CHAPTER FIVE

10 4 0
                                    

I woke up when I felt someone kissing me my whole face. I opened my eyes and I saw my son, giggling and giving me light feathery kisses.

I really love my son, more than my life. Lahat ibibigay ko sa kanya basta kaya ko. Hinding-hindi ko kayang mawala siya sakin. Lahat ng sasaktan ang anak ko ay masasaktan ko rin.

I hate his father. I loathed his father, he's an ass hole. Nung pinagbubuntis ko ang anak ko ay umuwi ako rito sa Greece. Nagpatulong ako kina Mommy and Daddy para magtago.

Sa Oahu kami nagtago, in Hawaii. After kong maipanganak ang anak ko ay bumalik ako sa Greece at tumira sa mga magulang ko. Tinulungan ako ni mom na alagaan ang anak ko.

Doon din ako tinuruan ni Dad kung paano lumaban at gumamit ng iba't ibang lasing baril. My twin, Naile, ay mas matanda sa akin, ikakasal na rin siya kaya ako ang pumalit. Buntis din siya noon kaya kinausap ko ang ama ko na ako na lamang ang ipalit.

Ngayon ang pangalawang linggo ng training namin ni dad, pero wala pa ring nangyayari sa kin. Maski paghawak ng baril ay kinatatakutan ko. Ang anak ko ay nasa pangangalaga ni mommy. Huminga ako ng malalim bago nagsimulang iputok ang baril, sablay.

"I heard that you ran away from him my dear daughter,why?", my dad asked. Nilaro laro niya pa ang bala na nasa kamay niya.

"Because he's an ass hole", I clenched my fist and held the gun tighter. Naalala ko na naman ang nangyari noon, ang gagong nanakit sa akin.

"No Niamh, because you're a coward", he said and he started aiming and shooting the targets. I'm a coward? I closed my eyes and sighed.

No, I'm not, he's an ass hole, a bastard, siya ang duwag at hindi ako. Dahil sa galit ko ay binaril ko ang target,bullseye.

"Perfect Fos!"

Pumunta kami ng anak ko sa mall ngayong araw, bibili kami ng mga laruan niya. Hinawakan ko ang kamay ng anak ko habang naglalakad kami.

Habang nasa sasakyan kami at pauwi na galing sa mall, tinignan ko kung saan siya nakatingin dahil malungkot ang mukha nito. Nakita ko siyang nakatingin sa isang bata at ama nito, pati sa isang buong pamilya na masayang kumakain.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot at awa para sa anak ko. Kasalanan ko ito kaya wala siyang ama ngayon. Hanggang sa nakauwi kami sa bahay ay malungkot ito, kahit hindi siya nagtatanong kung sinong ama niya, alam kong hinahanap niya ito.

"Mommy La! Daddy Lo! Tita Chara! Yaya Beth!", my son exclaimed at tumakbo papunta sa pinto kung nasaan ang lolo't lola niya pati na ang tita niya at ang filipinang yaya nina mommy.

"Baby, kiss lola", my mom giggled when my son kissed her. Ganon din ang ginawa niya sa lolo at tita niya. Nagmano naman siya kay yaya beth.

"What brought you here, Dad?", I asked curiously. Hindi naman sa ayaw ko silang narito pero minsan lang kasi sila kung dumalaw dahil lagi naman kaming pumapasyal doon.

"You'll go back to the Philippines, you have a mission anak, isama mo na rin ang apo ko at si Chara, pati si Yaya Beth. Naayos ko na ang school na papasukan ng apo ko at aalis na kayo bukas din", paliwanag nito. Ilang minuto pa silang nagtagal at umalis na.

Naiwan na dito sina Chara at Yaya Beth. Nakaayos na rin ang mga gamit nila na dadalhin nila pauwi sa Pilipinas.

Natapos na naming ayusin ang mga gamit ni Valev. Pumunta naman kami sa kwarto ko at inayos ang mga damit at gamit ko. Inuna ko munang ayusin ang mga baril na gagamitin ko. Pinaki-usapan ko na rin si dad na ipadala rin sa Pilipinas ang motor ko.

"Paano na yan bes? We'll go back na sa Philippines, eh you know naman na nandon din siya diba?", concerned na tanong sakin ni Chara. Alam niya rin ang nangyari noon dahil naikuwento ko na ito sa kanya.

"Ewan ayokong makita ni Valev ang ama niya, ayokong makita niya si Vaughn, baka kuhanin sa akin ang anak ko", sagot ko.

"Vaughn po ang name ni Daddy, mom?", he asked. Nakasilip pa ang maliit nitong mukha sa pintuan.

"Are you eavesdropping anak?", I asked. Kinabahan ako dahil nalaman niya ang pangalan ng ama niya.

"No po sana mommy eh, kaso I heard po you mentioned my name po tapos pati sabi niyo daddy ko kaya nakinig po ako", he explained while playing with his cute fingers.

Nilapitan ko ang anak ko at hinalikan sa noo. Hindi ko na sinagot pa ang tanong nito. Hinatid ko nalang siya sa kwarto nito at pinatulog dahil aalis na kami bukas.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako, baka makita ko na naman siya at hindi pwedeng mangyari yon. Natatakot ako na baka kuhanin niya sakin ang anak ko kapag nalaman niya.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hinding- hindi ako takot na masaktan at mamatay pero sa kanya, natatakot at kinakabahan ako lagi. Marinig ko palang ang pangalan niya.

“Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is 11:30 a.m. and the temperature is 38°C. On behalf of NAIA Airlines and the entire crew, I’d like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to see you on board again in the near future. Have a nice day!”

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ng anak ko ng lumapag na ang eroplano na at naglalakad na kami paalis ng airport. Ngayong nandito na kami ay kinakabahan na naman ako dahil alam kong kahit hindi ko gustuhin na makita siya ay makikita at makikita ko pa rin siya. Pero hangga't maari ay iiwasan ko siya.

Nakita ko naman na tuwang tuwa ang anak ko ngayon. Masaya siya na nakauwi na kami rito at dahil dito din siya mag-aaral.

Umuwi na kami sa titirhan naming bahay sa isang subdivision. Kasama namin na titira dito si Yaya Beth at si Chara. Hindi ko alam kung bakit sa dami ng bansa ay dito pa ang naging mission ko.

Hinatid ko muna sa kwarto niya ang anak ko at ipinagpahinga ko muna siya. Inayos ko na rin ang mga gamit niya.

Ilang sandali pa ay may naghatid na ng motor ko at ng kotse ko dito sa bahay. Pinadala ko talaga ang mga ito dahil mas sanay at mas gusto ko itong ginagamit kaysa iba. Inayos ko na rin ang mga baril ko. Ganon din si Chara dahil nakita ko siyang nag-aayos ng mapadaan ako sa kwarto niya.

Magpapahinga na sana ako ng marinig ko na tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ang caller at nagulat ako ng mapansing si Auden ito.

"Hey Auden, napatawag ka?"

"Niamh may favor sana ako, kamusta na?", he asked.

"Kararating lang namin sa Pilipinas kanina lang", I answered at nagsimula ng ayusin ang ibang gamit ko bago magpahinga.

"Sakto. Gusto ka sanang mameet ng famiy ko eh, nasabi ko kasing girlfriend kita, pwede lang ba?", nagulat naman ako bigla sa sinabi nito. Sabagay wala namang masama roon, baka nabigla lang si Auden lalo na't kasalanan ko naman dahil hinalikan ko siya bigla.

"Okay kelan ba?"

"Bukas, nasa Pilipinas kami lahat for vacation and some business matter kaya sakto"

"Okay sige text mo nalang ako anong oras", I said and we bid our goodbyes and ended the call.

Napaisip na naman ako kung ano ang pwedeng mangyari ngayong nasa Pilipinas na kami. Paniguradong marami pang mangyayari at dapat maging handa na ako.

—————

♡♡♡
ds

DRAPETOMANIAWhere stories live. Discover now