Chapter 4

177 10 0
                                    

Rui

Nakaupo lang ako ngayon dito sa may bench habang nagbabasa ng libro ng bigla akong lapitan ni Harry.

"Rui," sabi naman niya habang nakangiti "Oh ano na naman? Busy ako," sabi ko naman sa kaniya "Nakita mo ba 'yung alaga natin?" Tanong niya.

"Hindi pero kanina nandun lang 'yun sa room ah kasama ni Elisse," sabi ko naman sa kaniya "Yun na nga eh, biglang nawala si Danica," sabi naman niya.

"Baka naman kasama lang si Elisse hayaan mo na nga siya malaki na 'yun kaya na niya ang sarili niya," sabi ko naman sa kaniya.

"Eh ano pa at naging mga bodyguard niya tayo kung pababayaan na lang natin siyang mawala di ba?" Sabi naman niya uli then I sighed.

"Hoy Harry wag mong careerin ang pagiging bodyguard nung Yang na 'yun baka nakakalimutan mo na parusa lang 'to at wala tayong nakukuhang sweldo rito," sabi ko naman sa kaniya.

"Oo nga at baka nakakalimutan mo na kailangan din nating gawin ang lahat para mafall siya sa atin," sabi naman niya.

"Di ko 'yun makakalimutan, I need to get out from this 'no," sabi ko naman at ngumiti naman siya "Mabuti na 'yung nagkakalinawan tayo," sabi niya.

"Siya nga pala Rui matagal ko na kasing gustong itanong 'to sa'yo pero nahihiya ako eh," sabi niya uli "Ano na naman ba 'yan huh?" Tanong ko.

"Ah eh ano kasi..." I cut Harry's words "Spill it out Harry," sabi ko naman "You are actually the smartest student here in SLA pero bakit lagi kang bumabagsak huh?" Tanong naman niya.

"Bakit hindi mo itanong kay Pedro?" Sabi ko naman at patuloy lang ako sa pagbabasa ko "Sino si Pedro?" Tanong naman niya at napaface palm naman ako.

"Anak ka talaga ng Daddy mo Harry!" Mariin ko namang sabi sa kaniya "Nagtatanong lang naman ako ng ayos eh," sabi naman niya.

"Okay fine dahil matagal na rin naman kitang kaklase I think it's about time para malaman mo kung bakit," sabi ko naman at huminga ako ng malalim.

"Kasi ayaw kong lamangan sa paningin ng mga magulang ko si Kuya, gusto kong manatili si Kuya Reiji na matalino sa paningin nila," sabi ko naman sa kaniya.

"Huh di ko gets, eh di ba patay na naman si Kuya mo?" Sabi naman niya at napakunot naman ako ng noo ko "Masyado ka ng maraming tinatanong tama na," sabi ko naman.

"KJ mo,"sabi naman niya at napangisi naman ako "Pakialam mo?" Sabi ko naman "Eh ikaw bakit lagi mong pinagtutulakan palayo 'yung Glyza na 'yun huh? Ex mo 'yun ano?" Sabi ko naman uli.

His eyes got wider "What? That girl? Ex ko? Over my dead body," sabi naman niya sa akin "Eh bakit nga?" Tanong ko naman uli.

"She's my mother's spy, broken family nga kami di ba?" Sabi naman niya then I nod my head "Ah oo nga pala," sabi ko naman at patuloy lang ako sa pagbabasa ko.

Mahabang katahimikan ang namuo sa pagitan naming dalawa ng biglang may nagtakbuhang mga estudyante "Anong meron?" Tanong ko naman kay Harry.

"Malay ko eh magkasama tayong dalawa dito eh," sabi naman niya "Hoy, hoy hoy sandali," sabi naman ni Harry at may hinigit siyang isang babae.

My Four BodyguardsOnde histórias criam vida. Descubra agora