Chapter 14

138 104 15
                                    

"Zara, please. Magtapat ka sa akin." Aniya at napabuntong hininga.

"Wa-wala. Bakit naman ako may itatago? Lagi ko naman sasabihin sa inyo eh." Ani ko.

Napatingin siya sa ibaba at bumuntong hiniga.

"Good." Aniya.

Kumuha ako ng isang pizza at kumain nun. Habang siya ay tumitingin sa bintana at hinihigop ang juice na may mukhang ngisi pa sa mukha niya. Tumingin ako sa tinitignan niya at iyon ay si Clage at may kasama pang limang lalaki. Kilala na rin ba ni Gwen si Clage?

"Zara, Alam mo ba yung anim na lalaki doon?" Aniya at tinuro sila Clage.

"A-anong meron sa kanila? Kakilala mo ba?" Tanong ko sabay lingon doon.

"No, I mean para silang tayo kasi anim kasi tayong magkakaibigan habang sila anim din, ano kayang klase ang pagkakaibigan nila?" Curious na tanong ni Gwen.

Nasasabi lang ni Gwen ito dahil alam naming lahat na may hilig si Gwen sa gawain ng mga lalaki. Kaya hindi kami magtataka kung bakit nagpagupit siya ng ganitong hairstyle pero bangs lang siguro ang ayaw niya ipagupit.

"Nahh. Wag mo na pakialaman kung anong meron sa pagkakaibigan nila. I just know na talagang may hilig ka na sa mga libangan ng mga lalaki." Ani ko.

"Grabe naman. Tinutukso mo ba ako?" Aniya.

"Nope. I'm just telling the truth pero parang ganun na nga." Ani ko't tumawa at ganun na din siya.

"Oh, ano? Natawa ka na rin ba dahil doon lang?" Ani ko habang hinigop ang juice.

"Actually, no. Natatawa ako kasi kanina pa yung isang lalaki doon sa binangit ko ay kanina pa nakatitig sayo. Look." Aniya at naibuga ko yung juice dahil sa sinabi niya, kaya agad ko tinignan at si Clage iyon. Tsaka, It looks like dito rin ang punta nila sa yellow cab habang siya ay nakangisi at tinignan ako. "What do you think about him, Zara?" Tanong niya.

Shit.

"Then, what do you think about me, Gwen? Am I look pretty enough? Naku. Normal lang yan kapag maganda ka. Wag mo seryusohin ang paninitig niya sa akin." Ani ko.

"Siguro nga." Sabay tango niya. "Hindi naman kasi malabong walang makatitig sayo ng ganyan. And yes more than that nakita ko na hindi lang isa ang nakatitig sayo kundi ang mga kaibigan niya ay tinitignan ka na rin." Aniya at unti-unti akong lumingon at napalaki yung mata ko at kumindat yung isa sa kanila sa akin. "Gwen. Tayo na. Nakakasuka silang tignan." Anyaya ko at hinila ang kamay niya upang lumabas na sa yellow cab.

"Wait, wait! Hindi pa tayo nagbabayad." Aniya at pumiglas sa akin at diretso sa counter upang magbayad.

You better hurry up, Gwen or else I'll just leave you here alone.

Habang hinihintay ko si Gwen biglang may messages akong natangap mula kay Clage. Tinignan ko muna siya bago iyong basahin at hindi niya ako pinansin kundi nakikisama sa mga kaibigan niya.

'My life is back. I'm finally back. I need you to comfront me right now with my friends. Sinabi ko sa kanila na girlfriend kita kaya alam ko yung paninitig nila sayo na pang-asar so, wala kang magagawa kundi maki-operate sa gagawin ko. Wala silang gagawing masama kaya kailangan mo sundin ang rules ko. Una, pumunta ka sa table namin, pangalawa, hilain mo ako palabas dito ng yellow cab. Emergency lang, Zara. Please, help me.' Text niya.

Ha? What do you mean by your life is finally back? Tsaka paano ko ito gagawin kung gayon ay kasama ko si Gwen? Baliw ka ba? Idadamay mo ako sa mga kaibigan mo?

My Secret CredibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon