Chapter 37

33 5 0
                                    

Harry

Andito lang ako ngayon sa room ko ng biglang may pumasok, pagtingin ko naman si Elisse "Hoy anong ginagawa mo dito?" Tanong ko naman sa kaniya.

"Wala lang gusto ko lang may matambayan na room, bakit angal ka?" Mataray naman niyang tanong at napangisi naman ako.

"Sus, may gusto ka lang malaman eh, ano ba 'yun?" I asked her then she rolled her eyes "Wala nga promise," She denied once again.

"Wala 'yung girlfriend Elisse, huwag kang mag-alala," sabi ko naman sa kaniya. Elisse's eyes got wider "Yah!" Sigaw naman niya at tinawanan ko naman siya.

"Quiet Elisse, you are so noisy," sabi ko naman sa kaniya "Sinong tinutukoy mong single?" Tanong niya sa akin "Malay ko sino nga ba?" Tanong ko naman sa kaniya.

"Ewan ko, di ko alam kung ano pinagsasasabi mo," sabi naman niya at tinawanan ko naman uli siya, bigla naman niya akong binato ng unan.

"Bakit ka ba kasi nandito huh?" Tanong ko naman sa kaniya then she sighed "Syempre, di ako makapunta sa room ni Danica, andun kasi si Nico, si Rui naman baka busy, si Fiel naman matutulog na raw eh," sabi naman niya then I nod my head.

"Wala ka bang nahahalata kay Nico at Danica?" Tanong naman niya then I smirked "Ako pa ba Elisse? Syempre I know everything, alam ko nga yung sa'yo eh," sabi ko naman sa kaniya.

"Gag*," sabi naman niya at napangiti naman ako "Tanggi mo pa girl," sabi ko naman at tumayo na siya at tinapon niya uli 'yung isang pillow sa akin saka siya lumabas ng room ko.

"Good night Elisse, sana mahimbing tulog mo ngayong gabi!" Sigaw ko at humiga na ako sa kama ko.

I checked first my social media, as usual wala na namang bago. Puro toxic na naman ang nababasa ko.

Danica

Maghahating gabi na pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makatulog kaya naman kinuha ko 'yung dalawa kong pillow at saka ako kumatok sa room ni Nico.

Pagbukas naman niya nakita niya agad akong naka-pout habang hawak 'yung dalawang pillow "What are you doing here?" Tanong naman niya sa akin "Can I sleep here tonight?" I asked Nico.

"Seryoso ka ba diyan?" Tanong niya sa akin then I nod my head "Di ako makatulog eh, please," sabi ko naman then I pout again.

"Okay fine," sabi naman niya at pumasok na ako sa room niya, dumiretso agad ako sa kama at humiga ako, "Diyan ka na sa bed, dito na lang ako sa couch," sabi naman niya pero umiling naman ako.

"Tabi na tayo," sabi ko naman sa kaniya then his eyes got wider. "Yah, not so fast baby," sabi naman niya then he hugged his body.

"Feeling ka," sabi ko naman sa kaniya "Tabi lang eh, wala naman tayong gagawing masama," sabi ko naman sa kaniya "Joke lang, oo na tatabi ako, matulog ka na diyan, yosi lang ako sa labas," sabi naman niya then I nod my head.

Fiel's girlfriend was really bothering me, I don't know what to do anymore, mas lalo lang lumalalim 'yung feelings ko para sa kaniya.

Hindi talaga ako makatulog kaya naman lumabas na ako sa may veranda kung saan naninigarilyo si Nico.

"Pahingi nga," sabi ko naman sa kaniya "Huh, bawal 'to sa'yo, hindi ito maganda for your body," sabi naman niya at inilayo niya agad sa akin 'yung one pack ng cigarettes.

My Four BodyguardsOnde histórias criam vida. Descubra agora