CHAPTER 20: He's asking me to...what?

191K 2K 344
                                    

CHAPTER 20: He's asking me to...what?

Pabalik na kami ulit ng school. Tapos hindi pa ako nirereplyan ni Jake kanina pa kahit bago man lang sana umalis ang bus. Napahinga ako nang malalim at mas lalo akong parang naiinis nang bigla akong tanungin ni Gail.

"hey... How was the date yesterday?" tanong ni Gail, halatang excited itong makarinig ng kwento galing sa akin pero wala naman akong maiku-kwento sa kanya.

"double date kamo" ang tanging naging sagot ko rito.

"Hah? Sino pa ang kasama ninyo?"

"Lance. Hindi ba niya nasabi sa iyo kanina?" walang gana kong sagot rito at biglang naalala si Cha.

"nag-enjoy kasi ako sa pagto-tour mag-isa." masiglang sagot naman ni Gail sa akin. Mabuti pa siya kahit mag-isa siya lagi na lumalabas ay nagiging masaya siya. How come na kahit ang dami minsan nakapaligid sa akin ay hindi naman ako sumasaya? Even with Jake.

Idagdag pa na nakakainis ngayon ang ingay na naririnig ko mula sa mga nakaupo sa likuran. "Hindi ba sila napapagod? Ang ingay a" halos pabulong kong sabi kay Gail.

"Wala ka ba sa mood?" Tanong ni Gail sa akin

"it's nothing...."

"nothing?? About sa date niyo ba yan?"

"Medyo?"

"hmmm let me guess... Naiinis ka ba kasi nandoon si Lance?"

"Hindi naman. In fact okay naman sila kasama maski yung babaeng kasama niya."

"Wait! Yung kasama niya? You mean.... yung girl na kasama niya noong kararating natin?" agad itong umupo nang paharap sa akin.

"yeah... she's pretty... tapos mabait pa"

"So, hindi Lance kung bakit wala ka sa mood?" Agad kong napansin ang pag-iiba ng tono ng boses ni Gail dahil siguro ay alam na niya kung bakit ako ganito ngayon. "It's Russel then! That Jerk." Aniya.

"Hindi ko kasi siya nakita kanina bago tayo umalis tapos idagdag pa na hindi niya ako kino-contact."

"Parang dati pa naman ganyan sa'yo si Jake. Based sa mga reaction mo parang mas naiinis ka pay Lance, e."

"Hah? Hindi, ah. Bakit naman ako maiinis sa kanya?" Napabuntong hininga na ang ulit ako bago ko iginilid ang kurtina sa bintana. Agad akong na-estatwa sa kinauupuan ko nang makita kong magkatabi sa upuan sila JL at Jake sa bus na sinasakyan nila. Tila ba parang biglang kinurot yung puso ko dahil sa nakita ko. Hindi ko alam kung ano itong mararamdaman ko. Para akong naiinis na nagagalit dahil nakikita ko pa silang nagtatawanan ngayon samantalang kahit isang text man lang galling kay Jake ay wala akong natanggap. Halos mangilid-ngilid na rin ang luha ko pero naudlot ito nang biglang may cellphone na tumunog mula sa likuran ko.

Inis akong napagtingin kay Lance dahil kanya ang cellphone na iyon at hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasagot dahil maski siya ay nakatingin sa kabilang bus.

"Lance!" Inis kong tawag sa kanya. Agad naman niya akong tinignan bago sinagot ang tawag.

"Isarado mo na 'yang kurtina." May halong galit n autos ni Gail sa akin. Agad ko rin naman sinunod dahil hindi ko rin naman gusto ang nakikita ko.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at nakinig sa mga sinasabi ni Lance sa kausap niya. Mukhang hindi lang ako ang naiinis ngayong araw. Maski siya ay inis rin na nakikipag-usap ngayon kung sino man ang kinakausap niya.

***

Hindi ko namalayan ang pagdating namin sa school. Basta paggising namin ni Gail ay nandito na pala kami. Masyadong malayo kasi iyong lugar na pinuntahan namin kaya naman madaling araw na kami nakarating ngayon. Idagdag pa na matraffic din sa ilang lugar na nadaanan namin.

Sadist Lover (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon