Chapter 19: Fieldtrip part 2

192K 2K 358
                                    

Chapter 19: Fieldtrip part 2

Hindi talaga sumunod si Lance sa amin kanina at hindi ko alam kung kumain na rin ba siya kasama yung iba. Naglalakad kaming dalawa ni Jake nang mapansin ni Jake sila Lance. Kasama niya pa rin yung babae kanina.

"Girlfriend niya yung kasama niya?"

"Hindi ko alam." Kako na lang. napansin ko kaagad yung paglapit nila sa amin. Yung babae pa mismo ang humila kay Lance para lumapit sa amin ni Jake. Magkakilala siguro talaga silang dalawa.

"Hi." Nakangiting bati nung babae sa akin. "Hindi ko nalaman yung pangalan mo kanina." She has this sweet smile and very captivating talaga. "I'm Cha." Pakilala niya sa sarili.

"Miyuki. And this is my boyfried, Jake."

Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang biglang pag-akbay ni Lance rito.

"Oh, you're the girlfriend?" Tanong ni Jake kay Cha pero ngumiti lang ito.

"Saan mo gusto pumunta?" Tanong sa akin ni Jake kaya muling bumalik ang atensyon ko rito. Sinabi kong gusto kong magpicture sa mga view doon at pumayag naman siya.

"Ikaw Lance saan mo gusto kumain?" Ngumiti si Lance kay Cha. Nakakagulat lang kasi hindi naman palangiti si Lance sa mga babaeng kausap niya. NGUMITI TALAGA SIYA, AH! At sinagot din niya ang tanong nito sa kanya.

Hindi ko na masyadong inintindi iyon at nag-umpisa na kaming maglakad ulit ni Jake.

"Hindi naman kayo magagalit kung sama na rin kami sa inyo?" Tanong ni Cha sa akin kaya pumayag naman ako.

Nagpicture-picture muna kami sa mga view ron at nang matapos ay nagpahinga muna kaming apat. Hindi ko maiwasang mapatingin sa direksyon ng dalawa dahil ang sweet talaga nila. Nagbubulungan kasi sila tapos nakangiti lang si Cha rito but something is off.

"Kailan pa kayo magkakilala?"

"2 years ago" / "Last month" Sabay nilang sabi at napansin namin ang tinginan nilang dalawa.

"That's weird." Sabi ni Jake sa kanila. "Hindi niyo alam kung kailan kayo nagkakilala"

"He's joking" Sabi naman ni Cha. "Diba Lance?" Ngumiti lang si Lance rito kaya mas lalo akong nakaramdam ng weird vibes sa pagitan nila. Okay, binabawi ko na yung parang ang sweet nila. Parang may kakaiba kasi sa kanilang dalawa.

"Anyway, I need to go." Paalam ni Cha sa amin. Tila ba nagmamadali ito dahil hindi pa kami nakakasagot ay umalis na siya bigla. Nakatingin naman si Lance sa direksyon kung saan papunta si Cha.

Napailing naman si Lance at sumunod siya kay Cha.

"They must be realy close." Saad ni Jake kaya napatango na lang ako.

"Baka nga."

Marami pa kaming pinuntahan ni Jake at nakipagmeet na rin kami kay Gail afterwards. Kasama namin siya gumala sa kung saan-saan. Nagpaalam na rin si Jake sa akin na sasama na rin muna siya sa mga barkada niya nung bandang hapon kaya pumayag na rin ako.

"Wait lang bessy ah. Mag-cr lang ako." Paalam naman ni Gail sa akin. Sasama sana ako kaso napagod ako sa kakalakad kanina pa. Umupo na muna ako sa bench para hintayin si Gail nang makita ko sa di kalayuan sila Lance at Cha. May isa pang lalaki doon pero agad iyon umalis. Halata sa hitsura ng lalaki na galit siya at tila nagtatalo sila ni Cha. Si Lance naman ay walang ginagawa para ipagtanggol si Cha.

Kinabukasan ay maaga rin na nagising ang mga iba para gumala ulit. Maaga kasi kaming aalis ngayon para umuwi na.

Ako naman ay nagpasyang manatili na lang muna sa lodge. Masyado na kasi kaming nawili ni Gail kahapon saka kagabi kakagala. Nag-aayos kaming dalawa ngayon ng mga gamit namin.

"Hindi ka talaga gagala? Magkaiba na kayo ng bus ni Jake mamaya,"

"Hindi na. Magkasama naman na kami kahapon saka sabi niya ay kasama niya ang mga barkada niya ngayon. Ayoko naman na maging killjoy."

"Talaga lang, ah." Hindi kumbinsidong kumento ni Gail sa sinabi ko. "No offense meant pero wala talaga akong tiwala dyan sa boyfriend mo." Nginitian ko lang si Gail. "Huwag mo nga akong nginingitian." Aniya. "Ayoko talaga sa Jake na yun." Sabi pa rin niya kaya natawa na lang ako.

10am nang magtawag na ang adviser namin na pumunta na lahat sa bus. Lahat ay umuupo na sa kanya-kanyang pwesto at nagro-roll call na rin ang adviser.

"Lance Mariano?"

"Ma'am! Wala pa siya." Sigaw ng kaklase namin na marahil ay katabi ni Lance dapat sa upuan.

"Tawagin niyo." Utos ni Ma'am.

"Tinatamad na ako bumaba. Ikaw na lang." Nagtuturuan silang lahat sa likuran kaya napahinga na lang ako nang malalim nang ako na mismo ang inutusan ni ma'am.

Bumaba ako sa bus at sakto naman na naglalakad na si Lance papunta rito. Kasama niya pa rin si Cha.

"Thank you talaga." Rinig kong sabi ni Cha. "Thanks for the help. Na-appreciate ko yung effort mo kahit na nagpanggap lang tayo. Also,..." Napatigil siya sa sinasabi niya nang mapansin niya akong palapit sa kanila. "Nandito na pala siya. Dapat sabihin mo na." She said.

"Maybe next time. Ayokong makasira." He said kaya napakunot na ako ng noo.

"Bilisan na raw natin. Aalis na." Sabi ko na lang dito at pagkatapos ay iniwan ko na sila at nauna na bumalik sa bus. 

***


A/N: I really need to change this part. collab kasi ito ng isa pang story and hindi kasi ako yung naglagay ng ibang conversation sa old version. Not so Lance kasi talaga. Pero for the sake na hindi ma-change totally, medyo ganun pa rin pero pinalitan ko lang yung buong chapter 18 and 19. 

Sadist Lover (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon