CHAPTER 6: He called me, what?

261K 3.9K 288
                                    


CHAPTER 6: He called me, what?

"So, are you...uhmmm."

"What?" Parang naiinis na si Lance sa akin.

"W-wala. Nevermind." Sabi ko na lang dahil malay ko ba kung straight naman pala si Lance. Edi awayin pa niya ako.

"Ano nga? Ayoko sa lahat yung may sasabihin pero hindi naman pala itutuloy." Napangiti lang ako dahil ang cute niyang mainis. Lalo na't naniningkit yung mata niya.

"And i'm not joking." Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang ngiti ko. Sabi ko nga, tatahimik na lang ako at hindi ko na lang siya asarin.

Ang hirap naman kasing paniwalaan na ang loner na katulad niya sa school ay may best friend na babae. Pambihira! Mabuti pa nga siya at may kaibigan, ako wala talaga!

"Lance, anong hobby mo?"

"Soccer, reading, sleeping."

"Yun lang?"

"Yeah."

"What about DOTA? Ang mga lalaki kasi ang hilig doon."

"Not all. It's a Devil Organization Training Activity afterall."

"You're weird. Alam mo bay un?"

"I detest computer games, Sharlot." Para akong kinilabutan bigla nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Kahit naman yata ilang beses kong sabihin sa kanya na ayaw kong magpatawag ng Sharlot ay gagawin pa rin niya.

"Bakit ayaw mo?"

"Ayaw kong masira ang mata ko. I'm more a reader and player than a gamer."

"Sabi ko nga." Nakakasira din naman ng mata ang pagbabasa ng libro. Dami pang palusot. Siguro lagi siyang talo sa dota?

Nagiging magaan na rin ang pakiramdam ko tuwing kasama si Lance. Hindi naman super pero at least sa school, maliban kay Jake ay siya ang nakakausap ko madalas.

"Lance, pwede kitang maging kaibigan?" Napatingin siya sa akin at parnag nagulat dahil sa tanong ko sa kanya. Mukhang hindi nga makapaniwala, e. Sarap tuloy kurutin ng pisngi! Pero tiis Miyuki, hindi pwede. Masakit ka pa naman mangurot.

"Hmmm." Aba't talagang pinag-isipan pa! "Ayoko."

"Oka---teka...ano? Ayaw mo akong maging kaibigan?"

"Ayoko." Pumikit siya at sa kabilang side naman siya humarap.

"At bakit ayaw mo?" Sinubukan kong tarayan ang boses ko pero hindi ko alam kung ubra bas a kanya.

"Lumalayo lang ako sa gulo." Sagot niya. Dahil pa rin ba kay Jake?

"Hindi 'yun, swear!" Itinaas ko ang kanang kamay ko bilang tanda na nagsasabi ako ng totoo.

"Ayaw pa rin."

"Why?" I said almost pouting. Kasi naman, nakakalungkot na rin na graduating na nga ako pero wala naman akong kaibigan. Sino na lang ang magsusulat sa akin pag retreat?

"Ang kulit."

"Sige na kasi, please?" Pinaliit ko pa ang boses ko para maging cute lang. Ewan ko na lang kung hindi pa effective.

"Ayoko nga." Muli akong ngumuso dahil sa pag-reject niya sa pakikipagkaibigan ko sa kanya.

"Siguro insecure ka sa beauty ko kaya ayaw mong makipagkaibigan sa akin?" Humalukipkip ako at ganoon na lang ang gulat ko nang bigla itong umupo at hinigit ako papalapit sa kanya. Nakakailang at parnag bumibilis ang heartbeat ko. "Uhh, Lance?" Medyo lumayo ako kaunti pero mas inilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko.

Sadist Lover (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon