Chapter 13

145 105 17
                                    

Napunta ako sa yellow cab pero kung minamalas ako ay bakit ngayon pa? Nahuli nanaman ako. Paalis na sana ako ng yellow cab pero may nag-text sa akin at galing iyon sa tumawag kanina sa akin.

'Infront of your school. University of Vigan. May 2 mins ka para makapunta dito kung nahuli ka nanaman. Alam mo na ang mangyayari." Text niya at hindi ako na iyon nireplyan pabalik.

Pumunta agad ako sa University ng nakita ko ay walang tao doon, Woah! Napakatalino. Kung saan pa ba naman yung walang tao, doon pa ako papupuntahin?! Ngunit ngayong nandito na ako ay nasaan sila?

May natanggap nanaman akong text galing sa unknown number na iyon.

'Wag excited, girl! Hindi pa raw ready si Gwen na makita ka. Malaki daw ang kanyang problema kaya kung maaari ay huwag ka na daw tumuloy.'

Napagpasya kong tawagan ang number na ito. Nag-riring siya pero hindi sumasagot. UGH! Wala akong choice kundi hanapin sila kahit hindi ko alam kung saan. Basta ang goal ko ay mahanap si Gwen.

Kakaikot ko ng eskwelahan namin ay hindi ko sila mahanap. Nandito ako ngayon malapit sa 4th building. Pero hindi ko sila mahanap. Isa lang ang tanging paraan ko kundi gamitin ang kapangyarihan na mayroon ako, pero tama ba itong gagawin ko? Kuya. Pahingi naman ng sign, please!

Biglang may narinig akong sigaw galing sa 4th building at sigaw iyon ni Gwen. Anong ginagawa nila sa kaniya?! Pumunta ako ng 4th building sa pamamagitan ng pag-teleport ko kaya agad ako nakarating.

"Sino kayo? Anong kailangan niyo kay Gwen?!" Sigaw ko.

Nakita ko si Gwen na may pasang itim mula sa kaniyang braso. Habang ang mga lalaking ito ay medyo mukhang familiar sa akin at kung tutuusin dapat ay makilala ko sila agad pero saan ko ba sila nakita at hindi ko sila makilala?

"Oohh. Nandito na pala ang napakagandang kaibigan mo, Gwen." Ani ng lalaki.

"Ipakilala mo naman kami, Gwen." Ani ng isa pa sa kanila.

Unti-unti kong nabobosesan ang boses niya. Siya si Eydon...yes! Tama! Si Eydon nga.

"You don't have to. I already know who you are. You're Eydon, right?" Ani ko at papalapit sa kanila.

Ayoko magsimula ng away pero gagawin ko ang lahat upang hindi iyon mangyari.

"Chill! Gusto lang namin makausap si Gwen." Ani ni Eydon.

Talaga? Parang may balak ka at nababasa ko rin ang iniisip mo.

"Oh, really? What if... I refuse? This girl is mine. Freaking mine! Gwen is mine. As her friend you can't talk to her without my permission, understand? Dinabale kung importante iyan." Ani ko.

Ang kulang sa part ay hindi importante. Nais lamang nila makausap si Gwen dahil kay Victoria. I knew it. Alam kong may kinalaman parin ito kay Clage pero let's just pretend na wala akong alam.

"Bakit hindi na kayo mag-usap? Masyado ko bang naaambala ang privacy niyong dalawa?" Tanong ko.

"Ano ba sa tingin mo? Syempre oo, inaambala mo naman talaga kami. Obvious naman, diba?" Aniya.

Aalis ba ako? Or aalis ako pero makikinig sa usapan?

"Hindi. Zara, wag ka maniwala sa kanya. Maraming siyang nais na hindi mo alam." Ani ni Gwen.

So, ano?

"See. I told you, Eydon. Wala yan sa akin kundi na kay Gwen ang pagpapasya. Kung pareho man kami ng taste na ayaw namin sayo pwes maghanap ka. Goodluck nalang sa paghahanap kung mayroon, orayt?" Pang-asar ko.

My Secret CredibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon