Chapter 2

320 175 59
                                    

Ako ay narito lamang sa aking malambot na sofa, naglalaro ng candy crush habang hinihintay sina mommy at daddy. Halos naka-sampung level ako candy crush bago nakarating sina mommy at daddy.


Pagbukas ko ng pinto ay sila nga 'yon kaya naman nakipag-beso ako sa kanilang dalawa. Nahagip ng aking mga mata ang isang lalaking kasama nina mommy at daddy. Hindi ko inaasahan na may kasama pa pala silang isang matangkad na lalaki na naka-sombrero na kulay asul. Kung papansinin ay kasing-tangkad niya lamang si daddy at kay gwapo ng lalaking ito pero, mas gwapo pa rin si daddy at walang ng tatalo do'n.


"Daddy, hindi niyo man lang ako sinabihan na magkakaroon kayo ng kasama papunta rito. Why is that, dad? Hmm..."


Nilingon ako ng gwapong lalaki pagkatapos kong binigkas 'yon. Kung maka-tingin siya sa akin ay nakakatunaw pero, bakit nga ba niya ba ako tinitignan?


Damn it! Sobrang ganda ko ba sa paningin niya?


Hindi ko talaga inaasahan na may kasama pa pala sina mommy at daddy patungo rito sa aking mansyon.


"Heto nga pala si Clage, anak." pagpapakilala ni daddy ngunit, hindi ako kumibo sa kaniyang pagpapakilala.


Well, I don't care who the hell he is. Bakit kailangan ba akong ipakilala ni daddy sa kaniya? Bakit? Araw-araw ba kaming magkikita? Kaano-ano ko ba siya?


Unless... they want me to marry this man.


"Daddy naman! I didn't ask his name, okay? I just want to know that what brings him here?" mahinhin kong tono ngunit, pilit lamang 'yon.


Muli kong nilingon ang lalaking ito at nalaglag ang panga nito habang kaniyang ang paninitig sa akin ay parang kung sino ako makaasta kay daddy.


Yeah, this is the real me.


Kung ipapakilala ka ni daddy sa akin, hayaan mong ipakilala ko rin mismo ang ugali ko sa'yo. Let me introduce myself as their daughter, mister.


"Excuse me, ako lang naman ang magiging kasabay mo sa tuwing papasok tayo sa University. Satisfied now, miss?" Ngumisi siya habang ako naman ay napataas ng aking kaliwang kilay sa kaniyang gawi.


Pretending to be a mysterious guy, huh?


"I didn't ask you, mister. I'm only asking my dad so, shut up!" angal ko sa kaniya ngunit, hindi niya 'yon pinansin.


What a jerk. I just don't know in the first place ayaw ko na agad sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ang init ng aking dugo sa kaniya ga'yong wala naman siyang ginagawang masama.


"That's enough, sweetheart." suway ni daddy, na siyang nagpahinahon sa akin.


Well, right. Ayaw ko rin naman sirain ang pagkakataon na ito, ayaw kong masira 'yong araw na i-eenroll ako nina daddy at mommy.


"Okay, fine." matamlay kong sagot kay daddy kaya naman nag-iwas tingin na lamang ang lalaking 'yon sa akin.


Napatingala si mommy ng hilain ko ang kaniyang kamay papunta sa labas ng mansyon upang makausap siya kung bakit naroon ang lalaking 'yon.


Bakit kasi kailangang may kasabay pa ako sa aking pagpasok? Ano ba ako bata? Tss, malaki na ako! I just need an explanations to them!


I think... they are starting again, they are started to worry at me again like I am a child or what or let's just stay... they are starting to being an overprotective parents again.


My Secret CredibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon