PH4 #46: Vience

7.5K 583 36
                                    

Typos and grammatical error ahead!!!!






○♡○♡○
VIENCE POV:
○♡○♡○

Hindi ko naman gusto na paghilian siya kaya naiinis ako sa sarili ko dahil kahit pinipilit ng utak ko na hayaan ko siya sa gusto niya ay hindi nakikiayon ang kagustuhan ng katawan ko o ng pakiramdam ko na hindi siya nakikita.

Oo, itinutulak ko siya palayo dahil iyon ang nasa isip ko pero nakakaasar dahil agad ko din siyang hinahanap kung wala na siya.

"Waaaaahhh." Sigaw ko at umiiyak na naman ako dahil nagsimula na namang bumaliktad ang sikmura ko. Pinipigilan ko pero hindi ko kaya dahil sa tuwing pipigilan ko ay mas lalong sumasama ang pakiramdam ko. "Hu hu hu." Alam ko na para na akong bata pero anong magagawa ko.

Sa paglilihi ko ay sadyang naging mahina ako kahit na gusto kong baliwalain.

"Missy.. huminahon kayo." Si Lilian na alanganing lumapit sa akin dahil ayaw ko sa kanya simula ng naglihi ako. Gusto ko si Vienn lang na siyang kinaiinisan ko.

"Get out.." sigaw ko. "Urrgh." Pero naduwal na naman ako at umiiyak na hawak ang maliit na palangganang sumasalok sa laway na nilalabas ko.

Ang pait sa panlasa ko at ang sakit pa sa sikmura. Sa ulo ko. Tapos di pa ako makahinga ng maayos dahil sa sipon ko.

"Ahhhhh. Hu.. hu.. hu.." iyak ako ng iyak habang patuloy sa pagduduwal. Kung nandito lang si Vienn ay agad mawawala ang sama ng pakiramdam ko pero iniwan parin niya ako. Mas mahalaga ang pag alis niya kaysa alagaan ako. "Waaaah..."

"Missy... tahan na. Lilipas din iyan. Baka pauwi na din ang 5th young master. Baka nandyan na siya." Pag co-comfort pa nito sa akon pero balewala iyon dahil hindi gumagaan ang sama ng pakiramdam ko.

"Ayaw kitang makita. Ahhhh. Get out." Pataboy na sigaw ko. Kalabisan man at wala akong karapatang manigaw pero wala siya sa sestema ko para maging kaibigan ngayon. I don't like others. I only like Vienn now.. "hu hu hu.."

Isang oras na mahigit na wala siya na hindi siya tanaw ng mata ko kaya naiinis na ako. Gusto kong magwala. Bakit ba ako pinapahirapan ng paglilihi ko.

Akala ko talaga ay ganun kadali ng makita ko ang asawa ng pinsan niya na buntis pero ngayon....

Hindi naman sa nagsisisi ako pero dapat napaghandaan ko kung alam ko lang na pwede din pala ako mabuntis.

"Wahhhhh.. urgh..." nakayuko sa palanggana at nagduwal na naman. Sinisipon. Lumuluha. Naglalaway. Kaya hindi ko na alam kung ano na ang hitsura ko ngayon.

Hagard na hagard na ako.

"Hey!." Mabilis na napaangat ang mukha ko mula sa palanggana ng marinig ko ang boses niya.

Mas nahagulgol ako ng iyak na parang bata kaya naman agad niya akong nilapitan at masuyong tinatapik sa likod ko.

"Nandito na ako. Relax okay. I told you not to cry when you are vomiting. Mas sasama ang pakiramdam mo diyan." Pangaral niya.

Simula noong malaman naming naglilihi kami ay ramdam ko na totoo ang ipinapakita niyang pag aalala sa akin.

Syempre.. dinadala ko ang magiging anak niya. Naming dalawa. Kaya naging mabait siya sa akin.

✅Vienn Anderson - POSSESSIVE HEIRS 4 [BXB][MPreg]Where stories live. Discover now