Chapter 30

1.9K 55 6
                                    

PABAKSAK KUNG HINIGA ang katawan ko sa kama. Nasa kwarto ako ni Zyair. Kakapasok lang namin sa kwarto nya kung hinahanap nyo sya ay nasa couch sya inaayos yung mga gamit ko.

Oo, sya ang nag aayos. Kaya nya na yun, malaki na sya kaya makakaya nya talaga yan. "Love, ang sakit ng puson ko." Nakangusong saad ko sabay hawak sa puson ko, napatingin naman sya sa akin sabay taas ng kilay. "Why?" Walang ganang saad nito habang nag tutupi ng mga damit ko.

"Meron ako ngayon, eh! Ugh! Ang sakit talaga." Lalo akong napanguso, tinaasan nya muna ako ng kilay bago tumango. Napataas ang kilay ko nung makita ko syang pababa. "H-hoy sinabi ko lang masakit ang puson ko, aalis kana?! San kaba pupun---ugh!" Inis nalang akong humagipgip nung bumulwak.

Narinig ko ang mahinang pag tawa nito. "Wait for me, love." Natatawang saad nito bago nag sara yung pinto. Inis ko namang hiniga ang katawan ko sa kama. Naiinis ako dahil pangatlong araw ko nang meron pero napaka lakas padin ng means ko!

Ugh! Dapat kasi sinusunod ko yung mga kasabihan kagaya ng bawal maligo kapag gabi, pero naliligo ako kahit gabing gabi na. Bawal kumain ng maaasim o uminom ng malamig pero hindi ko din yun sinusunod , dahil nag papak ako ng mangga nung nakaraan.

Bumuntong hininga ako at yinakap yung unan, pang apat na araw na naming mag kasama ni Zyair meron nalang kaming isang linggo at tatlong araw. Malapit narin akong makulong sa isang taong hindi ko naman gusto.

Sana panaginip nalang ang pag papakasal ko, hindi lang isang panaginip isang malaking bangungot na mag babalik sa akin sa realidad. Bumuntong hininga ako bago tumingin sama'y pintuan nung mag bukas iyun.

Niluwa nun si Zyair namay hawak na plastic bottle. Napataas ang kilay ko. "Ano namang gagawin mo dyan? May alak yan no?!" Pag bibintang ko dito, napangiwi naman syang inabot sa akin yung plastic bottle, umopo sya sa dulo ng kama. "Akala mo naman na inom ako, Tsk! Put it in your puson, para mawala ang sakit." Nakangiwi ko yung kinuha.

Nilagay ko yun sa puson ko bago tumingin sakanya. "Bakit mainit?" Mag kibit balikat lang ito bago bumalik sa ginagawa nya kanina. Napairap nalang ako at humiga muli. Nilagay ko lang yun sa puson ko habang nakatingin sa kisame hanggang sa kainin ako ng antok.

NAALIMPUNGATAN AKO NUNG may maramdaman akong humalik sa pisnge ko. Dahan dahan kung minulat ang mata ko at doon ko nakita si Zyair na naka upo sa sahig habang nakatingin sa akin. Nilagay nya pa ang ulo nya sa kama na animong hinihintay akong magising.

"Good evening, love." Nakangiting saad ni Zyair ngumiti naman ako sakanya sabay tingin sa bintana. "Good evening, ang bilis namang mag gabi?" Nakangusong saad ko sabay upo, upo sya sa tabi ko at kinuha yung pony tail sa gilid.

Napangiti ako nung talian nya ang buhok ko. "Bago ng shampoo mo love, anong shampoo mo?" Seryoso nitong saad habang tinatali ang buhok ko. Napataas naman ang kilay ko. "Bakla kana pala, Love? Hayaan mo mahal padin kita." Pang aasar ko pero sininghalan nya lang ako.

Napangiti ako sa loob ko nung wala na akong maramdaman na sakit ng puson, mukhang effective yung binigay sa akin ng bebe love ko. Hindi naman ganon kainit yung tubig sa loob ng plastik bottle, exsakto lang yun. Baligamgam ba? Basta naka tulong yun sa akin.

Napatayo ako bigla nung may maalala ako. Hindi papala ako nag papalit. "Why?" Kunot nuong tanong ni Zyair. Hindi ko sya pinansin at lumapit sa bag ko. Kinalkal ko ang bag at hinanap ang pinaka mahalagang bagay sa akin ngayon.

Napalunok ako nung wala akong nahanap na napkin! Sheet! Alam ko nilagay ko yun dito pero bakit wala? Asan na yung napkin kung dinala? "Love, anong problema?" Malambing na saad ni Zyair bago ako yinakap patalikod, linagay nya pa yung baba nya sa leeg ko.

Dahan dahan naman akong tumingin sakanya, umikot ako paharap sakanya at nilagay yung kamay ko sa batok nya. Ngumiti ako sakanya ng malaki na ikinataas ng kilay nya. "Love." Malambing na saad ko rito, lalong napataas ang kilay nya.

"Hmm? what do you need?" Natawa ako ng mahina dahil sa pag kasabi nya. Para kasi yung sugar daddy, eh. Napakagat ako sa ibaba kung labi sabay yakap sakanya sa leeg. "Love, can you buy me sanitary napkin?" Malambing na saad ko.


Napanguso ako nung tulakin nya ako ng mahina. Bumitaw ako sakanya sabay cross arms. "Napkin lang naman, eh!" Kuno't nuong saad ko habang nakanguso. Nang tingnan ko sya ay nakangiwi ito. "Love, I love you so much but, if that's you ask me to do, I will forget that I love you." Natatawang saad nito.


Tinaasan ko sya ng kilay. Parang ibibili nya lang ako ng napkin, kakalimutan nya nang Mahal nya ako? Gaano ba kahirap na bumili ng napkin para sa akin? Nakakainis sya! Tiningnan ko sya ng maluwa luha habang nakanguso. "Sigeh, if that's what you want, I'll leave you now, paagahin na natin ang ihawalayan na magaganap sa ating dalawa." Mangiyak ngiyak na saad ko, tumayo ako at sinimulang ligpitin ang mga gamit ko.


Napaka sama ng lalaking ito! Tinawanan lang ako bago lumabas, may topak talaga ang lalaking ito, no?! Hayaan nyo papalitan ko ang lalaking yan mag hahanap ako ng bagong target sa Dewei, this time doctor naman, hehe, ayaw ko sa engineer, eh. Baka mapatayuan ng bahay ang lahat ng kabet nya.


"AISH! DAPAT SINABI MONG BIBILI ka! Para naman binili mo rin ako ng Ph Care!" Inis na inis na saad ko kay Zyair. Tinawanan nya lang ako bago humiga sa kama dala dala yung laptop nya. "Hoy! Nakakainis kana, ha! Kanina kapa tawa ng tawa!" Iritang saad ko habang kumukuha ng damit.


Nangtingnan ko sya ay mahina lang itong natawa. Umirap ako bago padamog na pumasok sa CR. Inis na inis akong naligo, pati yung tubig minura ko na dahil sa sobrang lamig. Nang makalabas ako ay bumungad sa akin ang panget na mukha ng jowa ko. Tinaasan ko sya ng kilay nung makita ko syang nakangisi.


"Ano happy kananaman?" Iritang saad ko bago kinuha yung suklay. Tumawa si Zyair bago kinuha yung suklay sa kamay ko at sya ang nag suklay sa buhok ko. "Love, I'm laughing because I remember you my mom, ganyan din sya kay Dad, eh." Natatawang saad nito, inis kung binawi ang suklay sa kamay nya.


"Kapal talaga ng mukha mo no? Nanahimik ang nanay mo tapos ihahanlintulad mo ako sakanya! Duh, alam kung maganda ang mommy mo pero Zyair, huwag mong sabihin na minahal mo lang ako dahil nakikita mo ang mommy mo sa akin?!" Madramang saad ko. Napanguso ako nung pitikin nya ang nuo ko. "ARAY NAMAN!" Mangiyak ngiyak na saad ko.


Tinawanan nya lang ako bago hinalikan ang nuo ko. "I mean is that you have the same behavior as Mom, so we have the same type as Dad's girl but the only difference is that you are an artistic Mom is not." Natatawang saad nito na ikinataas ng kilay ko. Ano namang kadramahan at pinag sasabi ng lalaking ito? Ang gulo din mag paliwanag, no? Paano kaya sya naging professor?



"Ha? Halaman, wala akong naintindi----ARAY!" Napahawak nanaman ako sa nuo ko. Sinamaan ko sya ng tingin pero nginitian nya lang ako at niyakap, sinandal nya ang ulo ko sa dibdib nya. Kadiri talaga ang lalaking ito, napaka clingy. "Why are you so slow, love? Hays, pero sana kapag nag kaanak tayo ng lalaki mag kapareho rin kami ng type, para may palaging mag iingay kapag tahimik ang mundo ko." Napangiwi ako sa sinabi nya. Anak? Bakit anak? Diba mag hihiwalay na kamj?


"Love, I hope we have son, sana mag kaanak tayo kahit sa totoo ang pangarap mong yan ay sa ibang babae mo magagawa."



****


It's already 7:43 pm na ng January 25, 2021! Gosh! Buti hindi ako pinagalitan dahil hindi ako nakapag send ng activity namin ngayon! Sana kayo din para damay damay na ito!

Her Seductive Way Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon