TB Chapter 19: Plan

39 23 0
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!







Chapter 19

Phia's PoV

Natigil ang usapan namin kanina nang dumating si Josh kaya naman hindi ko na nasabi ang plano ko kung paano namin siya matutulungan.

At dahil malupet ang aking pag-iisip, syempre nakaisip ako ng paraan kung  paano at saan namin pag-uusapan ang plano.

GROUP CHAT!

Gumawa ako ng gc kasama ang mga kupal sa club maliban kay Josh kaso kupal pa rin siya.

*****


[GROUP CHAT]

Phia: Guys! Dito ko na lang sasabihin ang plano ko kung paano natin matutulungan si Josh.

Kiara: Sabihin mo na!

Allan: Sige.

Phia: Ayon na nga, ang plano ko sana tutulungan muna natin si Josh na linisin yung garahe tapos kakausapin ko siya kung anong negosyo ang gagawin niya para matulungan din natin siya na maitayo ang negosyo niya. Ano? Okay ba sa inyo?

Neo: Okay na okay sa'kin!

Allan: Sa'kin din!

Lucas: I like your plan.

Gent: Me too.

Ian: Nice.

Levor: Sagot ko na mga gagastusin.

Allan: Yoen! Iba ka talaga, Levor!

Phia: Tumigil ka nga! Hindi pwedeng si Levor lang gagastos, nakakahiya naman. Ambag ambagan toh!

Kiara: Sige, magkano ba ambagan?

Phia: Depende na lang sa inyo, kung magkano lang ang kaya niyo.

Levor: 10k sa'kin.

Phia: Huh?! Ang laki naman ata niyan!

Levor: Bakit? Kulang pa ba? Gusto mo dagdagan ko pa?

Phia: Uy gagi. Ang ibig kong sabihin, Masyadong malaki naman ata iyang ambag mo baka pagalitan ka na ng mga magulang mo dahil sa kagagastos mo ng pera.

Levor: Ayos lang 'yan. Basta kayo.

Kiara: Sus, walang panama sa'kin 'yan! Sagot ko na 20k.

Phia: Isa ka pa! Ang laki ng mga ambag niyo parang ayaw niyo na kami pag-ambagin!

Kiara: Wag ka na nga puro kontra, hindi naman namin sayo toh ibibigay kundi kay Josh!

Phia: Hindi ko na kasalanan kung mapagalitan ka! Oh? Yung iba naman?

Allan: Mga 5k lang kaya ko.....utang pa 'yan.

Phia: Gago? Di nga?

Allan: Joke lang! Ako, uutang?? Yaman ko kaya.

Phia: Guys, may bagyo ba ngayon?

Kiara: HAHAAHAHHAA

Levor: Hahaha

Allan: Anong tinatawa-tawa niyo? Mayaman naman talaga ako noh!

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now