TB Chapter 15: Absent

50 24 17
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!









Chapter 15

Phia's PoV

Nananatili lang akong nakaupo rito sa upuan habang nag-uusap-usap naman sila. Sa tingin ko, walang masyadong ganap ngayon kaya nananahimik ako.

Charot!

Ang totoo, iniiwasan ko lang talaga tumingin doon sa kabila. Nahihiya kase ako kay Josh. Hehe. Tyaka, expected ko na hindi siya pupunta ngayong araw dito sa club dahil nga sa nangyari kahapon, tingin ko may galit siya sa'kin. Nagulat talaga ako nung dumating siya kanina. Tapos, nang-aasar pa yung bwisit na Allan na 'yon kaya ayoko talagang lumingon doon at piniling manahimik na lang sa tabi kase baka kung ano pa magawa ko sa kanya.

Agad akong nabalik sa reyalidad nang may marinig akong sigaw. "Patay! HAHAHAHA! Ayan! Tanga-tanga kase!" rinig kong sigaw ni Kiara. Tinignan ko naman kung anong ginagawa niya at nakitang may nilalaro sila sa kanya-kanyang cellphone.

"Hoy! Ang ingay mo!" sigaw ko sa kanya. Napatingin naman siya sa'kin at tinignan ako ng masama. Aba! Dukutin ko mata neto eh, tignan ba naman ako ng masama?!

"Wala ka lang pwends!" parang batang sigaw niya at bumalik na muli sa nilalaro. Aray ah! Medyo na-hurt ako don.

Na-curious tuloy ako sa nilalaro nila ni Neo kaya naman lumapit ako roon at balak ko sanang makinood.

"Ano ba kase iyang pinagkakaabalahan niyo? Bakit ang iingay niyo?" sambit ko habang papalapit sa kanila. Narinig naman ni Neo ang sinabi ko dahilan upang lapitan niya ako at iharap sa mismong mukha ko ang cellphone niya.

Sakit sa eyes!

"Ate Phibss, ito oh. Naglalaro kami ng COD, gusto mo sumali?" nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Sinong 'Phibs'?" tanong ko na may halong pagtataka.

Natawa naman siya. "Phibs? Galing sa pangalan mo na 'Phoebe'. Tawag ko na 'yon sa'yo hehe." paliwanag niya.

May panibago na naman siyang bansag sa'kin. Noong nakaraan, 'Mars' ngayon naman 'Phibs'. Ang daming alam nitong batang 'to puro kalokohan, mana talaga kay anek.

Napatigil ako sa pag-iisip nang maalala ko si Josh. Sumulyap naman ako saglit sa kabilang sofa upang tingnan siya. Napaigtad pa ako nang mahuli kong nakatingin siya sa'kin.

Potek, kinabahan ako roon ah!

Hindi na ako muli lumingon doon dahil sa nakamamatay niyang tingin. Mukang galit na galit, gustong manakit. Hindi ko na lang 'yon pinansin at nakinood na lang sa nilalaro nila Kiara.

----

Mukang nakaka-enjoy yung nilalaro nila kaya naman nagpa-share it ako at ngayon, naglalaro na kami pare-pareho. Ang kaso, lagi naman akong nababaril pota. Hindi talaga ako magaling sa mga ganito, gusto ko lang naman subukan.

"Neo! Dito sa kabila, barilin mo!" sigaw ni Kiara.

"Hoy, saglit lang hintayin niyo ko!" sigaw ko kay Kiara. Pero, ang loka ay hindi ako hinintay dahilan upang mabaril ako muli.

"Bwisit! Sabing hintay eh!" angal ko nang mamamatay ang avatar ko sa laro.

"Tanga mo kase! Bakit di mo binaril?" sabi naman sa'kin ni Kiara.

"Mas tanga ka!" inis na sabi ko naman. Natatawa na lang si Neo sa'ming dalawa.

Agad naman kaming napatigil at napatingin sa kabilang sofa nang biglang sumigaw si Josh.

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now