook at nagsimula nang mag-sagot. Ha ha ha I win!!



Text Message:
         Hey there bravest Amazona, This is Clyde still remember me? I got your phone number on your kuya’s cp. Save my number and see you

Huh? Clyde? Eto yung guy kahapon diba? Reply-an ko nalang baka sabihin snobber ako

To Clyde:
       Sure, See you din

Oh diba? Gora lang mag-aksaya ng load mayaman si kuya.

“Jiyeeeooon!!! Bumaba ka na nga dyan!! Nagagalit na kuya mo ikaw inuugat na dyan!! Male-late na tayo!!”sigaw ni trixie. Bigla naman akong napatalon sa gulat sa sigaw niya kaya dali dali akong bumaba

“Oo nandyan na!!”sigaw ko. Pagbaba ko sumalubong sa akin ang nakakunot na noo ni kuya. Wag niyang sabihing nagagalit pa rin siya sa amin kahit wala naman kaming ginagawa? Pumasok na kami sa loob ng kotse at wala lang 15 minutes ay nakarating agad kami. Ganto pala kapag galit ang driver halos palipadin na ang kotse sa bilis.

“Bye jiyeon!! Kita nalang sa canteen mamaya.”sabi ni trixie habang kumakaway. Ngumiti ako at kumaway din

“Oh!? Hindi pala kayo magkaklase?”napa-talon ako sa gulat ng biglang sumulpot si Clylde. “Nagulat ba kita? Sorry. Ah na-save mo yung number ko? Ako yung nagtext”nakangiti niyang sabi.

Ang lapit niya sa akin at talaga namang kitang kita ko ang maputi niyang ngipin habang naka-ngiti. May dimple din siya at matangos ang ilong. Maputi at matangkad. Hindi kahabaan ang pilik mata na bagay na bagay sa singkit nitong mata. Pero teka? Bakit parang hindi naman sila magka-muka nung kapatid niya?

“Alam kong gwapo ako at hindi mo na kailangan tignan ako ng ganyan”bigla niyang sabi na nagpabalik sa akin sa ulirat. Nag-pogi pose pa siya

“Mahangin ka pala? Pasok na ako male-late pa ako eh”sabi ko at iniwan siya doon.

“Teka! Wait!”sigaw niya at hinila pa ang braso ko.

“Oh? Bakit?”tanong ko

“Mamaya sabay tayong mag-lunch. Kung pwede naman sa inyo. Treat ko”ngiti niyang sabi

“Oo naman. Ikaw pa”sabi ko.

*BLAG*
“Ay shuta!”tili ko ng bigla kaming makarinig ng pagbasag ng vase.

“Jairus! Ano bang problema mo dyan? Bakig bigla bigla ka nalang nambabasag?!” Inis na tanong ni Clyde kay Jairus. Kita ko ang matalim na titig sa akin ni Jairus at agad akong umiwas. Hindi ko alam pero galit ang mga mata niya. Hindi ko din alam kung bakit.

“Jiyeon tara na”malamig na sabi Jairus at hinila ako palayo kay Clyde. Pilit kong binabawi ang braso ko kay Jairus pero ang higpit ng pagkaka-kapit niya na halos mamula na nga ito

“Teka, Ano ba! Bitawan mo nga ako”sigaw ko habang hinahampas ang kamay niya sa braso ko. Pero siya dere deretso lang na para bang walang naririnig.

Napapa-yuko nalang ako sa hiya dahil sa bawat madadaanan namin ay pinagti-tinginan kami. Tumigil kami sa tapat ng puno malayo sa building namin. Tinignan niya ako sa mata at para siyang ‘nasasaktan’? Teka baka guni guni ko lang yun

“Bakit ka ba nakikipag-usap doon sa kapatid ko!?”galit niyang tanong sa akin

“Ano bang pake-alam mo kung nakikipag-usap ako sa kanya? Eh ano ngayon?”inis na sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang braso ko pero agad ko din itong binawi.

“Stay away from him! Okay?”galit na utos nito sa akin. Bigla kong naalala ang sinabi ni kuya…

"Wag ka nang lalapit pa kila Jairus. Nakita't nakilala mo na sila. Umiwas at lumayo ka na kang"... LUMAYO!!

“Hey!? Are you okay?”tanong niya pa sa akin pero nung lalapit pa siya sa akin at agad ko namang siyang tinulak at tumakbo paalis.

Shocks! Kapag nalaman ito ni kuya talagang lagot ako neto! Pahamak na Jairus. Hindi naman namin siya inaano ni Clyde ah? Papansin amp!

“Oh? Why naman nagmamadali itong kapatid ni Gurang? Tsk. Hi Jiyeon! Sorry nga pala kahapon. Ikaw naman kase hindi mo aga—hey! “hindi ko na pinatapos pa ng pagsasalita itong si Jalem ay agad din akong lumayo sa kanila.

“Nag-usap na ba kayo?”bigla akong nagtaka kung kaninong boses ba iyon. Pagtingin ko ay si Vince lang pala

“Huh? Sino? Anong sinasabi mo?”taka kong tanong.

“Ni Jairus. Nag-usap na kayo?”muli niyang tanong. Ano bang dapat namin pag-usapan? Ano yun? Magso-sorry ba siya sa amin nila trixie at kryssha?

“No, Imbes na kausapin ay tinakbuhan niya lang ako”walang emosyong pagkakasabi ni Jairus. Bigla naman bumilis ang takbo ng puso ko. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako or nagu-guilty? No! Hindi, Bakit naman ako kakabahan sila lang yan. Saka bakit naman ko magu-guilt kung ayaw kong lumayo kay Clyde? Wala naman kaseng ginagawang masama yung tao.

“Instead of listening, She run away from me. And instead of remembering me, She just hating me.”pagkatapos sabihin iyon ay umalis na din siya at naiwan kaming dalawa ni Vince.

Ano bang gusto niyang alalahanin ko sa kanya? Ano bang dapat kong matandaan sa kanya? Kilala na niya ba ako mula noon pa? O umaarte lang siyang may alam?

The Seven Badboys and Me (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon