Chapter 19

2.1K 62 19
                                    

"MGA ATE BAKIT ANG SAYA saya nyo ngayon?" Inosenteng saad ni Raquel nung makapasok sya sa room. Ngumiti naman ako sakanya sabay kindat. "Ganto talaga kapag mga fresh galing sa Surigao, right skie?" Nakangising saad ko.

Nakangiti ding tumango si Skie. "Right, Lore." Sabay kaming natawa ni Skie bago nag apir. Nakita ko ang pag ngiwi ni Raquel bago umiling iling na nag lakad papunta sa upuan nya sa gilid ko syempre.

"GUYZ UZAP N4M4N US B0UT Z4 V4Cation natinz!" Sigaw nung rapper naming kaklase nag tanguan naman kami syempre excited akong mag painggit sa nangyari sa love life ko habang vacation. Hinatak namin ang mga upuan namin bago pinaikot yun kagaya ng lagi naming ginagawa.

"Ako una guyz!" Taas kamay na saad ni Justine, tumango kami sakanya. "Pumunta kami sa US, sheet! Makita nyo yung mga girls doon, ang hohot! Yung mga katawan nila napaka perfect! Parang halos lahat sakanila ay malaki ang de----" hindi na namin sya pinatapos dahil binato na namin sya ng mga papel at kung ano ano pang nahawakan namin.

"Ako naman!" Nakangiting saad ni Amora tumango kami sakanya. "Uhmm---nag kulong lang ako sa house then I'll buy a gift for all of you hehe, sorry dahil hindi expenses yung mga yun, buy shopee lang ako bumili eh." Nakangiting saad ni Amora.

"Awww!" Sabay sabay na saad namin dahil na touch naman kami sa kabaitan nya. Grabe, napaka bait talaga ni Amora no? Imbes na mag saya sya habang vacation mas inisip nya pa kami.

Nag kwentuhan pa kami halos kami ay kanya kanyang bansa ng pinuntahan, merong pumunta sa ibang bansa, meron ding katulad namin na dito lang sa pilipinas nag vacation, meron ding sa bahay lang na nag sindi ng ilaw meron din----OH SHIT!

Nakalimutan ko si Mom! Dahil sa kalandian ko nawala sa isip ko si Mom, Aish! Siguro naman ay hindi ako mumultuhin ni Mom no? Oh god. Kaya pala nakangisi sa akin si Kuya at tanong ng tanong kung may nakalimutan pala ako!

Omg! Bakit hindi pinaalala sa akin yun ni Kuya?! "Chris saan kaba nag vacation? I saw your my day in insta! You have a boyfriend! Hindi mo naman sinabi sa amin! Who's the lucky guy?" Kinikilig na saad ni Amora mag sasalita pa sana ako pero inunahan ako ni Ayou.

"Pinag lalaruan mo talaga si Prof Zyair, buti si Prof Zyair hindi na fall sayo." Sarkastikang saad ni Ayou, umirap pa ito kaya napataas ang kilay ko. "Yeah, I saw her my day too, in a relationship din sya, kasama nya rin yung girlfriend nya nung vacation, how's your vacation na pala Chris?" Nakangising saad ni Amora na mukhang mang aasar na.

Mag sasalita na sana ako pero may pumasok na Prof sa classroom namin. Nag balikan kami sa upuan namin. Nang makabalik na kami sa upuan namin ay nag kanya kanyang bulungan ang mga kaklase ko.

Dapat kasi ay si Prof Zyair na ang sunod naming Prof pero bakit ibang Prof ang dumating? "Get out whole sheeeeet of paper!" Malakas na sigaw nito. Tumahimik naman ang mga kaklase ko, kanya kanya kaming kuhaman ng mga papel sa bag.

Napa ayos ako ng upo nung maalala kung wala palang laman ang bag ko kung hindi puro make up lang. Ganon din si Skie kaya nang hinigi kami ng papel kay Raquel ng palihim. "In the back! Hindi nyo man lang ba bibilhin ang palel nayan sa kaklase nyo?!" Malakas na sigaw nito.

Nag labas kami ng pera at inabot yun kay Raquel nag tanguan lang kami sa isa't isa bago umayos ng upo. "Wala ang Prof nyo kaya ako ang papalit!" Automatiko akong napaangat ang tingin. "Asan sya Prof? Bakit wala sya?" Agad na saad ng kaklase kung si Ayou.

Tsk! Naunahan ako. "Jowa ka jowa ka? Basta wala sya." Agad na saad nung mataray na lalaking Prof. Gusto kung matawa pero bigla akong nalungkot nung malaman kung wala sya. Asan ba sya? Aish! Bakit hindi sya nag paalam sa akin na aalis pala sya?

Natapos ang buong araw na sabog ako. Paano ba naman ay hindi ko alam kung asan ang jowa ko. Saan naman kaya sya pumunta? May nang yari bang emergency? Bakit nya hindi sinabi sa akin?

Bumontong hininga ako at parang zombie na nag lakad papuntang parking lot. Naka tayo lang ako doon habang nakatingin sa selpon kung lowbat. Kamasmalasan talaga bakit ngayon pa ako na lowbat?

Nakakainis naman si Justine bakit ko ba kasi pinahiran sa lalaking yun ang selpon ko? Grrr. Napataas ang kilay ko nung may humintong kotse sa harap ko. Nung mag bukas ang bintana nang kotse ay napangiti ako.

"Let's go, love." Ngumiti ito ng tipid kaya nawala ang ngiti ko. Mukhang may problema sya, eh. Pumasok ako sa kotse nya bago ito sinara, humalik ako sa pisnge nya. "Love, bakit wala ka kanina?" Nakangusong saad ko.

Bumontong hininga ito at sinimulang paandarin ang kotse. "May meeting kami kanina kaya si Prof Leon ang pinalit sa akin." Tumango tango ako sakanya. Akala ko kung ano na ang nangyari may meeting pala. Leon, pala pangalan ng bakulaw na yun? Este ng Prof nayon?

Hindi naman kasi nag pakilala sa amin kanina, pina quiz lang kami ng kung ano ano. Naka 200/250 nga ako, eh. Akala naming lahat long quiz yun pero ang sabi nya ay short quiz lang daw yun kaya pag igihan namin ang pag aaral namin.

"Ah, Okey, saan tayo ngayon love?" Nakanguso kung saad. "I don't know, do you want to eat?" Tumango ako rito. "Pero gusto ko mag driver thrue nalang tayo para mabilis, sa condo mo nalang ako matutulog ngayon, ha?" Nakangiting saad ko tinaasan nya ako ng kilay.

"Why? You have a house, bakit hindi ka ma---" hindi ko na sya pinatapos dahil binato ko sya ng tissue. "ANG DAMOT NAMAN NITO! Dali na, parang hindi naman tayo nag tatabi matulog, eh!" Parang batang saad ko.

Tiningnan nya pa ako sa rare view, naniningkit pa ang mata nya kaya lalo akong natatawa. Para naman syang nang huhusga sa tingin nyang yan. "Sigeh payag na ako, basta huwag kalang gagawa ng kalukuhan, baka ihagis kita sa labas ng bintana ko!" Agad naman akong napahawak sa puso ko nung sabihin nya yun.

"WOW NAMAN, LOVE! ANG SAKIT NAMAN NUN! PARANG HINDI MO NAMAN AKO MAHAL!" Natatawang saad ko. Tumawa lang ito sabay iling iling. Mabilis lang din kaming nakarating sa condo nya malapit lang kasi ito sa Dewei University.

Nang makarating kami sa condo nya agad akong tumakbo sa kusina para mag hugas ng kamay. Kumuha agad ako ng fried chicken at sinawsaw yun sa ice cream. Napangiwi naman si Zyair. "Hindi kanaman buntis no?" Nakangiwing saad ni Zyair, ngumuso naman ako at kinuha nanaman yung fries, sinawsaw ko yun sa gravy.

"Why? do you want me to get pregnant now? sigeh pwede naman, as long as you can only revive us with our future child." Nakangiting saad ko inirapan nya ako bago pinunasan ang gilid ng labi ko.

"Tumigil kanga, I don't want my wife, still studying, ayokong makasuhan dahil binuntis ko ang estudyante ko, kaya mag tapos ka muna, hihintayin naman kita, eh." Gusto kung mapangiti sa sinabi nya dahil para sa akin ay ang laki ng respeto nya sa akin.

"Wow! Para namang ayaw mo akong maging asawa nyan, eh! Pero pramis hihintayin mo ako, ha?" Nakangusong saad ko tinap nya ang ulo ko sabay tango. "Yes, I will wait for you, until you finish your studying in college." Napataas ang kilay ko sa sinabi nya.

Makapag tapos nya lang ako hihintayin? "Bakit makapagtapos mo lang ako hihintayin?" Inis na saad ko. May binulong sya sa akin na ikinalaki ng mata ko, pinag hahampas ko ang braso nya dahil sa pinulong nya. Tumawa lang ito at yinakap ako. Loko itong lalaking, toh.

"Yes, dahil pag ka graduate mo sa college, I will immediately take your hand to your father to marry you and we will make a dozen child."



****





It's exact 7:00 pm na ng January 19, 2021! Kakain na ako bye bye! See yah mamaya muah!

Her Seductive Way Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon