Chapter 11: QUALITY TIME

246K 3.1K 341
                                    

CHAPTER 11

"Ah, yeah. Sinuot ko na." Pagsisinungaling ko. Tinignan ko pa si Lance para lang maki-ride na rin siya. Hindi ko naman kasi akalain na parehas sila ng binili ni Lance.

"Tara?" Nakangiting yaya sa akin ni Jake.

"Saan?"

"Maglalaro, rito." Paliwanag pa niya. Humawak na rin ito sa bewang ko na para bang wala kaming kasama.

"Hey, hindi tayo nakapag-usap last time." Rinig kong sabi ni JL kay Lance.

"Because I was resting that time. Anyway, I have to go." Paalam ni Lance sa amin. Sasabihin ko sanang mag-stay na muna siya pero umalis na siya.

"Uhh, aalis na rin ako. Bye Jake and Miyuki. Enjoy your day," Ani JL.

Tumingin ako kay Jake na ngayon ay tinanggal na ang pagkakahawak sa bewang ko. Nakokonsensya akong hindi ko suot ang iniregalo niya.

"Ano mo si JL?" tanong ko nang dalawa na lang kaming natira.

"Friend."

"ah." Ngayon ko lang naman sila nakitang magkasama kaya hindi ko alam kung maniniwala akong magkaibigan talaga sila. Maganda si JL. Halos kilala siya ng lahat sa school. Tapos never ko silang nakitang mag-usap, ngayon lang.

"Naging classmate ko siya noon." Paliwanag niya kaya tumango na lang ako. "Naging kami noon." Doon ako natigilan. "But don't worry, wala na talaga. Hindi naman kita liligawan kung hindi kita gusto."

"Kailan kayo---"

"Miyuki, huwag na natin siyang pag-usapan. Ikaw ang girlfriend ko, ikaw ang mahal ko."

Hindi na ako nagtanong pa ulit after non. Ayaw ko rin naman masira ang araw ko saka mas pinipili kong magtiwala sa mga sinasabi ni Jake.

Pinanood ko na lang siyang maglaro sa arcade. Minsan tinuturuan niya ako, pero mas nag-eenjoy talaga akong panoorin siya. Umalis lang naman kami dahil may nakaaway si Jake. May isang lalaki kasing nagtangkang mambastos sa akin.

"Sorry, hindi ko na dapat pinatulan."

"Thanks Jake. Sa totoo lang natakot ako, ayaw kong makipag-away ka pero thank you kasi pinoprotektahan mo ako." Hinalikan ko siya sa pisngi at kaagad ko namang nakita ang mga ngiti niya sa labi.

Masaya ako na hindi naging pisikalan ang away kanina. I don't even want to remember the scene. Masyado na kasing nagkakainitan ang dalawa kanina. We don't even know those guys. Mabuti at naawat ko si Jake kung hindi ay baka kung ano pa ang mangyari.

Sa ngayon ay naglalakad kaming magkahawak ang mga kamay. Natutuwa ako dahil bihira namin itong gawin. Hindi kami masyadong naghahawakan ng kamay kapag nasa school kami. Kasi naman, makita lang ng isang babaeng may gusto kay Jake, tiyak ako na naman ang kawawa.

Tuwing kinukwentuhan ako ni Jake, napansin ko lang na lagi siyang nakatitig sa akin parang ngayon. Kaya nga minsan kahit na isnag taon na kaming may relasyon ay nahihiya pa rin ako sa kanya.

"Huwag mo nga kasi akong titigan." Sabi ko.

"Bakit? Ang ganda mo kaya."

"Russel naman, e."

"Kung nakikita mo lang ang mukha mo ngayon..." Nakangiti siya at nakatitig siya sa akin. "Ang cute mo talaga."

"Jake Russel de Vera, stop it." Seryoso kong sabi sa kanya. Hindi siya ganito kasweet sa akin, ngayon lang. Dahil ba birthday ko? Hindi ako masyadong sanay na ganito sa akin si Jake, although nakakatuwa.

"Buti kasama mo si Lance kanina." Pag-iiba nito ng topic. "Buti hindi ka niya hinayaan mag-isa. I'm trying to call you pero hindi ka sumasagot."

"Naiwan ko yung phone ko. Yun din ang problema ko kanina. Kaya sinamahan muna ako ni Lance. Kainis nga kasi kung anu-ano ang itinatawag sa akin."

"Bakit ano bang sinabi sa'yo?"

"Sabi niya I'm a sadist Rabbit. Kung tama ang pagkakatanda ko ganito ang pagkakasabi niya, e. Sadistang rabbit kaya may dugo yung rabbit. Hon, sinong matinong taong magsasabi niyon, diba mali---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla itong tumawa. Hindi ako makapaniwala.

"Loko 'yun. Nadali niya. Sadista ka nga." Sabi niya habang tumatawa pa rin.

"Sumang-ayon ka pa. Ang sama mo, e."

"E kasi..." hindi niya matapos-tapos ang sinasabi dahil tumawa na naman siya. "Totoo naman." Ani Jake saka tumawa na naman.

"Hindi kaya!"

"Oo kaya. Ang sakit mo kaya mangagat saka mangurot."

"Russel naman, e! Ang sama mo." Nauna na akong maglakad dahil naiinis na ako. Dapat pala ay hindi ko na ikinuwento yun. Kainis.

"Hoy, sorry na. Hinatyin mo na ako." Hindi siya sincere! Tinatawanan pa rin niya ako. Kaya naman naglakad pa rin ako habang nakahalukipkip.

"Hon." Nagukat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Nakasunod na pala siya kaagad. "Hindi na ako tatawa." Halata nga dahil nagpipigil siya ng tawa. "Miyuki Sharlot, kapag hindi mo pa rin ako pinansin, hahalikan na talaga kita."

Masama pa rin ang loob kong tinawanan niya ako. Hindi nakakatuwa yun! Hindi sila matinong tao!

Tumigil siya sa paglalakad kaya naman maski ako ay tumigil na rin. Tumingin ako sa kanya at nagulat nang bigla niyang idinampi ang mga labi niya sa labi ko.

"I told you na kapag hindi mo ako pinansin ay hahalikan kita." Umiwas pa siya ng tingin peor nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Kaya naman maski ako ay napatingin din sa ibang direksyon. Hindi ko naman akalain na marami na palang nakatingin sa amin.

"Jake?" pakiramdam ko ay aware din naman siya. "Naiisip mo ba ang naiisip ko?"

"yeah."

"Bibiliang ako ng tatlo tapos---"

"Ako na lang. One, two, three." Mabilis kaming tumakbo palabas ng mall dahil sa hiya. Hindi namin akalain na nakakapukaw nap ala kami ng atensyon sa loob. Gees!

"That was awesome!" Singhal niya. Naghahabol pa rin siya ng hininga kagaya ko. Madilim na rin ngayon dito sa labas kaya dapat ay bumalik na ako.

ANg tatlo ko pa namang kuya ay nakakatakot minsan. At kapag sinabi kong minsan as in minsan lang talaga. Noong una nga ay galit sila kay Russel dahil may nakalusot daw sa dipensa nila pero ngayon ay ayos na sila. Parang barkada na ang pakikitungo ng mga ito sa kanya.

Pag-uwi ko sa bahay ay tinitigan ko ang paperbag na naglalaman ng regalo sa akin ni Jake. Binuksan ko ito at pinakatitigan talaga. Pareho nga sila ng bigay sa akin ni Lance kaya lang may mali.

Sinubukan kong isuot at para akong nanlumo.

Hindi ito kasya sa akin. Size six ang paa ko at size seven ang ibinigay ni Jake.


****

Uhm yes, mejj guilty ako sa chapter na ito. Marami akong ibinawas. Wala kasi si Lance sa latter part. Sorry na, biased ako. And guilty talaga ako kasi 'di ko talaga pino-proofread itong inaayos ko. hahaha!

Sadist Lover (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon