Chapter 32

30 7 0
                                    

Danica

Ilang weeks na pagkatapos naming umuwi galing sa beach, hindi kami masyadong nagkikita ng mga bodyguards ko, sa school lang minsan absent pa sila.

Si Harry at Rui laging excuse sa klase kasi lagi silang may laro or practice, they are aiming to go National PRISAA, si Fiel naman busy sa pagrereview niya sa science, Nico he was always excuse, lagi na lang siyang wala, susulpot tapos lilitaw.

I'm just in here at the bleachers, hinigit kasi ako ni Elisse, ang lakas kasi ngayong taon ng basketball team namin kaya lang tuwing regional PRISAA hindi raw nila natatalo 'yung ibang team kaya ganun na lang sila kapurisigido ngayong taon.

"Dani malapit na birthday mo di ba?" Tanong naman sa akin ni Elisse then I nod my head "Anong plano mo?" She asked again, "Actually wala pa akong naiisip eh," sabi ko naman sa kaniya.

"You want me to help?" She asked pero umiling naman ako "Hindi na, baka hindi rin ako magcelebrate or out of town na lang ganun," sabi ko naman sa kaniya then she just nod her head.

I'm not really into celebrating my birthday, hindi ako sanay, well debut ko pa naman din sana pero nakakatamad mag-asikaso and organize a party.

Saka my parents never talked about it kaya 'wag na lang, ayos naman ako na walang celebration eh, para no hassle na rin.

"Look, he is Andrew Keita Cua," sabi naman ni Elisse at tinuro niya sa akin 'yung isang lalaki na nagbabasketball "So?" Sabi ko naman sa kaniya.

"So magpacute tayo, kasi gwapo siya, besides he's a famous heartthrob," sabi naman uli ni Eli "No way, Eli." Sabi ko naman sa kaniya.

"Pero Dani sayang naman, papable pa naman din," kinikilig na sabi ni Elisse "I rather being single than being with someone I'm not interested," sabi ko naman sa kaniya then she sighed.

"So who do you want huh?" Tanong naman ni Elisse natigilan naman ako at napatingin ako sa kaniya, sino nga ba ang gusto ko ngayon? Wala naman eh, saka hindi pa ako ready uli.

"No one," sabi ko naman sa kaniya "Hmmmm," Elisse said then she smirked, parang may alam siya na ayaw niya lang sabihin sa akin.

"What is it huh?" Tanong ko naman sa kaniya pero umiling lang siya "Nothing," nakangisi naman niyang sabi at pinabayaan ko na lang siya.

Umalis na muna ako sa bleachers at naglalakad-lakad ng biglang may umakbay sa akin, pagtingin ko sa gilid ko nakita ko naman si Harry, he's wearing his jersey and may duffle bag sa gilid niya.

"San ka pupunta?" Tanong naman niya sa akin "Ah bibili lang sana ng tubig," sabi ko naman sa kaniya "Ikaw? May laro kayo?" Tanong ko sa kaniya "Tapos na," matipid niyang sabi then I nod my head.

"Panalo ba?" Tanong ko naman "Syempre naman, diretso na 'to sa Regionals, sana manalo," sabi naman niya then I smiled at him "Mananalo kayo, ikaw pa ang lakas-lakas mo eh," sabi ko naman sa kaniya at napangiti naman siya.

"Binola mo pa ako huh," he said while smirking at nagtawanan naman kami. "Hindi mo na tinuturuan si Fiel?" Tanong naman niya sa akin at napahinto naman ako "Ahm, hindi na raw niya ako kailangan eh," sabi ko naman sa kaniya.

"Ano bang nangyari sa inyo? Bakit kayo nag-iiwasan?" Tanong ni Harry pero umiling naman ako "Wala naman, okay lang kami ni Fiel," sabi ko at binigyan ko siya ng reassuring smile.

"Rui!" Sigaw naman ni Harry ng makita namin si Rui, naka PE uniform lang siya at meron siyang dalang maliit na duffle bag at rocket sa likod niya, umiinom din siya ngayon ng Pocari Sweat.

"Yow," matipid na bati ni Rui sa amin at agad namin siyang nilapitan "Tapos na laro mo?" Harry asked him then Rui nod his head "Kakatapos lang, regional na nga ang sunod eh," nakangiting sabi ni Rui.

My Four BodyguardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon