PH4 #7: Vienn

11.8K 599 65
                                    

Typo and grammatical error ahead!!




# 7_Vienn





Nakita ko sa mga mata niya ang paghanga ng maiparada ko ng maayos ang kotse ko sa garahe ng bahay.

Dinala ko siya sa ngayon dito sa A.Place para ipalinis lang ang ilang silid. Kasi parang gusto ko naman kahit na ngayon lang na bungaran ng maaliwalas na paligid ang bahay ko ng bagong taon.

Hindi kasi ako nagpapa stay ng katulong sa bahay dahil minsan lang naman ako umuwi dito at sa condo ako naglalagi. At bihira lang akong pumunta dito at kung may mga gathering lang na gaganapin. Gaya ngayon. Bagong taon na.

Taon taon kasi na dito kami lahat nag cecelebrate ng bagong taon at sa bahay ng lolo iyon gaganapin na isang masaganang fireworks display na pasasalamat sa buong taon.

So iyon na nga.

Muli kong itinuon ang pansin sa kanya na ngayon ay napasimangot na naman na napatingin sa akin dahilan para hindi ko mapigilan ang mapangiti.

Ewan ko ba?

Pero halo halo ang pakiramdam ko kapag nakikita ito.

May pagkairita dahil sa kadaldalan niya. Pero may pag kaaliw din kapag nakikita kong naiinis siya.

Well, he is cute. Yeah! A cute indeed lalo na kapag nag pa-pout siya ng labi.

Napalunok ako dahil sa huling katagang naisip ko at napatingin ako sa labi niya na kani kanina lang ay dinampian ng labi ko.

Naipilig ko ang ulo ko.

Nevermind.

"Bumaba ka na diyan." Utos ko dito. "At hindi mababawasan ang atraso mo sa akin kung hindi ka maglilinis ngayon sa bahay ko."

"Ayaw ko. Saka may atraso ka din sa akin. Ninakaw mo ang unang halik ko." Pasigaw na sagot niya sa akin.

Bahagya akong natigilan pero hindi nagtagal ay napangiti na naman ako. At dahil sa pagkaaliw ko na habang nakapout parin ang labi niya ay lumapit ako sa kanya ng matanggal ko ang seatbelt ko.

"What?" Pinanlakihan pa niya ako ng mata at bahagyang napaatras ng upo at lumiyad para hindi madikit ang mukha ko sa mukha niya.

"Kapapanganak mo lang ba noong isang araw at wala ka pang nakahalikan?" Ngising tanong ko at hinuli ko ang baba niya para mapatingin siya sa akin ng deretso.

"Ano?" Paangil na tanong niya at iwinaksi ang kamay ko.

Mabilis ang naging kilos niya. Inalis ang seatbelt at walang babalang bumaba ng kotse at naglakad na sa pinakamaindoor ng bahay.

Napangiti na lang ako lalo ng marining ko ang sigaw niya.

Isa, dalawa.

At heto na. Muling sumakay ng kotse at pabalibag pa talagang isinarado ang kotse.

"Ahhhh." Nagulat pa siya ulit at napayakap sa akin ng biglang dumungaw sa may bintana ang malaking aso na alaga ko.

"Ano yan? May bayad pa naman ang pagyakap sa akin. Idadagdag ko ba sa atraso mo iyon?" Nakangisi ako ng tumingin siya sa akin patingala na agad ding itinulak ng mapagtanto na nakayakap siya sa akin.

"Bakit di mo sinabi na may aso ka pa lang alaga. At hindi lang basta aso. Oso ba iyon? May aso ba talaga na ganun kalaki?" Sunod sunod na naman na pagtatalak niya.

"Yeah! Bakit ka kasi bigla na lang bumaba at nagpunta doon at hindi ako kasama. Kumakain pa naman ng mga bata yan."

"Hoy! Hindi ako bata."

✅Vienn Anderson - POSSESSIVE HEIRS 4 [BXB][MPreg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon