ABTMB 15

736 20 0
                                    

"Is he still not awake?"

"Hindi pa Rabi. Kalma ka lang okay? Nakailang beses ka nang tanong niyan. Gigising na rin si Treyton. Sure kami doon"

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Granger. Dito ko sa headquarters niya dinala si Levine. Dito mas safe siya. Nadatnan ko kanina ang Uncle daw nito na nagngangalang Elvis. Siya ang umasikaso kay Levine nang malamang may tama ito.

Tatlong oras na ata simula nang madala ko rito si Levine pero hanggang ngayon wala pa rin siyang malay. Marami-raming dugo ang nawala sa kanya kaya kailangan niya pang masalinan.

"Akalain mo yun, yung pagyaya ng dinner ni Treyton nauwi pa sa engkwentro" sinamaan ko ng tingin si Felix.

"Kasalan niyo 'to. Kung hindi niyo siya inutusan na yayain ako, hindi siya madadamay sa gulo ko" may diin na sabi ko. Pero itong si Placido na nasa tabi ko lang, inakbayan ako.

"Nag-aalala ka ba kay Treyton?" napaawang ang labi ko sa tanong niya kaya naman siniko ko ang tagiliran niya ng malakas dahilan para matanggal ang pagkaka-akbay niya sa akin.

"Shit! Ang sakit nun ah!"

"Gago ka kasi"

"Hahaha! Nagago ka pa nga" sabi ni Bullet kay Placido.

Bullet and Granger have their real names. Sadyang nasanay lang ako na yan ang itawag sa kanila dahil iyan ang ginagamit nilang pangalan sa Mafia. Their real names are, Xierra Montano for Bullet and Zearrieh Villanueva for Granger.

"Malay ba namin kasing may lakad ka pala at nagkataon na may nakasagupa pa kayo" binalingan ko ng tingin si Bullet.

Naikuwento na rin sa kanila ang nangyari kanina. Madaling araw na pero ito, mulat na mulat pa rin kami.

"Pero wala ka ba talagang ideya kung sino ang lalaking nakita mo?" umiling ako sa tanong ni Granger.

"I never seen him before. Kanina lang talaga"

"Hindi mo ba siya naging kliyente dati? O di kaya naman dating target na hindi mo napatay?" si Placido naman ang nagsalita.

"Wala akong kliyenteng ganun ang itsura. Atsaka kung may target ako, sinisigurado kong mapapatay ko ito" nginisian na lang ako ni Placido.

"Sabagay. Ikaw nga pala si Slayer"

Nagkibit-balikat na lang ako.

Ang lahat ay napatingin sa bukana ng pintuan nang pumasok si Mr. Elvis Borromeo sa kuwarto kung nasaan kami.

"He's already awake" napatayo ang lahat bukod sa akin dahil sa sinabi niya. Para akong nakahinga ng maluwag nang malaman kong gising na siya.

Sabagay. He's a Mafia boss. Tagiliran lang ang tama niya. So why would I worry?

"That's good to hear. I should leave then" sabi ko at tumayo na. Yun lang naman ang hinihintay ko, ang magising siya. Napatingin naman silang lahat sa akin.

"Ha? Aalis ka na? Hindi mo pupuntahan si Treyton? Akala ko bang nag-aalala ka sa kanya?" agad kong sinamaan ng tingin si Placido.

"Shut up Placido. Hindi ako nag-aalala sa amo mo" saad ko dahilan para mapangisi silang lahat.

"Oh. Someone's in denial" nahampas ko si Felix sa braso dahil sa sinabi niya.

"Dadagdag ka pa" iritado kong sabi at tumingin ako kay Granger at Bullet.

"You two. Come with me" napataas ang dalawa nilang kilay.

"Ha? Sasama kami sayo?" takang tanong ni Bullet.

Allured By The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon