ABTMB 55

471 15 3
                                    

Napadaing ako at napadura ng dugo nang malakas akong sipain ni Armando sa sikmura. Tumalsik ako sa may pader at naramdaman ko pa ang hapdi sa aking likuran.

"Felix!" kahit na namimilipit ako sa sakit ng katawan, nagawa ko pang sumigaw nang si Felix ay saktan nila.

Naiinis ako. Nagagalit. Kung wala lang akong tali, kayang-kaya ko silang palagan. Pero sa pagkakataong ito, parehas kami ni Felix na walang laban. Naikuyom ko na lang ang kamao ko nang tadyakan ni Griego si Felix.

He don't deserve to be called a Dad. He's never been my father. He don't deserve a child.

Hinawakan na siya sa buhok si Felix na para bang sinasabunutan at maloko siyang tumingin sa akin.

"Want me to repeat the history Rabiya?" bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Umiling-iling ako.

"Please. Hurt me instead. Just hurt me" nagsalubong ang kilay niya.

"Ano bang meron sa lalaking ito at gusto mo siyang iligtas? Hindi naman kayo magkaano-ano. Hindi naman kayo magkadugo" kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.

Si Felix at ang pamilya niya ang kumupkop sa akin dati. Noong mga panahong tumakas ako dahil sa pagmamalupit niya. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko alam kung saan na ako napadpad. Malaki ang utang na loob ko kila Felix dahil inalagaan nila ako at itinuring na parang pamilya. At mas lalong hindi ko gugustuhin na mamatay si Felix sa mga kamay ni Griego.

"Please. Stop hurting him" wala na akong ibang magawa kundi ang magmakaawa.

"R-rabiya. I-it's fine. I-I am fine" naluha na ako nang makita ko ang mukha ni Felix na pinilit na ngumiti.

Naikuyom ko ang mga kamao ko. Pilit kong ginalaw-galaw ang kamay ko na nagbabakasakaling lumuwang ang tali na nakatali sa akin. Pero natigil ako nang bigla akong sampalin ni Armando. Nasundan pa iyon ng isa pang tadyak na siyang nakapagpatalsik sa akin. Napaubo ako ng dugo.

"Master anong gagawin ko sa kanya?" pagtukoy sa akin ni Armando.

"Beat her to teach her a lesson. But make sure she's still alive. Ako na ang bahala sa isang 'to" ani niya at hinampas si Felix.

"Noted Master" and with that, Armando start to beat me.

Puro daing at mura na lang ang magawa ko. Ramdam na ramdam ko rin ang pagkirot ng katawan ko sa bawat tadyak, suntok, ay sampal na nakukuha ko. At tila ba mas dumoble ang sakit nang makita ko si Felix na nanghihina na rin.

Please hold on Felix.

Napapikit na lang ako nang tumama ang likuran ko sa pader dahil sa pwersa ng pagtulak sa akin ni Armando. Napaluha na lang ako dahil sa sobrang sakit ng katawan ko. Tila ba nagmanhid na ito. Pagbukas ng mga mata ko, akmang hahampasin na naman ako ni Armando nang pigilan siya ni Griego.

"That's enough. Sumama ka muna sa akin Armando. Nakatanggap ako ng mensahe na may kakaibang napansin ang mga tauhan ko" napatingin ako kay Griego dahil sa sinabi niya.

Anong kakaiba?

Could that be... them?

Para bang bigla akong nabuhayan dahil sa naisip ko. Hindi malabong pumunta sila rito lalo pa't hindi natuloy ang plano ko. Alam kong magtataka sila gayong hindi ako nagpakita sa kanila ngayong gabi gaya ng plano ko.

Walang ano-ano'y lumabas sila ng kuwarto. Kaming dalawa na naman ni Felix ang naiwan. Ang pinagkaiba lang, ngayon ay may ilaw na. Nakalimutan ata nilang patayin. Kahit na kumikirot at masakit ang katawan ko, gumapang ako palapit kay Felix na ngayon ay nanghihinang nakahiga sa lapag.

Allured By The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon