ABTMB 40

581 19 0
                                    

Buong byahe ko ay hindi ako mapakali dahil sa sinabi ni Bullet. Halos hindi matahimik ang loob ko lalo pa't hindi ko maitatangging kinakabahan ako.

Ngayon na lang ulit ako kinabahan ng ganito. P-paano na lang kung tutol pala sila sa kung anong meron kami ng anak nila? Paano kung palayuin nila ako sa kanya dahil anak ako ng taong pumatay sa bunso nila?

Aish. Pakiramdam ko ay mababaliw ako sa kung ano-anong pumapasok sa isipan nila.

Nang makarating ako sa tapat ng headquarters, kaagad akong sinalubong ni Granger at Bullet. Kinakabahan akong tumingin sa kanila.

"Bakit daw nila ako pinapatawag?" alanganin ko pang tanong.

"Hindi rin namin alam Rabi. Basta kanina seryoso sila tapos bigla ka nilang nirequest" parang mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Granger.

"Mabuti pa pumunta ka na sa kuwarto kung saan sila nakaconfine para magkaalaman na" tinanguan ko na lang si Bullet at huminga ng malalim bago ko sila iniwan.

Alam ko naman ang kuwartong sinasabi nila dahil minsan na rin akong pumunta doon. Habang papunta ako doon, parang mas lalo akong kinakabahan.

Napatigil ako sa paglakad nang makita kong may mga tauhan na nakabantay sa labas ng room. Muli akong huminga ng malalim bago ako tuluyang naglakad papunta doon. Dahil glass door ang meron dito kaya naman kaagad nila akong nakita.

Ipinagbukas ako ng pinto ng isang tauhan at dahan-dahan akong naglakad papasok.

"Rabiya..." tiningnan ko si Levine at nakita ko ang pag-aalala sa kanya. Ganunpaman, nginitian ko siya para ipakita sa kanya na ayos lang ako.

Pagkatapos ay tumingin ako sa parents niya. Hindi ko maiwasan ang mamangha dahil talaga palang maganda ang lahi ng mga Levine. Pero hindi maitatago na kagagaling lang nila sa pag-iyak dahil na rin sa mga mata nila.

"Son, lumabas ka muna" seryosong sabi ni Mr. Levine.

"Pero dad——"

"Lumabas ka muna"

Narinig ko na lang ang pagbuntong hininga niya. Tinanguan ko na lang din siya para sabihing sundin ang sinabi ng ama niya kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang lumabas kahit alam kong labag sa kalooban niya.

Bagama't kinakabahan, pinanatili kong kalmado ang sarili ko.

"Ikaw ba ang nag-iisang anak ni Gregor Prontineo?" seryoso at mababang tanong ni Mr. Levine. Tumango naman ako.

"Yes Sir" sagot ko habang diretsong nakatingin sa kanya.

"You are the daughter of the one who killed our precious gem"

Napaiwas ako ng tingin nang umiyak si Mrs. Levine. Ramdam ko yung lungkot at pangungulila sa mga mata niya.

"O-our Treya" umiiyak na sabi ni Mrs. Levine.

"Marami pa siyang pangarap para sa sarili at pamilya niya. Kaya naman sobra akong nasaktan bilang ina nang paggising ko, nalaman kong wala na siya" napahagulgol na siya.

Kaagad naman siyang nilapitan ni Mr. Levine at niyakap.

"Honey please, maghinay-hinay ka lang. Baka mabigla ang katawan mo"

Naikuyom ko na lang ang mga kamao ko habang nakamasid sa kanila. Alam kong sobrang sakit bilang magulang na malaman mong wala na ang isa sa mga anak niyo.

Kaya naman bigla akong lumuhod sa harapan nila dahilan para makuha ko ang kanilang atensyon.

"A-ako na po ang humihingi ng pasensya at tawad dahil sa ginawa ng ama ko. Alam kong hindi kapata-patawad ang ginawa niya but I thought na kailangan niyong makarinig ng paumanhin sa isang Prontineo. At bilang anak niya, humihingi po ako ng tawad" nakayuko kong wika.

Allured By The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon