Chapter 26

32 6 0
                                    

Nico

Nagbibihis lang ako ngayon dahil wedding na mamaya ng biglang pumasok sa isipan ko yung sinabi sa akin ni Danica kagabi.

I really choose to trust her kasi kaibigan ko siya and alam ko naman na magagamit kong alas 'yung trust niya na 'yun one day, kapag siguro nagipit ako at nagkaroon ng malaking problema.

"Nico, okay na talaga kayo ni Dani?" Tanong naman sa akin ni Fiel then I nod my head "Oo naman, gusto ko lang na marealize niya yung pinaggagagawa niya," sabi ko naman sa kaniya. "How about the bet?" Tanong naman ni Fiel natigilan naman ako at napatingin sa kaniya.

"Itutuloy pa ba natin?" Tanong ko naman sa kaniya ng biglang may nagsalita "Ano bang plano niyo huh?" Tanong naman ni Rui na nakatayo sa may pintuan kasama si Harry "Oo nga, itutuloy pa ba natin yung plano natin?" Tanong naman ni Harry.

"Wala akong nakikitang dahilan para ituloy yung bet, nagbabago na si Danica kahit papano eh," sabi naman ni Fiel "I agree too, baka masaktan lang si Danica pag tinuloy natin at mas lumala pa yung ugali niya," sabi ko naman.

"Besides I'm enjoying this punishment," sabi naman ni Fiel "Pano lagi siyang nasa kwarto ni Danica," nakangisi namang sabi ni Harry "Dumi talaga ng utak mo, sinabi ko nang tinuturuan niya lang ako sa Science." Fiel defended himself.

"Okay fine," mataray na sabi ni Harry at inirapan niya ito "So we'll drop the bet na?" Tanong ko then they nod their heads at lumabas na kami ng villa.

Habang naglalakad kami papunta sa venue nakita naman namin si Elisse, "Yow," sabi naman ni Harry kay Elisse "Bakit nasa iyo pa rin camera ni Danica?" Tanong ko naman sa kaniya "I'll be Danica's photographer for today," sabi naman ni Elisse.

"Take some good shots of us Elisse ah," sabi ko naman then Elisse nod her head "Oo naman sure," sabi naman ni Elisse, pagkadating namin sa venue ready na ang lahat, the day was a perfect day.

I was looking for Danica, asan kaya siya? "Si Danica oh," sabi naman ni Rui at agad akong napatingin sa direksyon na tinuro niya, I saw a gorgeous lady wearing a royal blue long entourage gown.

She's beautiful, her make up was just light and her hair was in a messy bun she holds a bouquet and on the other hand she holds the motif.

"Dani here," Eli shouted then Danica smiled and pumunta na siya sa pwesto namin "You look so beautiful Dani," Eli said then we nod our heads.

"Smile ka dali," sabi naman ni Eli at kinunan niya agad ng pictures si Danica, "Kayo di ba kayo sasali?" Tanong naman ni Elisse sa amin dahil nanunuod lang kami sa kung paano kuhaan ng pictures ni Elisse si Danica.

"Sali syempre," masiglang sabi ni Harry at lumapit na kami kay Danica "Mukha kang mabait sa itsura mo ngayon Danica," pang-aasar naman ni Harry at napakunot naman ng noo si Dani.

"Joke lang," sabi naman uli ni Harry, Elisse took a lot of picture, and kung ano-ano pa ang posing na pinagawa niya sa amin. Merong nakatalikod, nakaluhod kami sa harap ni Danica na para raw nagpopropose, meron ding nakaakbay kay Danica at kung ano-ano pa.

Feeling ko nga prenup 'tong pinapagawa sa amin ni Elisse eh.

Ilang minuto pa ang lumipas tinawag na si Danica "So pano ba 'yan guys? Later na lang uli," sabi ni Dani habang nakangiti at lumapit na siya sa Kuya Kai niya, "She looks stunning 'no?" Sabi naman nung babae sa gilid ko pagtingin ko nakita ko si Elisse na nakangiti.

My Four BodyguardsWhere stories live. Discover now