ABTMB 28

560 16 1
                                    

Third Person's Point of View

"Poidevin is here"

Sabay na napatango si Rabiya at Miggy nang marinig nila ang sinabi ni Madame. Dumating na kasi ang kikitain nito na si Mr. Poidevin. Parehas na si Rabiya at Miggy ay nakamasid lang sa kanilang Madame para bantayan ito.

Tahimik lang silang nakamasid kay Mr. Poidevin na ngayon ay kapapasok lang ng VIP room kung nasaan sila. Nakita nila itong nagkamayan at gaya ni Madame, may mga bantay rin si Mr. Poidevin sa kanyang likuran. Ganunpaman, wala naman silang napansing kahina-hinala sa mga galaw nito.

Ang transaksyon na magaganap ay patungkol sa mga armas. May nakatakdang bilhin na armas si Madame kay Mr. Poidevin. Kung tutuusin, kaya naman niyang mag-isang lumipad papuntang France pero dahil alam niyang hindi maganda katransaksyon si Poidevin, sinama niya ang dalawa sa magagaling niyang assassin.

Kaya lang siya nakipagtransaksyon kay Mr. Poidevin dahil sadyang napakaganda at updated ang mga armas na ipinagbibili niya.

"Rabiya"

Napatingin si Rabiya sa kanyang gilid nang tawagin siya ni Miggy.

"Hmm?" tanong niya rito nang makalingon.

"Di ko pa 'to nasasabi sayo but you're still beautiful as ever. Wala kang pinagbago" bahagyang natigilan si Rabiya dahil sa sinabi nito. Akala niya ay kung ano ang sasabihin ni Miggy.

"Tsk. Akala ko naman kung ano" prenteng sabi ni Rabiya at napangisi.

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Hanggang ngayon maganda ka pa rin" dagdag pa ng binata.

"Enough Miggy. I know you. Gusto mo lang din na puriin kita" mahinang natawa si Miggy dahil sa sinabi ni Rabiya.

"I am not Rabiya. I am telling the truth. You know you are always beautiful and precious in my eyes"

Hindi alam ni Rabiya pero biglang pumasok sa isipan niya si Levine. Bigla siyang napaisip kung kumusta na ba ito. Hindi man lang siya nakapagpaalam dito dahil nga natutulog pa ito nang umalis siya. Hindi pa niya nagawang sagutin ang mga tawag nito kaya nangako siya na tatawagan na lang niya ito mamaya pagkabalik sa hotel na tinutuluyan nila.

"Whatever Miggy" napakunot ang noo ni Miggy.

"What's with the reaction? Dati kapag sinasabihan kita ng ang ganda-ganda mo sa paningin ko, natutuwa ka at kinikilig" nagsalubong ang kilay niya at napaisip.

Tama nga ito. Dati ay kinikilig siya kapag sinasabihan ng ganun pero ngayon ay para bang wala na itong dating sa kanya.

"Natuwa naman ako sa sinabi mo. Pero nasa kalagitnaan tayo ngayon ng pagbabantay kaya mamaya ka na bumanat. Okay?" napatawa na lang si Miggy.

"Still focused as always"

"Since we are in a mission, work comes first before other things"

Matapos ang pag-uusap, muli nang ibinalik ng dalawa ang tingin sa kanilang Madame. Tulad ng kanina ay nakikipag-usap pa rin ito kay Mr. Poidevin. Pero ngayon ay kaharap na nito ang mga armas na nasa isang malaking lamesa at sinusuri.

Sa kabilang banda, halos hindi na magkanda-ugaga ang tatlong bagong dating sa France.

"Tangina tapaga Treyton. Huminahon ka nga!"

Sinamaan ng tingin ni Treyton si Placido dahil sa sinabi nito.

"Fuck you. Paano ako kakalma kung alam kong kasama ni Rabiya ang hayop na lalaking yun?" banas na sabi ni Treyton habang nagmamadaling naglalakad papunta sa kanilang sasakyan.

Allured By The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon