Chapter 7

203 132 40
                                    

Pinatuloy ko sina Clage at kuya sa aking pamamahay upang mapag-usapan ang lahat, para na din maipaliwanag ni kuya ang kanyang mga sinabi kanina. Hindi parin ako makapaniwala na nagawa ni Clage na lokohin ako. He is like... he is being desperate to find a cure just to be one of us again.

"Kuya. Pwede mo bang ipaliwanag sa akin ang lahat?" Maayos kong tanong.

Nais ko talagang malaman ang lahat kahit na unti-unti ko ng nalalaman ang lahat pero para sa akin ay hindi parin ito sapat dahil kulang pa ang mga detalye bawat kwento niya. I'm also being... deperate just like Clage but, to know it all. Basta't may kinalaman kay kuya ay nais ko talagang alamin.

"Mas mabuti siguro kung si Clage nalang ang magpapaliwanag. Don't get me wrong Zara, dahil ako lang naman ang nakakasaksi sa mga aksyon niya." Sagot ni kuya.

Si Clage? Eh, mukhang hindi pa maayos ang lagay niya ngayon. Bakit hindi pwedeng si kuya nalang? May problema ba roon? Lumingon ako kay Clage tsaka tingin ko ay si kuya nalang dapat talaga ang magpaliwanag ng lahat ng ito.

"Bakit hindi pwedeng ikaw nalang ang mag-paliwanag, kuya? Total ikaw na mismo ang unang nakapagsabi nyan sa akin. Sa pagkakaalam ko ay mas maganda't mas malinaw kung ikaw ang magpapaliwanag dahil ikaw ang may alam ng lahat, e diba?"

"Mahabang kwento ito at isa pa, hindi ako pwede magtagal dito dahil sa pinainom niyang lason sa akin ngunit hindi ibig-sabihin nun ay patay na ako. Kailangan ko lang maghilom upang bumalik ang aking normal na buhay. Nandito lamang ako upang iligtas ka dahil masyado akong nag-aalala sayo, kundi dahil hindi na ako makapagpigil sa mga ginagawa niya sayo. I can see your feelings that you are absolutely annoyed when he's around, am I right? Kaya mas mabuting si Clage nalang ang mag-paliwanag ng lahat." Aniya na para bang galit na siya habang sinabi iyon. Halatang galit na galit siya kay Clage, gaya ko hanggang ngayon. Talaga ngang magkapatid kami dahil pareho kami na mainit ang dugo pagdating sa kanya.

Kung ganun din pala ay ayaw ko muna marinig ang lahat. Gusto kong si kuya ang mag-paliwanag ng lahat, kaya ko naman sigurong maghintay ng panahon. Kung ang pagiging 'overthinking' lamang ang dahilan upang mapasama ang kalooban ko baka nga hindi ko kayanin. Kaso si Clage mukhang nawawalan ako ng tiwala sa kanya. Ayoko ng magsinungaling nanaman siya sa pagkakataon na ito. Hindi na ako papayag, kung ginawa man niya ay hindi ko iyon palalagpasin pa.

"Nababasa ko ang iniisip mo, Zara. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngunit magtiwala kana kay Clage ngayon. Hindi na niya kaya pang magsinungaling sa pagkakataon na ito. Kung tuluyan ka na ngang walang tiwala kay Clage, kahit sa akin ka na lamang magtiwala bilang kuya mo. Everything's gonna be alright, trust me." Aniya mula sa kanyang pagiging seryosong mukha. Para bang nawala na ang kanyang galit mula kay Clage or... he is just probably controlling his anger towards him.

Paano siya nakakasiguro?

"Wala na akong sapat na oras pa. Magtiwala ka sa akin, Zara. Sa oras na nasa panganib ka ay wag kang mag-alala, wag mong pangunahin ang pagiging 'overthinking' na yan." Aniya at siya'y ngumiti't naglaho agad-agad. Hindi ko man lang siya nayakap bago umalis, kay bilis niyang maglaho habang wala pa akong nasabi. I miss his hugs.

Tama. Huwag pangunahan ang pagiging 'overthinking' at magtiwala lang sa kanya. Sana nga madali lang gawin lahat ng iyon. Mayroon kasing kasabihang 'Madaling sabihin ngunit mahirap gawin'.

"Tama lahat ng sinabi ni Zyon." Sambit niya't ako'y napalingon sa kanya. Did he really just admit what he have done to my family?

"Una palang ay hindi na maganda ang pagkikita namin ni Zyon kaya masama ang tingin namin sa isa't isa, dahil ako palagi ang nabibigyan pansin ng mga parents niyo at tsaka, naisipan ko sanang makipagkaibigan sayo dati sa maynila ngunit binalaan ako ni Zyon na wag na wag daw akong lalapit sayo o kung ano man ang pinaplano ko. Ganun ka niya kamahal bilang kapatid niya, natatakot siya na baka ako daw ang piliin mo kaysa sa kanya. Napag-isipan kong maglagay ng lason ng hindi ko alam sa kaniyang inumin dahil ako'y lasing noon. Napadalos-dalos lang ang galit ko noon dahil sa hirap ng buhay ko. Hindi ako inalagaan ng mga parents ko dahil hindi nila inexpect na isa akong bampira noon, kaya pinaampon ako ngunit hindi ko akalain na sa inyo pa pala ako pinaampon dahil may lahi din kayo gaya sa akin. Hindi mo alam ang mga nangyari dahil nasa Manila ka noon. Sinabi ng daddy mo na isa ka ding bampira at doon ko nalaman ang lahat ngunit, tama rin na gusto ko makipagkita at makasabay ka upang gamitin ka para makahanap ng isang paraan upang maging bampira muli ako." Dahan-dahan niyang ikinwento habang napansin ko ang kanyang luhang tumulo sa kanang mata. So, He really admit his sin for what he have done to my family. Ganun ba talaga siya ka-desperado para lang maging bampira ulit? Bakit tila ay hindi niya nagustuhang maging tao? Kung ako man ang nasa posisyon niya ay masaya na ako dahil isa na akong tao ngunit, magkaiba kaming dalawa ng kapalaran.

My Secret CredibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon