Chapter 28

1.9K 59 6
                                    

"Pwede ba na patikim
Kahit isang saglit
Uubusin natin ang oras
Hanggang sa pumikit🎶🎶

Pwede ba na patikim
Kahit isang saglit
Yayakapin lang kita
Na sobra pa sa mahigpit🎶🎶"

Nakanta kung sigaw. Naka air pods ako habang naka upo samay bintana ng kwarto ni Zyair. Kung hinahanap nyo sya ay nasa kama sya nag lalaptop, nagawa yata ng grades namin.

"Ugh! Can you please stop singing?! Hindi ko alam kung kanta paba yan but stop it!" Inis na inis nitong sigaw sa akin. Tiningnan ko sya sabay dila pinag patuloy ko lang ang pag kanta ko yung dalawang taludtod, hindi kasi ako marunong mag rap, eh.

"Pwede ba na patikim
Kahit isang saglit
Uubusin natin ang oras
Hanggang sa pumikit🎶🎶

Pwede ba na patikim
Kahit isang saglit
Yayakapin lang kita
Na sobra pa sa mahigpit🎶🎶"

Mas malakas na kanta ko, gusto ko kasi syang inisin, eh. Paano ba naman kasi hindi sya natigil sa kakatawag ng love sa akin tapos hindi nya pa sinasabi kung anong grades ko, ugh! Nakakainis talaga sya.

"Tatahimik ka o ako ang mag papatahimik sayo?" May pag babanta nitong saad, napaka seryoso ng mukha ni Zyair, ngumisi lang ako at pinag patuloy ang pag kanta ko. Lalong nag dilim ang mata nya na akala mo ay may nagawa akong masama.

"Lorelei, I'm begging you, stop singing that." Pag babanta nya ulit hindi ko parin sya pinansin. Bakit ko naman sya susundin? Parang kanina lang ako ang inaasar nya tapos ako naman ngayon ang nang aasar? HAHAHA! Mabilis talaga bumalik ang karma.

Nanlaki ang mata ko nung itabi nya ang laptop nya at mabilis syang lumapit sa akin. Mas lalong nanlaki ang mata ko nung bigla syang lumapit. "H-hoy! Anong gagawin mo!" Malakas na sigaw ko rito.

Parang wala itong naririnig, napapikit ako sa gulat nung bigla nya akong buhatin at ihiga sa kama. Nanlaki ang mata ko nung pumatong sya sa akin. "Why do you keep quiet, love?" Malambing na saad nito bago hinawi ang natitirang buhok ko na natanggal mula sa pag kakatali ko.

"L-lumayo ka sa akin, at huwag mo akong tawaging l-love!" Kabadong saad ko. Muli nanaman kasing nag paramdam ang mga kabayo sa puso ko, eh. Saka napaka lapit ng mukha nya napaka awkward din dahil nasa ibabaw ko sya.

Amoy na amoy ko rin ang pabango, sabon at ang hininga nya na amoy mint. "Hmm, okey." Agad akong napamulat nung bigla kung naramdaman ang pag alis nito mula sa akin.

Ang bilis din kausap ng lalaking ito no? Inis akong napa buntong hininga. "Saan kananaman pupunta?!" Inis na saad ko. Napalingon naman sya sa akin, nasa dulo na sya ng kama. Kuno't nuo nya akong tiningnan. "Akala ko ba lumayo ako sayo?" Kuno't nuong tanong nito.

"AISH NAKAKAINIS KA!" Parang batang pag suko ko. Humawak ako sa mata ko nung maramdaman kung may luhang patulo don, narinig ko ang pag tawa nito ng mahina. "I'm just teasing you love, I'm sorry." Natatawang saad nito bago yumakap sa akin.

Nakanguso naman akong yumakap rin sakanya. Naramdaman ko ang pag halik nya sa nuo ko. "Hindi kana mag susungit, love? I'm sorry dahil hindi kita na bisita at natawagan, alam mo naman yung dahilan diba?" Malambing na saad nito. Hinawakan nya ang kaliwang kamay ko at marahan yung pinisil pisil.

Her Seductive Way Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon