Chapter 31

33 7 3
                                    

Nico

"Tumutugtog pala si Danica," sabi naman ni Fiel "Oo nga 'no?" Sabi naman ni Harry, "Malamang baka kasi nakakalimutan niyo na pinsan si Danica ng dalawang famous musician," sabi naman ni Elisse.

"Wait lang ah I'll just going to take some pictures," Eli added at umalis na siya, naka-focus lang ang tingin ko kay Danica, she's fixing her bass guitar.

They start singing, si Madam Danessa ang kumakanta, si Danica naman bass guitar lang ang gamit, medyo nangangapa pa siya, kasi nakatingin siyang maigi dun sa song sheet. "Kakanta ba siya Dani?" Tanong ko naman sa kaniya "Hindi ko alam, baka, may mic sa harap niya eh," sabi naman ni Harry.

"Ayan oh si Fiel tanungin niyo, lagi niyang kasama si Dani eh," sabi naman ni Rui "Why me? I don't know too," sabi naman ni Fiel.

"Parang isang panaginip ang muling mapagbigyan," kanta ni Dani at tumingin siya dito sa side namin, "Tayo'y muling magkasama ang dati ay balewala nagkita rin ang ating landas wala ng iba akong hinihiling kundi ika'y pagmasdan," kanta uli niya habang nakatingin lang sa side namin.

"She's staring at me," proud na sabi ni Harry at napangisi naman si Rui "Nope, she's not staring you Harry, 'wag kang assuming," sabat naman ni Rui.

"Alangan namang kay Fiel, duhh sa akin siya nakatingin," pakikipagtalo pa ni Harry "He's literally not staring you," sabi naman ni Fiel.

"He's staring Nico," Rui added at nasamid naman ako bigla "Yeah?" Sabi naman ni Harry at napatingin silang tatlo sa akin "Lol, it's not me," sabi ko naman sa kanila.

"It's definitely you," sabi naman ni Rui pero umiling naman ako "Hindi talaga ako ang tinitingnan niya, 'kay? And what makes you think that it was me after all?" Sabi ko naman sa kanila.

"Probably," Rui said and he just smirked at me at hindi na niya sinagot 'yung tanong ko "Ako kasi talaga 'yun, epal lang 'yang si Rui," sabi naman ni Harry then we nod our heads.

Dalawang songs 'yung tinugtog nila pero isang beses lang kumanta si Danica, I don't know what to react really, I assumed na hindi ako 'yung tinitingnan ni Dani but Rui saw it too.

After nilang tumugtog, si Sir Akira naman ang nasa Dj booth, what? Really marunong siyang mag dj? How interesting they are.

"Punta lang ako sa comfort room," sabi ko naman sa kanila pero parang hindi nila ako narinig dahil wala na isa sa kanila ang lumingon sa akin kaya naman umalis na lang ako.

Naglakad-lakad lang ako hanggang sa nakarating ako sa may mga nagpa fire dance, this is an island life, minsan nga iniisip ko pano kung lumaki rin ako sa ganitong lugar? Siguro marunong din ako ng mga ganiyang gawain.

Sa hindi kalayuan may nakita akong puro glow in the dark na lights, pumunta kaagad ako dun, I saw people wearing headphones, they are dancing in their own, sobrang tahimik nung place, no music can be heard.

"Beautiful," sabi ko naman, "Sir gusto mong i-try?" Tanong naman sa akin nung lalaki "Wala po akong partner eh," sabi ko naman sa kaniya "Sir hindi makokompleto ang stay niyo dito kung hindi niyo po ita try ito," sabi niya uli.

"I'll try it sometime po, pero hindi po muna sa ngayon," nakangiti ko namang sabi "Mura lang Sir, 450 lang po for 20 minutes," sabi naman uli niya.

"Next time na lang talaga Kuya," sabi ko uli habang nakangiti "Sige po Sir," sabi ni Kuya at nilubayan na rin niya ako sa wakas.

Magmumukha naman akong tanga kung ako lang ang sasayaw di ba? Habang 'yung mga sumasayaw may mga partner.

Pagkatapos kong magtingin-tingin dito sa may resort bumalik na ako sa venue it was already 10:30, mas marami na rin ang bisita na nandito, some of them weren't invited but still they have the guts to come here.

My Four BodyguardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon