Epilogue

835 14 0
                                    

Maaga akong nagising dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana ng kuwarto ko. Pagbangon ko, nag-unat ako ng katawan at dumiretso sa banyo para magsipilyo. Pagkatapos kong magsipilyo, lumabas ako ng kuwarto.

"Good morning Cali!" napangiti ako nang akbayan ako ni Ate Margaux.

"Good morning too Ate Margaux" nakangiting bati ko.

"Halika puntahan natin si Kuya Clint. Gisingin na natin dahil malapit na tayong malipasan ng gutom" Tinanguan ko siya at naglakad kami papasok sa kuwarto ni Kuya Clint. Pero bago pa kami tuluyang makapasok, bumukas ang pinto at lumabas na rin si Kuya Clint.

"Oh ano na namang balak niyo? Bakit kayo nasa harapan ng kuwarto ko?" poker-face na tanong niya.

"Of course gigisingin ka. Pero himala ah, nakabangon ka na. Ayaw mo bang makiliti?" mapang-asar na sabi ni Ate. Tuwing ayaw kasing gumising ni Kuya Clint, kiliti lang ang solusyon.

"Ang sakit kaya ng kuko mo! Magputol ka nga!" napatawa na lang ako.

"Duh! Fake nails ang mga ito! Fake nails! I really can't believe na kilit lang ang magpapatiklop sayo. Bwahahaha!" napaawang ang labi ni Kuya Clint.

"Ah ganun pala ha. Oh ito kiliti" napatili si Ate nang mag-umpisa na siyang kilitiin ni Kuya Clint.

"Cali halika rito!" nanlaki ang mga mata ko nang ako naman ang target-in ni Kuya Clint.

"Teka sandali! Kagagaling ko lang!" malakas kong sabi kaya napatigil siya at napaisip.

"Hmm. May point ka------" hindi ko na napigilan ang matawa dahil nagpapalusot lang naman ako. Sa totoo lang, maayos na ang nararamdaman ko. Sapat na ang ilang linggong lumipas para sa paghilom ng mga sugat ko at pagpapagaling ng katawan ko.

"Cali! Bakit mo tinatawanan ang Kuya mo? Halika nga rito!" napatakbo na lang ako pababa ng hagdan dahil hinabol ako ni Kuya Clint. Nakita ko si Daddy na papunta sa may kusina kaya tumakbo ako papunta sa kanya at yumakap.

"Dad oh, si Kuya. Ang aga-aga nangingiliti" sumbong ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Kuya.

"Ang aga-aga nag-aasaran na naman kayong tatlo" nakangiting sabi ni Daddy.

"Lambingan lang naman Daddy" sabi ni Ate.

"Glad to see you all happy. Pero sa ngayon, tama na muna ang lambingan at mag-almusal na tayong lahat"

Sa totoo lang, sa mga araw na nakalipas, ang saya ko. Wala na akong ibang iniisip at kasama ko ang totoo kong pamilya. Hindi sila mahirap pakisamahan. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila para sa akin at mabilis ko rin silang nakaclose. Ang sarap lang sa pakiramdam na kasama ko na sila.

Ilang oras ang nakalilipas, nakatambay lang ako sa veranda at nagbabasa ng kung ano. Tinabihan ako ni Kuya Clint.

"Hindi ka ba susunduin ng boyfriend mo ngayon?" isinara ko ang binabasa ko at tiningnan siya.

"Ako ang pupunta sa kanya" sagot ko na nakapagpakunot ng noo niya.

"What? Bakit ikaw ang pupunta sa kanya? Sinabi niya ba yan? Hayaan mong siya ang pumunta dito" mahina akong natawa.

"Ako ang nagsabing ako ang pupunta sa kanya. Maging mabait ka naman kay Treyton" ngumuso siya.

"It's just that, hindi ko siya nakilatis bago naging kayo" napangiti ako.

"Kuya Clint, he's a good man kaya wala kang dapat problemahin" napabuntong hininga siya.

"Basta ba huwag ka niyang sasaktan" napakrus ako ng braso.

"Sa aming dalawa, mukhang ako pa itong mapanakit"

Nang dahil kay Kuya Clint, nakilala ko sila. Mas okay na rin pala yung nabangga niya ako dati. Dahil iyon ang naging tulay para makita at makasama ko sila.

Allured By The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon