PH4 #25: Vienn & Vience

9.7K 628 106
                                    

# 25_VIENCE & VIENN

Typos and grammatical error ahead!!






¤¤¤
VIENCE POV:
¤¤¤

"Ano ito? I mean ano ibig sabihin nito?" Tanong ko kay Vienn kinabukasan ng muli akong sumama sa pagpasok niya ng pulisya.

Hinila niya ako sa tapat ng maliit na kainan.

No! Hindi na kainan dahil tinatanggal na lahat ng gamit sa loob.

"Bakit? Anong gagawin dito? Hindi na ba ito magiging kainan?" Tanong ko pa ng hindi niya ako sinagot.

"Hindi na." Nakangiti nitong sagot bago humarap sa akin.

"Bakit?"

"Nandito pala kayo boss." Napalingon ako ng marinig ko ang matandang may-ari ng kainan.

"B-bakit po kayo aalis?" Hindi ko mapigilang tanungin. "Di wala na kaming kakainan. Araw araw pa naman akong paparito?" Dagdag ko pa na nakapagpatawa dito ng mahina.

"Uuwi na kasi ako probinsya hijo. Dahil nandoon ang pamilya ko. Pasalamat nga ako dito kay Boss Vienn dahil siya lang ang nag offer sa akin ng malaking halaga para bilhin ang maliit na pwestong ito."

"B-binili mo?" Baling ko sa kanya na tinanguan niya bilang sagot.

"Marami kasing gustong bumili nito pero wala akong mapagbentahan sa kanila dahil napakamura ng gusto nilang kabayaran."

"Okay po."na sinabayan ko ng tango. "Magtitinda ka din ba?" Tanong ko pa sa kanya ng balingan ko ulit. "Gagawin mo din ba itong kainan? Mag nenegosyo ka din ba dito?"

"Haha! Ang dami mo na naman tanong."

"At anong nakakatawa doon. Hindi naman masama ang magtanong."

"Oo nga. Pero wala lahat sa mga sinabi mo ang dahilan kung bakit ko ito binili."

"Sige hijo. Boss, mauuna na ako. Ipapakuha ko na lang ang mga iba kong gamit na naiwan dito mamaya."

"Sige mang Carlo."

Napatingin ako sa loob ng maliit na kainan na ngayon ay wala ng laman dahil inilabas na lahat iyon.

"Pero bakit mo naman binili ito kung hindi mo pala gagawing kainan?"

"My little hamster. Ang dami mong tanong. Pumasok ka na lang tapos tignan mo ang loob at sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mong style ng magiging opisina mo and right away ipapagawa ko." Mahabang sagot niya pero halos wala namang ibang tumatak sa isip ko maliban sa salitang opisina ko daw.

"Opisina mo." Pang uulit ko pa.

"Opisina mo."

"Opisina mo?"

"Opisina mo. Ikaw! Magiging opisina mo ito habang nag naghihintay ka ng maisusulat." Sagot nito sa akin. "I already contacted your boss at makakapagtrabaho ka na ulit sa kanya. Pero hindi mo kailangang pumunta doon. Just pass it through email."

Hindi ko mapigilan ang mapakunot ang nuo habang titig na titig sa kanya. Ilang sandali pa ay tinaasan ko siya ng kilay at awtomatikong kumilos ang kamay ko at kinurot ko siya sa braso.

"Awwww. Ano ba Vience?" Napangiwi siya at bahagyang lumayo sa akin.

"Pinagluluko mo ako."

"Sinabi ko sayong hindi ako nagluluko at hindi ako nagsusinungaling maliban sa pagkatao ko. At ang lahat ng sinabi ko at totoo. Kaya pwede ba. Tigilan mo ang pangungurot sa akin. Nakakadami ka na talaga."

✅Vienn Anderson - POSSESSIVE HEIRS 4 [BXB][MPreg]Where stories live. Discover now