Chapter 16: You Meanie!

217K 2.5K 220
                                    

Chapter 16: you meanie!

Para akong timang na nakangiti habang iniisip yung sinabi ni Jake.

"Every little bit of you is magic daw." Kinikilig kong bulong sa sarili.

"oh, pathetic. What are you talking about? Magic? Witch ka ba?" Nawala ang ngiti ko sa labi nang dahil sa sinabi ni Ina, dati kong kaibigan bago ako nagkaroon ng boyfriend.

"Witch talaga. Gayumahin ba naman si Jake." Nakahalukikip pa si Czelene nang sabihin iyon.

"Don't make her angry. She'll cast a spell on you." Tinignan lang ng dalawa si Lance bago sila umalis. Alam kasi ng buong klase na maliban kay Gail ay isa rin si Lance sa mga kaibigan ko.

"Thanks."

Pagkaupo pa lang ni Lance sa tabi ko ay kaagad na siyang kinausap ni Gail tungkol sa soccer match nito mamaya. Hindi ma-process sa utak ko na bigla silang naging malapit. Nakasingit lang ako sa usapan nila nang sabihin ni Gail na pupunta siya para manood.

"Pwede akong sumama?"

"Sure." Pagkatapos niya akong sagutin ay nginitian niya nang matipid si Gail. Still, ngumiti pa rin siya at nakakagulat iyon! Dahil una, siya si Lance! Pangalawa, hindi basta-basta ngumingiti si Lance!

Something's fishy! Ang lansa ng amoy. May kakaiba sa dalawang ito. Pinagmamasdan ko silang dalawa hanggang sa bigla akong may naisip.

"Nagkakadevelopan na ba kayo?" tanong ko sa kanila

Parehong kumunot yung noo nilang dalawa sabay sabing. "What the hell?"

"Eh, ano pala? Ang close niyo kasi ngayon." SImpleng tanong ko pero mukhang nainis si Lance sa akin dahil bigla itong tumayo at lumabas na ng classroom. Nang tanungin ko si Gail kung bakit iyon nainis ay nagkibitbalikat lang ito at sinabing hindi niya rin alam.

***

Excited ang lahat sa klase namin nang malaman nila na section 2 ang makakasama namin si PE para sa match ng basketball. Syempre excited din ako dahil nandoon si Jake. Ang match ay between sa mga lalaki at nakasalalay sa kanilang pagkapanalo ang additional grade namin sa PE.

Napangiti ako nang makita kong pumasok sa gym ang sila Jake. Nagtatawanan sila ng mga kaklase niya at tila ba wala silang inaalala na match. Palibhasa ay halos naglalaro ang lahat ng mga lalaki sa section nila ng basketball.

"Nakasalalay dito yung grade ng klase niyo" Paalala ni Sir Morgan sa lahat ng estudyante pati na rin sa mga manlalaro ngayong araw.

Nagwawarm-up na sila Lance at ganoon din naman sa kabila. Naghihiyawan na nga ang parehong section dahil sa mga manlalaro.

"Ang daya talaga ni sir!" Ani Gail. "Grade din iyon tapos panay basketball players pa sa kabila!" Pagmamaktol nito.

"Magaling naman siguro sila Lance." Sagot ko sa kanya

"Wow, tapos yung mata mo na kay Jake, ano? Galing-galing mo talaga." Sarkastiko nitong pagkakasabi sa akin pero hinayaan ko na lang. Ganun kasi si Gail.

Nang magsipuntaan na sa gitna ng court ang mga manlalaro ay naghiwan na naman ulit yung mga babae sa parehong section. Syempre nakisigaw rin naman ako pero lahat ng kaklase ko ay nagsitinginan sa akin dahil si Jake ang pinangchi-cheer ko.

"Moral support naman sa klase natin!" Binatukan ako ni Gail pero tinawanan ko lang ito.

"Syempre yung boyfriend ko maglalaro!"

"GO LANCE!" SIgaw naman ni Gail. "Woohoo!!! KAIBIGAN KO 'YAN!" sigaw pa ulit niya kaya napailing na lang si Lance sa court.

Ilang minuto pa lang ang nakalipas ay kaagad na tambak kaagad ang score! Lamang ng six points ang kabilang section at hindi pa rin ma

Sadist Lover (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon