Chapter 7: Rooftop

260K 4K 484
                                    

NAG EEDIT NA ULIT AKO OMG!!! Official na, ibinabalik ko na talaga ang SL sa watty. Ang tagal niyang nakatagoooo. Pagpasensyahan niyo na ang mga typo at grammar. lol

CHAPTER 7: Rooftop

"Mr. Mariano! Ms. Parco!" Ayan na. Sabi na, e! "Get out, now!"

"But ma'am---"

"No buts Ms. Parco." Lumabi ako dahil wala na akong magawa. Naunang tumayo si Lance at lumabas na para bang wala siyang pakialam kung palabasin siya sa klase. Kung sabagay naman kasi ay may laman ang utak niya. Matalino kasi. Sobra-sobra pa nga!

Mabilis itong naglalakad kaya naman sa labas na ng building ko siya naabutan. Hindi ko dala ang bag ko dahil ang akala ko ay tatayo lang kami sa corridor. Pero itong si Lance kasi! Bakit ko ba siya sinusundan?

"Hoy Lance!"

"Stalker talaga kita, e." May paninigurado sa tono ng boses nito.

"Kapal. Natutulog ka kanina kaya ginigising kita tapos OA ka naman."

"Huwag mo nga akong sundan."

"E, sa gusto kong sumunod. Sinong kakausapin ko sa corridor kung umalis ka naman?"

"Just..." Huminto ito paglalakad at hinarap ako "Don't follow me, Sharlot."

"Hey!" Nagpamaywang ako at tinitigan siya sa mga mata. "Stop calling me Sharlot. MI-YU-KI! Yun ang dapat itawag mo sa akin."

"Why not? That's still your name and it's nice," Aniya saka muli itong naglakad kaya sumunod na naman ako.

"Pero—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang may tumawag sa pangalan ko.

"Miyuki!" Nilingon ko ang familiar na tinig at napangiti ako nang makita ko siya. Si Jake. "Hey, bakit kayo nasa labas?" Lumapit ito sa amin at hinawakan ang kamay o.

"Pinalabas kami, e." Tumingin ako sa palayo nang si Lance. Hayaan na nga. "Kinurot ko kasi si Lance tapos medyo napalakas ang boses niya kaya kami napalabas."

"Next time huwag mo na ulit gagawin, hah?" Ginulo nito ang buhok ko saka niya ako niyakap. "Para sa'yo. Happy birthday." Iniabot niya sa akin ang paperbag na ngayon ko lang napansin. Birthday ko na? Seryoso ba? Tumingin ako sa relos kong may nakalagay na date! Gosh! Akala ko July 11 pa lang!

Agad kong niyakap si Jake dahil sa iniregalo nito sa akin. "Thanks, hon. You're the best! Pero hindi ka pa ba papasok? Late ka na, ah." Umiling ito saka ako hinalikan sa noo.

"Uuwi na ako, nagpaalam naman ako sa adviser ko. May pupuntahan daw kami nina mama. Saka hinanap talaga kita para mabigay 'yan." Turo nito sa paperbag na hawak ko.

"Thanks, again. Sige na. Alis nab aka mamaya niyan hindi pa kita pakawalan." Biro ko rito kaya niya kinurot ang ilong ko.

"Text kita mamaya." Sabi pa nito saka tuluyang umalis na.

Nang wala na si Jake ay nag-umpisa na akong hanapin si Lance. Matapos niyang magpaka-OA kanina, iiwan niya ako? Lokong Lance 'yon!

Kung saan-saan ako nagpunta para lang mahanap si Lance. Pumunta ako sa clinic, sa gym, cafeteria, nag-abang pa nag ako sa CR ng mga lalaki pero wala siya. Pinakahuli kong pinuntahan ay ang rooftop.

Kaagad kong nakita si Lance na nakahiga habang nakapatong na naman sa mukha niya ang libro. Lumapit ako rito at mukhang hindi pa rin niya ako napapansin.

"Hoy." Mahinang tawag ko pero walang epekto. Kumuha ako ng ballpen sa bulsa ko at saka ko siya tinusok. "Hoy," Wala pa ring epekto.

"HOY LANCE MARIANO! PAGKATAPOS MO AKONG IWANAN DOON TAPOS NGAYON NAMAN AY HINDI MO AKO PINAPANSIN?" Ikinuyom ko ang palad ko nang nag-iba lang siya ng posisyon. Ngayon naman ay nakaharap na siya sa kabilang side tapos muli lang nitong binuksan ang libro niya.

"Lance naman, eee!"

"Don't shout, Sadist."

"W-what?" Inagaw ko ang librong hawak nito kaya napilitan siyang umupo at humarap sa akin. "Hindi ako sadista, ah!"

"Yes, you are. Give my book back." Seryoso ang pagkakasabi nito sa akin pero hindi ko siya sinunod. Inilagay ko pa nga ang libro sa likuran ko.

"Bawiin mo muna ang sinabi mo!"

"Mapanakit ka kaya sadista ka pa rin." I bit my inner cheek dahil sa inis.

"Pangit."

"Okay lang at least I'm not a sadist." Ngumisi ito saka saka sinubukang agawin ang libro sa likuran ko kaya napaurong ako bigla dahil sa posisyon namin. "Kung hindi mo pa ibabalik sakin 'yan, may mahahawakan akong hindi dapat." Napalunok ako ng laway dahil sa sinabi nito.

"Manyak ka!" Ibinato ko sa kanya ang libro niya. "Baka desu!"

"Alien."

Paano ba siya nagkaroon ng best friend na babae? Sa ugali niyang 'yan? Natiis talaga siya? Humiga na muli ito at nagfocus sa binabasa niya kaya tumayo na lang din ako para mauna na. Tapos na rin naman siguro ang second period.

Pero nagulat na lang ako nang bigla ulit ito umupo at pagkatapos ay biglang tumawa ng malakas.

"Napano ka?"

"Magsuot ka nga ng shorts." Panandalian akong natigilan dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko nga ay nagslow motion pa ang kapaligiran dahil sa narinig ko.

"D-did you see m-my und—"

"Ra..bbit." Putol nitong sabi dahil sa pagkakatawa niya. Tapos ako, parang gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi niya. "Sadistang mahilig sa rabbit! Hahaha!"

"MANYAK KA TALAGA!" Ibinato ko sa kanya ang ballpen sa bulsa ko! "BASTOS KA!"


Sadist Lover (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon