PH4 #42: VIENN

8.9K 712 167
                                    

Typos and grammatical error ahead!!!!











¤¤¤
VIENN POV:
¤¤¤

"Hey! Dahan dahan lang. Para naman kitang aagawan." Sita ko sa kanya habang nasa hapag na kami at ang gana niya kumain kahit na kaninang nagising siya ay nanghihina siya at walang kagana ganang dumulog sa hapag.

Hirap ko pa siyang niyaya na lumabas ng silid kahit na puro kurot at hampas na ako kanina habang pinipilit siyang pakainin pero ngayon.....

Naiiling na pinagmamasdan ko siya habang kumakain at nilalantakan ang sinigang na baboy at sarap na sarap sa paghigop ng sabaw nito.

"Hmmmp! Bakit ba?" Matalim na tumingin siya sa akin ng mag angat siya ng mukha mula sa kinakain. "Sa gusto ko ung sinigang. Saka kung kailan maayos na ang pakiramdam ko pinapatigil mo ako kumain?" Galit na sagot niya at talagang sumimangot siya.

"Hindi naman kita pinapatigil. Sinabi ko lang na maghinay hinay ka. Baka mamaya pagkatapos mong kumain magduduwal ka na naman. Sinabi pa naman ni Kanye na hindi ka pa dapat uminom ng gamot hanggat hindi ka niya nachi-check."

Muli siyang napasimangot. Hindi na sumagot pero muling pinagtuunan ng pansin ang kinakain.

"Oh! Ayan. Baka gusto mo lang naman na subuan kita. Oh. Ahhhh." Sabay lapit ng kutsara na may sabaw sa bibig ko.

Awtomatikong bumuka naman ang bibig ko at hinigop iyon.

"Diba ang sarap?" Tanong pa niya sa akin at muling akong sinubuan. "Ahhh."

"Oo na. Oo na. Kumain ka na para hindi ka na magmaktol dyan." Sabi ko na lang.

Ngumiti na siya na muling hinarap ang kinakain.

Ako naman ay muling nailing na hinarap na din ang kinakain ko. Nakakaaliw na hindi ko mawari kung bakit nagugustuhan ko ang pagmasdan siya kahit pa man lagi ko na siyang nakikita.

Akala ko talaga noon na huhupa ang pagkawili ko sa kanya pero mas lalong lumalim ang nararamdaman ko at mas gusto ko na siyang laging kasama.

At ngayon...

"Huminga ka naman sa paghigop." Muli kong sita. "Kumain ka ng kanin. Para hindi puro sabaw ang kinakain mo."

"Kumakain naman ako ah. Di mo ba nakikita."

"Nakikita pero ang liit naman."

"Basta kumakain na ako. Kumain ka na lang kaya."

At hindi ako naiinis na sumasagot siya sa akin na lagi kong nararamdaman kapag nagiging dimanding na ang nalilink sa akin.

"Okay! Basta huwag mo akong dradramahan mamaya. Huwag mong pilitin kapag busog ka na. May bukas pa para kumain."

"Oo na."

"Good little hamster. Sige na. Kumain ka na." Saka ko na rin ipinagpatuloy ang pagkain ko.

¤¤¤
¤¤¤

"Umusad ka naman." Sabay tulak sa akin ng nakaupo ako sa gitna ng mahabang sofa sa sala.

Matapos kumain ay tumambay na ako sa sala habang naghihintay sa kanya na matapos maligo.

✅Vienn Anderson - POSSESSIVE HEIRS 4 [BXB][MPreg]Where stories live. Discover now