TB Chapter 9: Pares/Mami

182 84 69
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!









Chapter 9

Phia's POV

Sabay-sabay kaming lumabas ng room dahil nagkayayaan kaming kumain sa labas.

"Saan tayo kakain?" tanong ni Kiara at agad namang may sumagot sa tanong niya.

"May alam ako." tugon ni Josh bago ngumiti na parang ewan.

"Nako! Baka dalin mo lang kami kung saan mo dinate yung mga ex mo." pang-aasar ni Allan sa kanya dahilan upang mainis siya.

"Gago! Hindi! Sigurado akong magugustuhan niyo rito." giit niya naman at nagpaunang maglakad.

Agad naman kaming nakarating sa parking lot. "Sundan niyo na lang yung motor ko." sambit ni Josh bago sumakay sa motor niya.

Nakita kong sumakay na rin si Kiara sa motor niya at si Grace naman ay napagpasiyahang umuwi. Tinanong ko naman siya kung bakit? Ang sabi niya, tumawag sa kaniya ang daddy niya dahil may emergency daw sa bahay nila.

Hindi naman na ako umapila dahil sa tingin ko ay mas mahalaga naman iyon kaysa sa pupuntahan namin.

Sama ka na lang next time, Grace.

Nakita ko namang sumakay sina Neo, Ian at Gent sa iisang kotse. Sa tingin ko, si Gent ang may ari dahil siya ang magmamaneho. Napansin ko rin na naka-bike pala si Lucas. Isa pa 'to, alam ko may kaya rin ang pamilya nito pero ang tipid-tipid sa sarili.

Pareho sila ni Kiara.

Si Dave naman may motor din katulad ni Josh at si Allan, may sports car sabagay player.

I mean, sa game ah....

At syempre, iwan ako dahil wala akong dalang sasakyan. Ba't kase nagpahatid pa ako kay Kuya kanina!

"Phia, wala kang sasakyan?" takang tanong sa'kin ni Allan habang nakahawak sa manibela ng kaniyang sasakyan.

"W-wala ehh." sagot ko bago pilit na ngumiti.

"Tara sabay na kita, angkas ka na sa'kin----!" sambit naman niya ngunit napatigil nang may biglang magsalita.

"Sa'kin ka na sumabay." singit naman ni Levor.

"Hindi. Sa'kin siya sasabay." giit pa ni Allan at parang may kuryente na nakapagitan sa kanilang dalawa.

Nakaka-intense yung titigan nila.

"Isasabay mo siya dyan?" parang pangmamaliit na tanong ni Levor sa kanya.

"Oo." taas noong sagot naman ni Allan.

"Baka madisgrasya pa si Phia dyan, sa'kin na siya sasabay." pagdadahilan ni Levor bago ako hilahin paalis.

"Hoy! Safe ako mag-drive noh!" pangangatwiran naman nung isa.

"Don't mind him. Let's go." ma-awtoridad na dagdag pa ni Levor kaya naman wala na akong choice.

Medyo naiintindihan ko na kung bakit isa siya sa mga officer.

Nakaka-intimidate siya 'pag seryoso.

"Kaso---!" giit ko pa ngunit napatigil nang magsalita siyang muli.

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now