TB Chapter 2: VARIANT

274 113 129
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!






Chapter 2

Phia's POV

Kasalukuyan akong nakatambay dito sa lounge sa tapat ng room ni Kiara. Hinihintay ko kasi matapos klase niya, yung prof kasi namin ghinost na naman kami.

Hindi porket kaka-start pa lang ng first semester, ganyan ganyan na sila. Pagdating naman ng finals, tatambakan nila kami ng gawain at mamadaliin.

Hays.

Sumilip ako sa salamin ng pinto ng room ni Kiara at nakita ko naman siya agad. Itinaas niya ang isa niyang daliri, sign na 1pm pa matatapos ang klase niya.

Tinignan ko naman ang oras sa relo ko, shuta 11:30 pa lang. Kung minamalas nga naman.

Napabuntong hininga na lang ako at tumayo sa kinauupuan. "Punta na nga lang ako dun sa tambayan sa likod." usal ko habang naglalakad papuntang elevator.

Sa wakas, may huminto na rin elevator sa floor na 'to. Pagkabukas pa lang nito ay dapat papasok na kaagad ako ngunit may nakasabay akong nagmamadali na para bang nakikipag-unahan siya, ayan tuloy nagkabungguan kami.

"Aray naman!" singhal ko.

"Stupid." mabilis niyang sabi bago pumasok sa elevator at agad itong sinara.

Potek! Sasakay din ako oh!

Tyaka anong stupid?! Ako?!

"Siraulo 'yon ah!" inis na sabi ko at no choice ako kundi maghagdan dahil nakakainip ng mag-antay ng elevator na laging punó. Makakasakay na sana ako kundi dahil sa lalaking 'yon eh.

Sinabihan pa nga ako ng stupid, kapal ng peslak, siya na nga itong bumangga sa'kin.

Nakarating na rin ako sa tambayan sa likod ng university, actually may short cut talaga sa loob ng school papunta rito kaya mas mabilis ang access.

Bihira nga lang ang nakakaalam at nakakapasok sa lugar na ito. Tutal regular customer naman ako at kakilala ko ang nagpundar ng tambayang ito kaya dedma na lang sa mga nagbabantay tuwing papasok ako. Kilala naman na nila ako eh.

Dito ko na lang uubusin oras ko sa paghihintay sa babaita, sabihan ko na lang siya na dumiretso na dito after ng klase niya.

Nagbayad ako sa cashier ng 50 pesos para sa dalawang round ng billiard at kumuha ng cue bago dumiretso sa available na billiard table.

Noon pa man ay mahilig na ako maglaro nito at nakilala rin ako dahil lagi akong nananalo sa mga kompetisyon pati na rin sa mga magagaling mag-bilyar sa probinsya.

Pero hindi ko masasabing magaling talaga ako dito dahil may isang tao pa na hindi ko matalo-talo sa larong ito.

Miss ko na siya.

Nabalik ako sa reyalidad nang makarinig ako ng malakas na sapul ng bola. Napatingin naman ako sa kabilang table at nanlaki pa ang mata nang makilala ko kung sino siya.

Aba! Siya yung nakasalubong ko sa elevator!

Sinamaan ko naman siya ng tingin bago sapulin ang natitirang bola sa table. Umulit naman ako ng isa pang round at habang naglalaro ay nararamdaman kong parang may nakatingin sa'kin.

Napalingon naman ako kung saan ako dinala ng instinct ko at nagkasalubong pa kami ng tingin. Nanatili naman siyang walang ekspresyon sa itsura niya.

Si elevator boy.

Agad na kumunot ang noo ko at inis siyang nginisian bago muling bumalik sa nilalaro. Hanggang sa matapos ang laro ay hindi ko na siya pinansin dahil puro inis lang ang napapala ko sa kanya.

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now