PH4 #36: Vience

8.5K 574 79
                                    

Typos and grammatical error ahead!!




¤¤¤
VIENCE POV:
¤¤¤

"Hi."

Kunot ang nuo ko na tinignan ang lalaking lumapit sa akin sa kung saan ako madalas magmuni muni sa loob ng cafe habang nagmamasid lang sa paligid.

Wala kasi si Vience dahil may undercover na naman siyang hinawakan.

"Hello." Ganting pagbati ko. Para kasing namumukhaan ko ito pero hindi ko naman matandaan kung saan ko ito nakita.

"Remember me?"

Umiling ako bilang sagot dahil iyon naman ang totoo.

"I'm General Baker."

"Ikaw ang sundalo na palaging nagnagkakape dito?" Tanong ko. Hindi kasi ito nakauniform gaya ng lagi ko itong makita.

"Yes."

"Okay! Maupo ka." Alok ko dito. Dahil kanina pa ito nakatayo.

"Thank you. Hindi ba magagalit ang boyfriend mo?" Sabi pa nito pero naupo din naman sa tapat ko.

"Si Vienn ba?" Tanong ko kahit alam ko naman na siya ang tinutukoy nito.

"Vienn pala ang pangalan ni DG Anderson."

"Yup. And I'm Vience. Magkatunog lang ang pangalan namin." Nakangiti kong sagot saka ako tumingin sa kabilang panig ng kalsada kung saan sa kinauupuan ko ay kitang kita doon.

"Oh! And I'm Arnold. Nice to meet you cutie." Sabay lahad ng kamay nito.

Natigilan ako dahil sa cutie na tawag nito sa akin. Naalala ko anh mga bulaklak na hindi parin tumitigil sa pagdating kada umaga na laging ikinaiinis ni Vienn.

Cutie din kasi ang nakasulat sa mga note na nakalagay sa mga iyon.

"I-ikaw ba ang nagpapadala ng bulaklak sa akin?" Alanganing tanong ko dito. Baka kasi nagkamali ako ng hinala ko at mapahiya pa ako. Baka isipin pa niya na masyado naman yata akong tiwala sa sarili ko dahil hindi naman ako babae.

Ngumiti ito na may kasamang pagtango. "Pasensya na. Hindi ko kasi alam kung paano kukunin ang pansin mo. Pero nabuksan mo na lang din ang tungkol doon. Sana nagustuhan mo ang mga bulaklak na bigay ko."

"Okay! Pero huwag ka na lang mag abala. Nasasayang lang din eh." Sagot ko naman dahil iyon naman ang totoo.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nagustuhan ko naman ang mga iyon. Pero.. huwag mo ng abalahin ang sarili mo at magsayang ng pera para sa bulaklak. Masasayang lang." Sabi ko kaysa sagutin ang sagutin ito.

"Hindi ba pwedeng bigyan ang isang tulad mo?"

"Huh!"

"O sadyang hindi na pwede dahil totoo ang hinala ko na boyfriend mo na nga si DG Anderson."

"H-hindi ko siya boyfriend." Agad na sansala ko. Ewan ko lang kung ano ang relasyon namin pero siya na din ang nagsabi na we are just friend. And friend with benifits na parehong nagkakasundo sa bagay na iyon.

"See. Hindi mo siya boyfriend. Kaya,,,, papayagan mo ba akong manligaw sayo?"

Napatitig ako sabay napalunok.

✅Vienn Anderson - POSSESSIVE HEIRS 4 [BXB][MPreg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon