Chapter 22

1.9K 64 5
                                    

"Good evening love!" Nakangiting saad ko sa telephono, ngumiti sa akin si Zyair. "Good morning too, love." Husky na saad nito, may ginagawa itong papers, mukhang sa lecture nya yun bukas.

"Hindi kapa nauwi love? Sino bang kasama mo dyan sa faculty? Baka may kasama kadyang babae, ha! Lagot ka sa akin!" Pag babanta ko sakanya, tumawa ito ng mahina habang ang tingin nya parin ay nasa papers. "Meron akong kasama love, pero may mga asawa na sila, yung iba naman ay puro lalaki na." Mahinang saad nito tumango tango naman ako.

"Love namimiss na kita, punta ako sa condo mo, hintayin kita don?" Malambing na saad nito inangat nya naman ang ulo nya at tiningnan ako. "Love, kasama palang kita kanina, huwag kang mag patawa." Sarkastika nitong saad napanguso lalo ako.

"Love iba kasi yung kanina iba yung ngayon, kanina hindi kita namimiss dahil kasama kita, ngayon naman ay namimiss kita dahil hindi kita kasama." Pag papaliwanag ko nag gesture pa ako. Napasapo naman sya sa ulo nya. "Love? Kumain kana ba?" Tiningnan ko sya ng kinikilig.

"Ikaw, love, ha! Kinikilig ako sa part nayon, pero oo kumain na ako!" Kilig na kilig na saad ko. Tumango ito bago tumingin ulit sa papers nya. "Pwede kanang uminom ng gamot mo." Casual na saad nito nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.

"Hoy! Bakit may gamot?! Ano tingin mo sa akin baliw, ha?!" Sigaw ko sa screen may pinindot naman syang kung ano doon. Salita lang ako ng salita nang kung ano ano hanggang sa mapagod ako, may pinindot ulit sya sa screen. "Are you done?" Tanong nito.

Napataas ang kilay ko. "Minute mo ba ako?" Taas kilay kung saad. Lalong napataas ang kilay ko nung makita ko syang tumawa. Sisigawan ko na sana sya nung biglang may kumatok sa pintuan ko. "Lorelei, sino ang kausap mo? May kasama kaba dyan?" Nanlaki ang mata ko nung marinig ang pamilyar na boses.

Shit, nag kakamali ba ako? Sya bayon? Bakit sya nandito? Akala ko ba hihintayin nya ako bumalik sa states? Saka bakit ba talaga sya nandito?! Shit, shit, shit. Mukhang masisira lahat ng plano ko sa pag dating nya.

"Love who's that? May narinig akong tumata---" agad akong nag sign ng tahimik sakanya. Napataas naman ang kilay nito. "Love mamaya na ako tatawag! Bukas nalang pala basta tatawag nalang ako." Mag sasalita pa sana ito pero agad ko nang pinatay yung tawag.

"Lorelei, sino ang kausap mo?" Mabilis kung natago yung ipad na hawak ko sa likod ko nung biglang pumasok si Dad. "A-ah, may p-project kami, dad." Kamot ulo kung saad tumango tango ito at tiningnan yung buong kwarto ko.

"Wala kanaman yatang tinatagong lalaki dito, lorelei?" Tanong ni dad sabay amoy sa paligid. Nanlaki ang mata ko nung maalalang halos binili ko na lahat ng pabango ni Zyair para ibuhos dito sa kwarto ko. Gusto ko kasing maamoy ko ang amoy nya kahit hindi kami mag kasama.

Agad akong tumayo mula sa pag kakaupo bago hinila si Dad palabas. "D-dad syempre wala! B-bakit kapo ba nandito?" Kuno't nuo kung saad habang hinihila sya pababa. Tiningnan nya pa yung kwarto ko bago sya sumunod sa akin.

"Gusto kitang maka usap, December 1 na ngayon malapit kanang umuwi sa states, malapit kana rin ikasal Lorelei." Seryoso na nasaad ni Dad tahimik lang akong umupo sa couch ganon din ang ginawa nito.

"Pumunta ba kayo dito Dad para sabihin lang yan sa akin?" Walang ganang saad ko rito.

Bumontong hininga si Dad. "Your brother told me that you have a boyfriend." Seryosong saad ni dad. Napalunok naman ako. "Anong hiningi nya?" Walang ganang saad ko kay Dad.

Hindi kasi aamin si Kuya kung wala itong hinihingi na kapalit. Loyal panaman ito kapag tanungin, hindi sya marunong man loko at mag sinungaling, pero dahil sa kagagawan at tabas ng dila nya ay hindi ko na sya kararangalin.

Her Seductive Way Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon