ABTMB 19

706 19 0
                                    

Wala pa rin bang sumasagot? aligaga kong tanong kay Felix habang nagdadrive.

"Hindi ko mareach ang number ni Treyton maging si Granger and Bullet. Sinubukan ko na ring contact-in si Placido pero wala rin. Pero teka sandal, ano bang nangyayari? Bakit bigla mo na lang akong binigyan ng baril at pinasakay dito sa sasakyan mo?" naguguluhang tanong niya.

"We're going to Pierto"

"Alam mo yun?" tipid akong tumango bago ako lumiko sa daan.

"That's my father's private island" nakita ko na bahagya siyang natigilan.

"Holy shit. Sinasabi mo bang pumunta sila sa private island ng dad mo?"

"Ano pa nga ba? Kaya contact-in mo na sila dahil hindi nila alam ang mga seguridad sa isla na yun. Walang masyadong alam si Granger at Bullet sa isla na yun dahil ni minsan ay hindi pa sila nakapunta doon"

Sadyang alam lang nung dalawa kung saan ang lokasyon ng Isla Pierto.

"Tangina! Si Bullet!" kaagad na napakunot ang noo ko.

"Si Bullet? Bakit? Anong nangyari kay Bullet?" agad ko namang tanong.

"A-ah. Hindi. Nag-aalala lang ako dahil baka may mangyari sa kanya" sandali akong natigilan pero napangisi rin.

"Is there's something going on between the two of you?" tanong ko.

"W-wala no! Masama bang mag-alala? Hindi naman ah" napangiti na lang ako ng nakakaloko.

"Okay. If that's what you say so"

Hanggang sa makarating kami ni Felix sa pier, wala siyang nacontact ni isa. Binigyan ko siya ng mask and cap para suotin pagkatapos ay nagpunta kami sa nagbabantay. Balak ko na sanang magrequest ng bangka or speed boat nang maaninag ko ang dalawang speed boat na papalapit dito sa daungan.

"Sir can I borrow your telescope?" tanong ko sa nagbabantay rito.

"Sige po ma'am"

Nang makuha ko ang telescope, inaninag ko kaagad kung sino ang mga nakasakay sa speed boat. Gabi na kaya hindi ko medyo makita kung sino sila kaya kailangan ko oang gumamit ng scope.

At para akong nakahinga ng maluwag nang makita ko kung sino ang mga nakasakay doon. Sa isang speed boat, ang nakasakay ay si Placido at Granger at sa isa naman ay si Levine at Bullet.

"Ano Rabiya? Sila na ba yan?" tanong ng katabi ko at mabilis naman akong tumango.

"Ayos naman ba sila?" liningon ko siya.

"Easy Felix. Ayos lang siya" ngising sabi sagot ko sa kanya. Nakita ko na lang na napaiwas siya ng tingin. Looks like he's interested on her.

Muli akong sumilip sa telescope at lihim na lang na napangiti nang makita kong ayos lang talaga sila. Ibinalik ko na lang ang telescope sa tagabantay.

"Felix let's go" mahinang sabi ko kay Felix.

"What? Aalis na tayo? Hindi man lang ba tayo magpapakita sa kanila?" takang tanong niya.

"Nah. Tara na"

Pero imbis na sumunod, ang walanghiya kong pinsan ay sumigaw pa.

"Guys! Nandito kami!"

Gusto ko siyang suntukin dahil sa ginawa niya. Tinanggal pa niya ang cap at mask niya. Nakarating na rin sa mismong daungan ang dalawang speed boat at mula sa kinatatayuan ko, nakita ko ang pagkabigla sa kanila nang makita nila si Felix.

Malapit lang sila sa puwesto ko kaya naririnig ko pa sila.

"Felix? Anong ginagawa mo rito?"

I don't know why pero nakaramdam na naman ako ng kakaiba nang marinig ko ang boses niya. Goddamn it.

Allured By The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon