TB Chapter 1: CLUB

335 120 167
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!

A/N: TB means 'The Beginning'






Chapter 1

Phia's POV

Hay nako! Pasukan na naman.

Monday, isa sa pinaka-ayaw kong araw dahil panahon na naman para pumasok sa eskwela at iniistorbo ng araw na 'yan ang pagtulog ko.

"Phia! Lumabas ka na d'yan sa lungga mo! Baka mahuli pa tayo sa klase! Bumangon ka na!" malakas na sigaw ni Kiara, kahit kailan talaga itong babaeng 'to ang ingay ng bunganga.

Akala mo, araw-araw nakakalunok ng mic.

"Saglit lang natutulog pa ako!" sigaw ko naman at tinakpan ng unan ang tainga ko.

Oo, ako yung taong nagsasalita habang tulog.

Nagtakip na ako lahat-lahat ng unan ngunit dinig ko pa rin ang ingay niya kaya wala rin itong saysay.

Padabog akong tumayo sa higaan at sinimulan ang daily routine ko, ang ma-late tuwing papasok. Himala na maaga ako ngayon, pinagbigyan ko lang talaga ang babaita ngayong araw.

Ems, takot lang talaga ako ma-late.

Good girl na kayà ako.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili, agad akong lumabas ng kwarto at bumaba upang makisabay sa almusal.

"Oh, anak! Halika na rito at samahan mo ng mag-almusal si Kiara." bungad sa'kin ni Mama pagkababa ko.

"Good morning!" bati sa'kin ng babaita.

Jusko, nakikain pa. Ito lang talaga yung kilala kong mayaman na nambuburaot.

"Ikaw, kahit kailan talaga iyang bunganga mo mas maingay pa sa kahol ng aso!" sermon ko sa kaniya. Walang makakatalo sa babaeng 'yan pagdating sa sigawan.

"Ang harsh mo naman, prend!" sarkastikong sabi niya naman at muling bumalik sa kinakain.

"Eme lang naman!" sambit ko habang tumatawa pero hindi talaga joke 'yon eme.

"HAHAHAHAHAHAHA!" sabay sabay naming tawa, mukang kaming tanga. Choz, baka jombagin ako ni Mama.

Agad naman kaming natapos kumain kaya nagpaalam na kami kay Mama. Sumakay na kami sa kanya-kanya naming motor at pumunta sa univ.

------

Ipinarada na namin ang mga motor sa parking lot bago dumiretso sa classroom. Same course nga pala kami ni Kiara, magkaiba nga lang ng block.

"Good morning!" bati ni prof sa'min pagkapasok niya.

"Good morning, prof!" bati namin pabalik.

"Before we start, I have an announcement!" panimula ni prof.

"Ano 'yon, prof?"

"Ano kayà 'yon?"

"Siguro, about 'yon sa mga clubs na sasalihan natin for this year?!"

"Silence!" sigaw ni Prof dahilan upang tumahimik kaming lahat, actually sila lang talaga ang maingay.

"Starting today. All students can join the clubs they want. It's a mandatory to join at least one club because it will be included to your final grades as one of your requirements in different subjects. So what are you waiting for? Join now!" paliwanag ni prof. Taray, dinaig pa yung commercial sa pag-promote.

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now