ABTMB 20

727 19 0
                                    

"Ano ba yan Placido! Ang hina mo naman!"

"Gago! Hilong-hilo na ako"

"Mga mahihina pala kayo eh! Tingnan mo si Levine! Bagsak na rin! Wahahaha!"

Napangiwi na lang ako habang pinapanood sila Felix. Ang dinner na sinabi nila ay nauwi sa inuman. Mga hayop talaga.

Napakarami na nilang nainom kaya hindi na ako magtataka kung bakit bagsak na si Levine habang nakaupo sa sofa at yakap-yakap ang unan. Paulit-ulit pa nitong sinasabi ang salitang 'baby'. Gago. Si Placido naman ay may hawak pang dalawang shot glass at pilit na iniinom ito pero hindi man lang matapat sa labi niya. Duling na ata. At ito namang si Felix, akala niya hindi pa siya lasing pero ang totoo ay lasing na.

"They are a total mess" iiling-iling na sabi ni Granger na nasa tabi ko.

"Sino ba kasi ang nagyayang mag-inom? Hindi ba't ikaw naman?" uminom siya sa hawak niyang shot glass bago sumagot.

"Ako nga. Pero hindi ko naman sinabing maglasing sila" simpleng sagot niya.

Kaming tatlo na lang ang matino sa ngayon. Kahit medyo marami na rin akong nainom, hindi pa naman ako lasing. Mataas ang tolerance ko sa alcohol. At sa aming tatlo nila Bullet, ako ang pinakamatagal malasing.

"Wala tayong choice kundi ang dalhin sila sa mga kwarto nila" hindi ako pabor sa sinabi ni Bullet.

Sa likod ng headquarters ni Levine, may isa pang building kung saan iyon ang lugar kung saan tumutuloy ang mga tauhan niya. Marami pa naman daw bakante at maisisingit pa si Felix. Wala naman akong balak na magpalipas ng gabi rito. Uuwi ako.

"Bakit tayo pa? Nasaan ang ibang tauhan ni Levine? Ipatawag mo na lang" sabi ko kay Bullet at ininom ang natitirang laman ng baso ko.

"Come on Rabi, tulog na yung mga yun for sure. Nakakahiya naman kung guguluhin pa natin sila" napa-tsk na lang ako.

"Pero bago yun, may gusto kaming sabihin sayo" napalingon naman ako kay Granger.

"What is it?"

"Where's my baby?" napaawang ang labi ko at automatic na sinamaan ng tingin ang puwesto ni Levine. Narinig ko ang pagtawa ng dalawa kong katabi.

"Uh-oh. hanap ka na pala ng baby mo" tumatawang sabi ni Bullet.

"Shut up Bullet. Gusto mo bang sabihin ko kay Felix na ang lakas mong dumighay?" nanlaki ang mga mata niya kaya napangisi.

"Yah! Huwag kang maingay! Sa atin lang yun!" ako naman ang natawa.

"Whatever. So ano ang sasabihin niyo?"

Sandali akong natigilan nang sumeryoso ang mukha nilang dalawa.

"Tungkol ito sa natuklasan namin sa Isla Pierto" maging ako ay napaseryoso sa panimula ni Granger.

"Anong nalaman niyo?"

"Rabi mas lalo nang nagiging sakim at walang-awa ang ama mo. Gagawin niya talaga ang makakaya niya para siya ang katakutan ng lahat" sabi naman ni Bullet.

"What do you mean?"

"Habang nagmamasid kami, may dumating na isang yacht at alam kong kay Master iyon. Akala naming ang sakay nun ay ang mga katransaksyon niya pero hindi, ang laman nun ay karamihang mga bata at ang iba ay buong pamilya pa. At alam mo kung ano ang ginawa nila kanina? Walang-awa itong pinagpapapatay ng ama mo"

Hindi na ako nagulat nang malamang pinatay niya ang mga taong yun. But damn! Do he really need to kill even the innocent child? For damn sake, mga bata pa sila! Kung may atraso man ang pamilya nila sa ama ko, hindi nila kasalanan yun!

Allured By The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon