Chapter 24

1.7K 57 8
                                    

"GAGO MO GILBERT! SABI NA DAPAT SI JUSTINE NALANG ANG MAG DRIVE, EH!" Kabadong saad ni Kurt. Mag gagabi na pero hindi pa kami nakakarating sa duluhan. Natataranta na ang ibang gurls yung mga boy's naman ay natataranta narin.

Kesyo daw ganto ang napapanood nila tapos biglang may mga multo o mga papatay ng tao. Tapos daw may kakatok sa pintuan namin, at kung ano ano pang nakakatakot na nasa pelekula.

Kanina naisip ko kung gaano katapang ang mga lalaki, kesa sa mga babae. Tamang tama talaga ang mga tawag sakanila. Kapag malaki ang braso matapang walang katakot takot pero kung patpatin na kagaya nitong mga kaklase ko, pwede na silang isali sa Miss universe sa sobrang arte at mga pihikan.

"HOY NANDITO NA TAYO! PARA KAYONG NGA TANGA!" Sigaw ni Ayou tumigil naman sa pag sigaw yung mga kaklase ko. Sumilip kami sa bintana, nag dingding ang mga mata namin nung makita namin ang lawa.

Kanya kanya kaming babaan. "Hoy yung carpet tapos yung mga ilaw ihanda nyo na!" Sigaw ni Justine na kakababa lang sa sasakyan. Natawa ako ng mahina nung walang nakikinig sakanya. "Hoy Chris, tawa tawa kadyan, hindi porket may sakit ka excepted ka, tutulong kadin!" Nakangising saad ni Gilbert.

Sinamaan ko sya ng tingin, ngumisi lang sya sabay kindat. "Geh, kapag na himatay ako bahala kayo!" Nakangiwing saad ko sakanila. "Ako bahala sa burol mo, may funeral kami sa states." Saad nung sa kabilang batch, tinaasan ko sya ng tingin.

"Ako na ambag sa mga gagastusin mo para sa pagkain, Chris." Nakangising saad ni Kurt, sinamaan ko sya ng tingin. "Ako sa ataul mo." Saad ni Justine, inirapan ko lang sila.

"Para masaya,ako mag dadrive mamaya, para tabi tabi tayo sa puntod." Nakangising saad ko binato lang nila ako ng kung ano ano kaya sinamaan ko sila ng tingin. "HOY! HUWAG NYO NGA GANYANIN SI CHRIS! MAY SAKIT KAYA SYA!" Sigaw ni Ayou. Napangiti ako nung tumigil ang pag tatapon nila sa akin ng kung ano ano. Dahil sakanya naman hinagis.

"Let's go Chris, tulungan mo akong mag labas ng mga drinks!" Mahinang saad ni Amora, sumonod ako sakanya. Kinuha namin yung mga drinks sa likod ng kotse, may tumulong sa aming mag labas yung ibang girls yata na hindi nakisali sa mga tuleg.

Nang matapos na silang mag harutan ay tinulungan nila kaming mag labas ng mga pagkain, nilatag narin namin yung malaking carpet na binili namin sa Mall kanina, nag lagay kami ng mga kandila sa paligid. Hinanda na namin ang mga drinks at mga pagkain na binili namin.

May iba namang nag sisimula na mag paapoy dahil mag ba-barbecue kami.  Yung iba nilagyan ng cooper lights yung mga puno, para maging maliwanag, sinaksak lang nila yun sa battery ng Van.

Nang matapos kaming mag ayos ay niredy nila ang camera, buti nalang may tripod sa loob ng Van nila Justine. "Hoy! Ayos kayo, ha! Wala pang kakain mag pipicturan pa!" Sigaw ni Ayou kila Justine. Sininghalan lang sya nito bago lumapit sa akin.

"Chris, dito ka sa gitna, huwag kang feeling na matangkad, tumabi ka kay Amora!" Sigaw ni Ayou hindi ko sya pinansin. Inis lang akong tumabi kay Amora. Nginitian nya naman ako at inabutan ng lobo. Pumwesto ka kaming lahat.

Nasa gitna ako katabi ko si Ayou sa kabilang gilid ko naman ay si Amora. Yung iba ay nasa gilid na namin. "Epal toh si Justine! Nanabunot!" Sigaw ni Ayou dahil nasa likod nya sa Justine. Nasa likod ko ay si Kurt, eh.

"Guys! Ayos na para makakain na tayo, look at the time mag se-seven na matagal pa naman ang pag labas dito sa gubat!" Sigaw ni Amora na nag patahimik at nag paayos sa boys. Kagaya ng dati ay nag picture kami, kanya kanyang post, naka ilang shots kami bago kami naka tapos.

"KAINAN NA!" Sigaw ng mga kaklase kung patay gutom este nga gutom. Naka video lang kami habang nakain. "Hoy! Yung mga patay gutom, makikita sa camera!" Malakas na sigaw ni Justine nag tawanan naman kami dahil sarili nya yung tinutukoy nya.

Her Seductive Way Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon