TB Chapter 3: Room 207

231 108 153
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!








Chapter 3

Phia's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.

Bastos naman! Natutulog pa ako eh!

Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman ko na ang init nito sa balat ko.

Shet! Burned!!!

Kasabay ng pagbangon ko ay ang pagtunog ng alarm clock kaya naman nagising na ako ng tuluyan.

Bumangon ako at ginawa ang morning routine ko pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.

Pagkababa ko, dumiretso ako sa kusina upang batiin si Mama.

Huh? Bakit wala si mama??

Maaga atang pumasok si mama ngayon.....

Pumunta naman ako sa dining room. May nakita akong nakatakip sa lamesa na sigurado akong almusal at baon ko. May kasama rin itong sulat.

Good morning anak! Maaga
akong aalis ngayon dahil may pupuntahan pa ako. Sa oras na
mabasa mo ito, ibig sabihin nakapag-almusal ka na. Kumain ka lang diyan, huwag ka magpapagutom. Dapat maubos mo lahat yan, magagalit ako kapag hindi mo inubos yan! Iniwanan din kita ng babaunin mo, mag-ingat ka sa pagpasok! 😘

- Mama

Kahit kailan talaga to si mama, sabi ko wag na akong baunan eh. Hayss

Sinimulan ko ng mag-almusal, agad naman akong natapos at iniligpit ang pinagkainan ko bago nilagay sa lababo.

Mamaya ko na lang huhugasan pag-uwi hihihi.

Saktong paglabas ko ng bahay, nakita ko si Kiara na nagbubusina sa harap ng gate. "Oyy labas na!" sigaw ni Kiara.

Kahit kailan talaga.

"Saglit lang!" sigaw ko rin, kala mo ah!

Pumunta ako sa may gate upang buksan ito bago sumakay sa motor ko at pinaandar hanggang sa may labas ng gate para iparada saglit, muli naman akong bumaba sa motor upang maisara ko ang gate.

Muli na akong sumakay sa motor nang matapos bago buhayin ang makina.

"Tapos ka na ba? Arat na!" sambit naman ni Kiara bago paandarin ang motor. Agad naman akong sumunod sa kanya.

------

Nakarating na kami sa school at kasalukuyan naming ipinaparada ang mga motor namin sa parking lot.

"Phia, anong oras ba natin kukunin sa kanila yung form?" tanong ni Kiara habang nagtatanggal ng helmet.

"Ngayon." sabi ko at tumingin sa wrist watch ko.

6:48 am....

"Hala! Baka malate tayo nyan ah!" sigaw naman niya.

OA talaga nito.

"Maaga pa, 6:48 pa lang. May oras pa tayo." pagkumpirma ko at bumaba sa motor.

"Maaga pa?!" gulat na sabi naman niya bago tingnan ang cellphone. "Oo nga noh! Di ko napansin yung oras ang aga pa pala! 7:30 pa pasok natin! Himala! Ang aga natin pumasok!" dagdag niya pa.

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now