Chapter 29

32 6 0
                                    

Danica

"Hoy Harry, 'wag na," sabi ko naman sa kaniya pero sinamaan niya lang ako ng tingin "Guys 'wag na okay?" Sabi naman ni Elisse "Binastos nila kayo, tapos wala kaming gagawin? No way," sabi naman ni Rui.

"Hindi naman nila kami binastos eh, inaya lang nila kaming kumain," pagdedepensa ko naman "Hinamon kami alangan namang atrasan namin," sabi naman ni Nico at nagtagkal na siya ng sando niya, ganun din si Harry at Fiel "Kailangan ba talagang topless?" Inosente namang tanong ni Rui.

"Mainit Rui," sabi naman ni Fiel "Okay sige na nga," pagsang-ayon ni Rui at napilitan na lang din siyang tagkalin 'yung sando niya.

"Sigurado ba kayo dito huh? Si Harry lang naman ang marunong mag volleyball eh," sabi ko naman sa kanila "Oo nga, si Rui ang alam badminton lang," sabi naman ni Elisse.

"Hindi kami p'wedeng umatras," sabi naman ni Fiel "Just watch Dani, you still don't know me well," Nico said while smirking, masyado naman atang confident itong si Nico.

"Huwag na lang kasi," sabi ko naman pero umiling lang si Harry "We'll win this game okay?" Sabi ni Harry at pumunta na sila dun sa may net.

Nag jack en poy pa sila para malaman kung sino ang unang magseserve, nanalo naman ang kabila at nagsimula na nga ang laro.

Ang daming tumitiling mga babae, 'yung iba parang hinuhubaran na nila 'yung mga lalaki sa isip nila, pano ang gaganda ng katawan, si Fiel na hindi naman athletic may four packet abs, si Rui may abs din, si Harry six pack at si Nico what? Six packet abs din.

Napanganga ako dahil sobrang ganda ng hubog ng katawan ni Nico, you can say that he's a very well trained athlete dahil sa ganda ng pangangatawan niya.

"Danica laway mo baka tumulo," pang-aasar naman sa akin ni Elisse at inirapan ko naman siya "Ang gagwapo naman ng mga bodyguards mo Dani, naiinggit tuloy ako," sabi uli ni Elisse.

Sino ba naman kasi ang hindi maiinggit eh ang gaganda ng katawan nila at ang popogi pa, kung siguro alam lang ng mga babae dito na bodyguards ko 'yang apat na 'yan grabe siguro ang inggit nila sa akin 'no?

Ano ba kasing problema ng apat na 'to? Bakit kailangan nila makipaglaban dun sa apat na lalaki, eh inalok lang naman kaming mag lunch, argh nakakainis. Ang gagaling pa naman ding mag volleyball nung apat.

Lamang sila Harry ng dalawa, paunahan lang daw kasi na maka-25 "Ano bang pinaglalabanan nila huh?" Tanong naman ni Zoe na nasa gilid "Eh di sino pa ba, 'yun oh?" Margaret said the she pointed her index finger at me.

"Seriously? Ang landi-landi talaga niyang babaeng 'yan, ang pangit-pangit naman," sabi naman ni Zoe, pinabayaan ko na lang sila ng bigla kong marinig ang sigaw ni Elisse "Bawiin mo 'yang sinabi mo!" Sigaw ni Elisse kay Zoe.

Agad akong lumapit kay Elisse para pigilan siya "That's enough Elisse," sabi ko naman sa kaniya "Oh bakit ko babawiin ang sinabi ko? Totoo naman eh, sobrang landi niyang kaibigan mo Elisse, lahat na lang ng lalaki gusto niya nasa kaniya ang attention," sabi naman ni Zoe.

"Fvck! Sabi ko sa'yo bawiin mo!" Sigaw naman ni Elisse uli then I sighed "Eli stop, let her think what she wants," sabi ko naman sa kaniya ng biglang lumapit sa amin si Harry "Can you shut up your mouth Zoe? You're disturbing our game," sabi naman ni Harry.

Bigla namang natamaan ng bola na pang volleyball si Zoe kaya napatingin kami sa mga naglalaro "Sorry, it slipped in my hand," nakangising sabi ni Nico at sinamaan ko naman siya ng tingin "Argh!" Sigaw ni Zoe at umalis na sila ni Margaret.

My Four BodyguardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon