ABTMB 5

1K 24 2
                                    

Kinabukasan ay napagpasyahan kong mamasyal. Yun naman ang isa s amga dahilan kung bakit ako nagpunta rito. After lunch na nang lumabas ako ng room ko. Pero kaagad na nasira ang araw ko nang makita ko si Levine na masama ang tingin sa akin.

"What?" taas kilay kong sabi sa kanya.

"What the fuck Rabiya? Why the hell did you tell them that I have a fucking problem in my brain!?Pinagtatawanan ako ng mga tao doon dahil akala nila ay may sira ako sa ulo!" hindi na ako nabigla nang magtaas siya ng boses. At expected ko na rin naman na iyan ang isisinghal niya sa akin.

"Ah hindi ba? Akala ko kasi may sakit ka sa utak" simpleng saad ko dahilan para mas kumunot ang noo niya.

"What!?"

"Mukha kasing may sayad ka sa utak dahil ilang beses ko nang tinanggihan ang alok mo pero talagang sinundan mo pa ako rito para lang kumbinsihin akong sumali sa lintik mong Mafia" madiin kong sabi at nakita kong natigilan siya. Pero maya-maya rin ay ngumisi siya.

"Sanay kasi akong lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. And I am certain that soon, you'll also be mine"

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Ang lakas naman ng apog ng lalaking 'to. Ang kapal ng mukha. Ako? Mapapasakanya? Ha! Asa siya.

"There's always an exception Levine"

Nilampasan ko na siya at naglakad ako papunta sa elevator. Alam kong nakasunod lang siya sa akin.

"Bakit ba ayaw mo? Alam mo maraming gustong maging kasapi sa Mafia ko pero ikaw tinatanggihan mo ako? Alam ko bang nakakasakit ka?" hindi ko napigilan na mapaikot ng mata.

"Bukod sa ang kulit mo, mayabang ka rin pala" bumukas na ang elevator at pumasok na ako. Ganun din siya. Gusto ko sana siyang sipain palabas kaya lang may sumabay sa aming dalawang Koreana. Nakita ko pa kung paano nila titigan si Levine.

Tsk. Attention getter talaga ang isang 'to.

Laking pasasalamat ko na lang na hindi ako kinausap ni Levine sa elevator. Pero nang makalabas kami, nagsimula na naman siya.

"Just tell me what should I do para mamapayag kita. I will gladly do it" nakalabas na ako ng hotel at nag-abang ako ng taxi.

"Wala kang dapat gawin dahil hindi ako kailanman magiging myembro ng Mafia mo. Bakit ba ako ang pinupuntirya mo? Marami pang iba diyan. Huwag ako ang guluhin mo"

"Yeah I know marami pang iba diyan but you're different from them. You are one of a kind. Isa ka sa mga kinatatakutan sa Black Society that's why I want you to be part of my Mafia" napasuklay na lang ako sa buhok ko at bored na tumingin sa kanya.

"It's a no. And forever will be a no" bumuntong hininga siya dahil sa sinabi ko.

"Should I seduce you?" nanlaki ang mga mata ko.

"Are you a fucking nut Levine? Seriously? Naisipan mo pang iseduce ako para lang diyan? Gago ka"

"Why not? Sa tingin ko naman ay hindi mo matitiis ang hot at napakagwapong lalaking kagaya ko"

Kung pwede ko lang siyang suntukin ngayon ginawa ko na. Kaya lang maraming tao kaya kailangan kong magtimpi. At isa pa, wala ako sa bansa namin. Sino ba ang mga magulang ng pesteng lalaking at bakit ganito ang ugali nito?

"Am I right?"

Napaatras ako ng kaunti nang bahagya siyang yumuko dahilan para magkalapit ang mukha namin. And there he smiled sheepishly. Damn him!

Pero hindi ako nagpatalo, nakipagtitigan ako sa kanya.

"Huwag kang masyadong pakampante Levine. Hindi ako yung tipo ng babae na nadadala sa mga seduce-seduce na yan. Kahit gaano ka pa kagwapo, kahot, o gaano kaganda yang katawan mo, wala yang epekto sa akin. Manigas ka diyan" diretso kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya. And then he smirked.

Allured By The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon