Chapter 9

2.4K 72 28
                                    

GULO GULO ANG BUHOK KO habang nakahiga, nakatingin ako sa kisame at napaka raming iniisip. Sa sobrang dami kong iniisip hindi ko na mabilang at hindi ko na alam ang iniisip ko, eh.

Napabalikwas ako ng higa nung biglang tumonog ang phone ko, napa kunot ang nuo ko nung makita ang unknown number. Sino naman ito? Oras ng hapon tinatawagan ako. Tsk!

Inis kung kinuha ang phone at padamog itong sinagot. "Who is this? If Dad give my number please stop calling me, we can talk in de----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung biglang may nag salita sa kabilang linya. "Ms. Philomena." Napakagat ako sa ibaba kung labi nung marinig ang boses ni Prof.

Napa upo pa ako sa gulat nung marinig ko ang pag tawag nya ng apelyedo ko. "P-Prof? Miss mo na agad ako? Kasama mo palang ako kahapon, ha?" Natatawang biro ko pero ang totoo umaapaw na sa sobrang saya ang taksil kung puso.

Narinig ko ang pag tikhim nito. "Where are you? Nasa bahay kaba?" Habang sinasabi nya yun ay pahina ng pahina ang boses nya napakunot naman ang nuo ko. Si Prof ba itong kausap ko? "L-Lasing kaba Prof?" Natatawang saad ko.

Narinig ko ang pag halugipgip nya. "Of course not! Where are you? Nasa labas ako ng village nyo, wear a formal may pupuntahan tayo." Automatikong bumilis ang puso ko sa pag tibok nito nung sabihin nya yun.

Mag sasalita pa sana ako pero biglang namatay yung tawag. Nakanganga ako habang nakatingin sa selpon. Parang gusto kung sumigaw ng napaka lakas pero tinakpan ko nalang ang bibig ko bago tumayo.

Kumuha ako sa walk in closet ko ng dress na floral, kulay puti yun nama'y pa 1/4 na sleeve. Naligo ako bago nag ayos, nag suot lang ako ng puti ring flat shoes bago nag lagay ng slight na make up.

Pag katapos kung mag ayos ay kinuha ko ang bag at salamin ko bago lumabas ng kwarto ko. Palabas na sana ako ng pintuan pero napa tigil ako nung may tumawag sa akin. "M-Ma'am Christabel uuwi pa po ba kayo?" Saad nung babaeng parang nerd.

Tumingin ako sa babae sabay tingin sakanya mula ulo hanggang paa. "Yes, bahay ko ito, eh." Saad ko bago lumabas dirediretso, hindi ko pinansin ang mga tawag nila, lumabas ako sa mansion naming napaka laki.

Nag lakad ako palabas ng village namin buti nalang malapit kami sa may gate kaya naka labas agad ako ng mabilis. Kinuha ko ang phone ko para tawagan sana si Prof Zyair ang dami kasing kotse dito sa labas kaya hindi ko malaman kung asan naba sya.

Ida-dinial ko na sana ang number nya pero agad na may bumusinang kotse, napatingin ako doon bago nakangiting lumapit doon. Kay Prof Zyair ang kotse na yun kaya sigurado akong sya yun.

Binuksan ko ang pintuan ng kotse bago sumakay doon. Nang mag tama ang tingin namin ni Prof Zyair ay ngumiti ako sakanya. "Long time no see Prof, parang kahapon lang ay mag kasama tayo, ha? Ang bilis mo naman akong mamiss?" Natatawag saad ko. Napailing lang ito sabay paandar ng sasakyan nya.

Habang nasa byahe ay tahimik lang kami kaya na isipan kung mag ingay. "Saan ba tayo Prof pupunta? Itatanan mo na ba ako?" Nakangising kung saad lumingon sandali sa akin si Prof Zyair bago tinutok ang tingin sa drive.

Mukhang ayaw mag salita ni Prof Zyair, ha? Anong meron? Mukhang kailangan ko syang daldalin bago sya mag salita, hay. Wala panaman akong baon na pang banat ngayon. "Prof? Alam mo ba na hindi mo pa alam na gusto kita." Inosenteng saad ko habang nilalaro yung keychain sa gilid.

Hindi nya parin ako pinapansin. "Eh, alam mo ba na hindi ko pa sinasabi na I like you?" Napailing iling lang ito. Mukhang na-co-cornyhan na sya sa mga banat ko. Aish wala kasi akong maisip na pambanat, eh. "Bahala kana nga dyan, Prof kakanta nalang ako dito." Nakangiwi kung saad dahil wala talaga akong maisip na pambanat ngayon.

Her Seductive Way Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon