Kabanata 22

483 38 24
                                    

WARNING: Sexual Assault

*****

Gabi na at halos hindi ko na maramdaman ang sarili ko sa sobrang lamig. Isabay mo pang sobrang lamok dito.

Maya maya pa ay may bumukas ng pinto ng silid na ito. Dahan dahan itong nagsara at ang mga yapak nito ay ramdam kong palapit ito sa akin.

“Keros?”tawag ko pero hindi siya sumagot. Hanggang sa dumampi ang dulo ng daliri niya sa balat ko. Agad akong nangilabot dahil doon. Umatras ako ng konti habang siya at patuloy sa ginagawa.

“Shh, wag kang maingay.”utos nito. Hindi siya si Keros! Hindi niya kaboses si Keros!

Siya yung sumampal sa akin ng pagkalakas lakas!

“Ikaw yung malakas sumampal sa akin! Anong gina—” hindi ko natapos ang sasabihin ko nang takpak niya ang bibig ko gamit ang kamay niya. Mariin niya akong isinandal sa pader at nanggigigil na sinakal.

“Sinabi kong wag kang magiingay, ‘di ba? Bakit ba ang tigas tigas ng ulo mo?”galit niyang tanong. Natakot ako sa pananalita niya dahil ramdam ko sa tono niya ang galit. Hindi pa ako maayos makakita dahil maga pa rin ang mata ko kaya hindi malinaw sa akin kung anong ginagawa niya dito. At mag-isa lang siyang pumasok dito.

Teka…

Hindi kaya may binabalak ‘tong gagong ‘to na masama sa akin?

Nakatali ang dalawang kamay ko sa likod ko. Tumingin ako sa paligid at naghanap ng basag na bote. Naalala kong kaninang sa galit ng amo nila ay nagbasag ‘yon bote ng alak niya kanina. Merong bubog malapit sa akin kaya naman ay pilit kong inabot ‘yon ng hindi niya nahahalata. Ang mga kamay niya ay nakarating na sa  aking hita pababa sa aking binti. Ramdam na ramdam ko ang gaspang ang palad niya

“Makinis ka at… maputi.”komento niya. Hindi ko alam pero nagsisimula na akong matakot sa sinasabi niya. Sa ganyang salita niya ay parang alam ko na ang motibo niya at kung bakit siya nandito. Sa likod ko naman ay dahan dahan kong ikinikiskis ang bubig sa tali na nakatali sa mga kamay ko. Dahan dahan niyang inaangat ang kamay niya pabalik sa aking hita ko. Nanginginig ang mga kamay ko sa likod habang nagmamadali pero walang ingay na kinakalas ‘yon. Ramdam ko ang pagkalas ng isa sa tali at medyo lumuwag na ang nakatali sa dalawang kamay ko. Habang ang manyak na lalaki na nasa harap ko ay nagsimula nang maghubad ng pang-itaas. Nanlaki ang mga mata ko at dahan dahang umatras. Kumuha siya ng panyo at inilagay sa bibig ko.

“Wag kang mag-ingay, ah? Kundi mamatay ka ng maaga.”bulong niya. Bigla akong nanghina sa sinabi niya pero ang mga kamay ko ay patuloy sa pagkiskis ng bubog sa taling nasa kamay ko. Malapit na… konti nalang… yes!! Natanggal ko na ang mga tali na nakatali sa mga kamay ko. Naghubo siya sa harap ko ang hinila ang ulo ko. Natakot ako at kusang gumalaw ang mga kamay ko na may hawak na basag na bote at sinaksak ‘yon sa dibdib niya.

“Putcha! Saan mo…”mukhang nakita niya na kung saan ako nakakuha ng basag na bote. Sila naman ang nagtapin ng mga ‘yan kaya wag silang magreklamo at magtanong. Tinanggal ko agad ang panyong nasa bibig ko at sumigaw.

“KEROS! TULONG!! TULONG!!”Sigaw ko. Nagbabakasakaling may tumulong kahit sila ang kumidnap sa akin.

“Tangina mo ka! Wag kang sumigaw!”sigaw na saway niya sa akin.

“Potangina mo ka rin! Tanga ka! Eh, bakit ka sumisigaw? Ayaw mo akong pasigawin tapos ikaw todo sa sigaw? Okay ka lang!?”malakas pa sa sigaw niya ang ginawa ko. Rinig kong may lumalakad papunta sa silid kaya naman ay agad siyang nagbihis muli.

“Anong ginagawa mo, Archi?”mahinahong tanong ni Keros habang pumapasok sa loob ng silid na ‘to.

“Ano bang pakialam mo? Wala naman si bossing kaya naman may karapatan tayo na gawin ang mga gusto natin.”inis na sagot ni Archi. Hindi bagay ang pangalan na Archi sa manyakis na kagaya niya.

Bumuntong hininga siya, “pwede mong gawin lahat pero hindi sa kanya. Kung kating kati ka ka, humanap ka sa labas at sila ang paglaruan mo. Layuan mo si Jiyeon,”ay hinatak ako palayo.

“Umalis ka na bago pa ‘to makarating ‘to kay Zane.”sabi ni Keros. Masamang tingin ang ginawad sa akin ni Archi. Gago, dukutin ko mata mo sa susunod!

“Sino si Zane? Archi pala pangalan n’on? Gago, hindi bagay. Manyakis siya.”sabi ko.

“Their boss.”sagot niya. Pinulot niya ang ilang piraso ng bubog na nagkalat sa sahig. Napatingin ako sa pwesto ni Archi kanina… may dugo.

Nasaksak ko siya pero hindi ko siya narinig na dumaing o umaray man lang.

“Ikaw, hindi mo ba siya boss?”tanong ko habang nakatingin pa rin sa dugo ni Archi.

“No,”mahina niyang sabi. “I’m just here because of you.”sabi niya. Lumapit siya sa akin at kinuha ang dalawang kamay ko. May band aid siyang kinuha mula sa bulsa niya.

“May girlfriend ka na ba?”tanong ko. Binitawan niya na ang kamay ko nang matapos lagyan ng band aid.

“Bakit interesado kang malaman?”ngisi niyang tanong.

Medyo nahiya ako sa tanong ko kaya nag-iwas ako ng tingin mula sa kanya.

“H-hindi naman. A-ano lang… ano natanong ko lang naman. Wala naman akong ibig sabihin doon. At isa pa, may nagugustuhan na ako.”sabi ko at tumungo.

Namimiss ko na sila.

Namimiss ko na sila Mama at Papa.

Namimiss ko na ang Kuya ko.

Namimiss ko na siya…

Jairus, gano’n ba ako hindi ka-importante sa’yo para kalimutan ako? Gano’n ka ba ka-walang pakialam sa akin para pabayaan ako ng gan’to? Sana pala…sinunod ko nalang si Kuya Liam para kahit papaano makakaahon ako mula sayo. 

“Are you thinking of him?”tanong ni Keros. Hindi ko na maiwasang lumuha dahil sa lungkot. “Stop crying, here.”inabot niya ang panyo niya sa akin. Ang dami naman ata niyang dala samantalang parang wala siyang hawak na kung ano ano kanina.

“I can’t do anything but to miss him…”bulong ko.

“Stop, they’re here. Get ready.”mahina niyang sabi. Lumabas siya sa kwarto at iniwan ako.

Sinong nandito? Bakit magreready? Agad akong nataranta sa sinabi niya kaya naman kumuha ako ng isang basag na bote. Bigla akong nakarinig ng putok ng baril at may nakita akong isang lalaki na umaakyat sa bintana.

“Hoy, sino ka!?”tanong ko.

“Hey, darling! I’m here for Jiyeon. Kilala mo ba siya? Kapatid siya ni Liam the pussy.”sabi niya.

“Ako si Jiyeon. Kilala mo ang kuya ko? Kasama mo ba siya?”tanong ko. Bigla niya akong hinila at binuhat na pang-bridal style. At agad na bumaba. May suot pala siyang tali sa bewang mula sa taas at may naghihila pataas pababa doon sa may bubong. Kaya naman pala.

“Nasaan sila kuya? Wag mong sabihing nandon sila at nakikipag-patayan?”nag-aalalang tanong ko. Hindi pwede! Nasisiraan na sila ng bait kung oo!

“Hayaan mo na sila.”sabi niya. Tumakbo kami hanggang sa may nakabukas na sasakyan na nag-aabang sa amin. Sumakay kami doon ako ang pina-una niya bago siya pumasok at sinara ang pinto.

“Kapag sinabi kong hindi na tayo babalik kila Liam sasama ka ba sa akin?”bigla niyang tanong at ni-lock lahat  ng pinto ng sasakyan.

“Anong ibig mong sabihin…?”naguguluhan kong tanong. Ilalayo niya ako kila Kuya Liam? Parang kidnap ulit? Hindi ko na sila makikita ulit?

“Hindi ‘to kidnap. Kung sagot mo ay hindi, edi don’t. Kung oo naman, edi tara let’s na. Ano? Anong sagot mo?”parang naiinip niyang tanong.

“Ayoko, namimiss ko na sila kuya.”mahina kong sabi.

“Kapag sumama ka sa akin malalaman mo kung gaano ka ka-mahal ni Jairus.”sabi niya. Kinunutan ko siya ng noo. Naka-drugs ba ‘to?

“Ano?!”

“Kapag naghintay siya sayo at walang naging sinong babae habang naghihintay sayo… edi sana all. Kapag wala pang isa o dalawang taon ay meron na siyang pinalit sayo… ibabalik na kita.”sabi niya. Para lang siyang negosyanteng nagooffer ng kung anong pwedeng i-offer.

“Ano bang gusto mong palabasin?!”naiirita na ako sa kanya.

“Tignan natin kung uulitin niya ang ginawa niya noon sayo. Nangakong hihintayin pero nilagawan naman si Zianna. Gusto ko lang malaman kung gaano kahaba ang pasensya ng batang ‘yon. At syempre, pati ikaw.”seryoso siyang tumingin sa akin. Hindi ko naman siya kilala ano bang pakialam nito?

“Teka, hindi naman kita kila—”pinutol niya ang sasabihin ko nang may ipakita siyang bussiness card. Aanhin ko ‘yan? Wala pa akong negosyo.

“I’m King Hermes. You can call me King.”at kinindatan ako. Isa rin siyang kumag. Mahilig kumindat.

“Ayoko, iuwi mo na ako kila Kuya Liam.”sabi ko.

“Ayaw mo talaga? Sige, ikaw rin. Baka mamaya hindi pala totoo lahat ng moti—“

“Sasakalin kita!”banta ko. Ngumiti lang siya sa akin.

“Dali na, boring kase sa mansyon ko wala akong masyadong yaya.”sabi niya. Ay gago! Gusto akong pasamahin sa kanya para lang gawin akong yaya!? “malaki ako magpasahod. 500k kada araw na maglilinis ka sa bahay. Pwede kang doon tumira, ako na rin magpapa-aral sayo. Pwede ka rin mag-apply na assistant secretary ko kung gusto mo.”sabi niya habang kinukuha ang cellphone. “My secretary is on day off so habang wala siya ikaw ang papalit. I believe in time is gold kaya malaki ako magpasweldo kahit isang araw palang nagtatrabaho.”at tinignan ang relo niya. “ano? Sama ka o hindi?”tanong niya.

Sumasakit ang ulo ko sa taong ‘to. Pero gusto ko na yumaman. Tanggapin ko na ba? Pera o ang mahal ko? Tanggapin ko na. Babalik naman ako eh. Paano kung wala ng babalikan? Pero ‘diba parang may point siya? Kapag nahintay ako ni Jairus posibleng ako pa rin talaga. Ang tanong, naging ako ba? Mas lalong sumakit ang ulo ko. Parang mas gusto ko nalang sumama kay King kesa isipin na kahit kailan hindi naging ako at lahat ng motibo niya ay hindi totoo.

“Hindi na ba ‘yan tataas?”kunwaring tanong ko.

“Syempre, hindi. Iisa lang kayo ng sweldo para patas ang lahat. Nang-uuto ka pa eh ikaw lang uto uto dito.”sabi niya. Malakas ko siyang hinampas dahil masyadong matalas ang dila at pasmado ang bibig.

“Ang sama ng ugali mo! Hindi naman ako uto uto!”inis kong sagot. Tinawanan naman niya ako.

“Sabagay, stubborn lang? Wow, ang sosyal mo naman.”asar niya sa akin. “Ano? Tara na?”tanong niya.

Dalawang beses akong tumango, “okay.”sagot ko.

“Good! Great choice! Yes! Tara na.”sabi niya sa driver at umalis na sa lugar na ‘yon. Rinig ko pa rin ang ilang putok ng baril kahit nakakalayo na kami.

“Such a impulsive decision.”komento ng kasama niya.

“Shut up, Terry.”saway ni King.

“It’s Terrence! Who the fuck is terry?”galit niyang tanong. Namumula na ang tenga hanggang batok niya. Gano’n siya kabilis mapikon?

“Edi ikaw! Duh,”sabay irap at kunwaring hinawi ang mahabang buhok. Kafederasyon…?

“Just fucking call me Terrence ‘cause that’s my name! You cunning asshole.”sabi ni Terrence. May baril sa gilid niya. Kinakabahan ako kase dahil lang sa pangalan magkapikunan sila tapos magbarilan na rin.

Patay lahat.

Tumigil kami sa isang gilid. May isang lalaking naka-sombrero at pinagbuksan siya ni King.


“Hey, what’s up?”bati nito sa bagong dating.

“Bakit ka sumama sa timang na ‘to?”biglang sabi nung may sombrero. Teka… si Kuya Liam!

“Kuya Liam!?”gulat kong tanong.

“Yeah.”tipid niyang sagot.

“Anong ginagawa mo dito?”tanong ko.

“Ikaw, anong ginagagawa mo dito?”balik niyang tanong. “You just left us and go with this jerk while me and Jairus is almost die? What are you thinking? Or are you even thinking?”walang emosyon niyang sabi. At kahit malamig ay ramdam ko ang galit sa pananalita hanggang sa pagtitig niya.

“Hindi… hindi ko rin alam.”nahihiya kong sagot.

“See? She’s too fast to make a decision without thinking.”sabat ni Terrence.

“Terry, shut up.”saway sa kanya ni King.

Napahilamos na lamang siya ng sariling mukha. “I’m not Terry, fucker.”nanggagalaiti niyang sabi. Ngumisi lang sa kanya ni King.

“Do you want to go home?”tanong ni Kuya Liam.

“She’s not coming with you. She’ll come with me. She will be my assistant secretary. She will work with me sooner.”sagot ni King.

“Wala pa siyang 18! Bakit ang kapatid ko pa!? Why? You left us and now you’re taking my sister away? No, not gonna happen.”inis niyang sabi.

“I did not left. I didn’t left my fuckers. Hinayaan ko lang kayo tumayo sa mga sarili niyong paa kase malalaki na kayo. You talked me that time and you’re just a little teenager wanting me to help you and I did.”sabi niya.

Naiipit ako sitwasyon nila. Wala akong kaalam alam na may past pala sila? Ano nang gagawin ko?

“Yeah, you didn’t left. You always says that even it’s fucking obvious that you really walk away and never looked back to me and my friends. We can fight the hell now at hindi ka na namin kailangan. You’re just wasting your time for my sister.”usal niya. Umiling si King.

“No, she’s not a waste of time. Baka si Jairus ang nagsasayang ng oras para sa kapatid mo.”sabay ngisi niya.

“Anong ibig mong sabihin?”tanong ko. Nagsasayang?

“She’s with Zianna right now. Wanna know what they’re doing now?”inangat niya ang isang kilay.

“Don’t, Jiyeon.”pigil ni Kuya Liam. Bakit ako pinipigilan ni Kuya? Ibig sabihin may alam siya?

“Puntahan natin siya.”’yon lang ang nasabi ko. Hinarap ko si Kuya Liam, “anong mangyayari kapag hinanap natin siya?”tanong ko. Napalunok lang siya at hindi makasagot. At mukhang may alam nga siya.

“Be ready, Jiyeon.”sabi sa akin ni King.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kinakabahan na… parang natatae.

Shuta ka, Jiyeon.

MABILIS din kaming nakarating sa tapat ng isang bahay. Walang ilaw ang loob bukod sa isang kwarto sa itaas.

Tumingin ako sa ibang bahay at sa buong paligid ng lugar.

“You can go now, Jiyeon. ‘Yang bahay na ‘yan,”sabay turo sa bahay na iisa lang ang nakabukas na ilaw.

Nagsisimula na akong kabahan at bumibilis na ang tibok ng puso ko. Huminga ako ng malalim at nahalata ata ni King ang kaba sa mukha ko kaya naman ay tinapik niya ang balikat.

“Pa-video nalang.”si Terrence.

Anong bi-video-han?

Lumabas ako ng kotse at ramdam kong titig na titig pa rin sila sa akin. Humakbang ako palapit sa gate at walanh ingay na binuksan ‘yon. Feeling mag-aakyat bahay lang ako sa ginagawa ko. Dahan dahan lang lang hakbang ko hanggang sa makapasok ako sa pinaka pinto at pinasok ‘yon.

Bumungad sa akin sobrang dilim dahil sa saradong binatana, walang ilaw, pero may… bra ba ‘yon?


Nilibot ko ang buong bahay at nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ang isang picture frame. Larawan na nandoon si Jairus at Zianna. Parehas nakangiti at masaya… ito na ba ‘yong hinahanap kong dahilan at sagot na dapat akong sumama kay King?

Umakyat ako sa 2nd floor dahil hindi ko kayang tignan ang mga litrato dahil kita kong masaya talaga doon si Jairus.

Natapakan ko ang isang white tshirt na may… dugo?

Binuksan ko ang isa sa mga kwarto pero naka-lock. Sinubukan ko muling buksan pero talagang naka-lock. Sinubukan ko sa ibang kwarto at isang simpleng kwarto lang naman ang bumungad. Medyo maalikabok pa nga eh. Merong tatlong susi na nakasabit sa tabi ng pinto at kinuha ko ‘yon. Muli akong pumunta sa unang kwartong sinubukan kong buksan at ni-unlock yon gamit ang susi. At hindi naman ako nabigo dahil nabuksan ko rin ‘yon.

“Ah! Ja..irus! Ah!”bungad sa akin. Kitang kita ko kung gaano kabilis umulos si Jairus sa ibabaw ni Zianna. Nanubig ang mga mata kong nanlalabo na. Umatras ako ng umatras hindi alam kung anong gagawin. Si Jairus… kasama niya ni Zianna dito at ‘yong naabutan ko… lalong sumasakit ang ulo ko. Tumatakbo akong lumabas ng bahay na ‘yon at agad na pumasok sa loob ng kotse.

“Umalis na tayo dito. Ayoko na dito! Ayoko na siyang makita ulit!”sigaw ko. Bigla kong naramdaman ang yakap sa balikat ko.

“Tahan na, Jiyeon.”bulong ni Kuya Liam. Humagolhol lang ako at hindi na inintindi kung maingayan sila.

“Kuya, mahal ko na siya…”umiiyak kong sabi. “Siya na ‘yung nandito eh!”turo ko sa dibdib ko. “Siya na, eh! Tapos puro mixed signals pa binibigay niya! May nalalaman pa siyang date date tapos ganito!? Kuya!”sigaw ko.

I really hate this heavy feelings.

“I already told you that stay away from him.”usal niya.

“Wala akong kasalanan! Tangina naman kase eh!”inis kong sabi. Walang tigil ang pagtulo ng luha ko at hindi na rin alam kung may paglalagyan pa ba ang damdamin na nararamdaman ko. Sobrang bigat, halos ayaw na akong pahingahin.

“Jiyeon, kumalma ka.”si King.

“Doon nalang tayo sa London. No, sa New York nalang tayo.”dagdag ni King.

Aalis kami ng bansa? At lalayo kay Jairus?

Tama ba ang naging desisyon ko?

O dapat lang na lumayo na talaga ako dahil sa mga nangyari’t nakita ko?




The Seven Badboys and Me (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon