PH4 #58:

7.5K 567 163
                                    

Typos and grammatical error ahead!!






¤¤¤
VIENCE POV:
¤¤¤

Nakakagaan ng pakiramdam na hindi ko na kailangang itago ang nararamdaman ko para sa kanya at magkonwaring balewala lang lahat ng effort na ipinapakita niya.

Nagsimula kami sa na parang aso't pusa. At kahit na ako ang mapanakit sa aming dalawa ay hindi niya ako pinatulan o di kaya naman pinagbuhatan din ng kamay.

Hinayaan lamang niya ako. Kahit na milyon ng kurot at sipa o hampas pa ang binitawan ko ay tinatanggap lamang niya iyon.

Naisip ko tuloy... doon ba naipapakita na kahit na sinasaktan ka na ay hinahayaan mo na lamang kung iyon naman ang makakapagpasaya sa taong mahal mo.

Kung magkaganun man.. ibig sabihin nun ay noon pa niya ako natutuhang mahalin na nitong nakaraang buwan lang niya inamin na ngayon ay nabigyan na din ng tugon dahil tinaggap ko ng mahal ko din siya.

Pero... handa nga ba talaga siyang i-give up ang ranggo niya para sa akin? Para sa amin ng mga magiging anak namin?

So totoo lang ay talagang ayaw ko ng trabaho niya. Natatakot ako para sa kaligtasan niya. Hindi sa gusto kong ipagkait sa kanya ang trabahong iniingatan niya pero.. ayaw kong mapahamak siya.

Sa mga panahong kasama ko siya ay nasaksihan ko ang bawat natamo niyang sugat. Mga tama ng baril na talaga namang hindi maiiwasan lalo na at siya mismo ang nangungunang sumusugod kaysa sa mga kasama niya. At iyon ang isa sa pinakaayaw ko kaya nagdadalawang isip ako ng umamin siya sa akin habang nagkukunwari akong natutulog.

"Mi amore." Napakislot ako ng bigla siyang sumulppt mula sa likuran ko. Iniyakap ang kamay sa paywang ko na masuyong humaplos sa umbok ng tiyan ko. Idinantay ang baba sa balikat ko na may kasamang pasinghot sa leeg ko at halik.

"Huwag mo nga akong gugulatin." Kunwari ay nainis ako na sinamahan ng mahinang tampal sa nuo niya.

"Awwww! Mapanakit talaga ang mahal ko. Hmmmm." At mas pinanggigilang akong halikan sa pagitan ng leeg at balikat ko.

Bahagya akong napapikit. Nilasap ang kakaibang sarap ng paglalambing niya.

Iniwan kasi niya ako kasama si Lilian ng sundan sina Mang Roger at ang ahas na Aldrin na iyon.

Gusto ko man sana talagang araw araw na sumama pero nakiusap siya sa akin na manatili na lamang ako dito sa kubo dahil talaga namang may kalayuan ang lugar kung saan nakatayo ang naturang maliit na paaralan nila na hindi naman ako pwedeng sumakay dahil malubak talaga ang makipot na daan papunta doon.

"Hmmp! Lagi mo kasi ako iniiwan.. tapos kasama mo pa ang ahas na iyon."

"Mi amore naman.. wala namang masama sa pagbabantay ko kay Aldrin.. trabaho lamang mi amore.."

"Hmmp."

"Di ko pala nasabi sayo.. this is my last mission.. ang bantayan ang anak ng presidente at protektahan siya..."

Kunot ang nuo kong humarap sa kanya.. last mission? Totoohanin ba niya ang pag alis sa kapulisan?

"Minsan sinabi mo sa akin.. na ayaw mo ng trabaho ko... kaya naisip ko na.. kaya ayaw mong tanggapin ang pagmamahal ko sayo ay dahil sa trabaho ko.. kaya nagpasya akong... magretire ng maaga para sa ikatatahimik ng relasyon natin.. ayaw ko ng mag aalala ka palagi sa akin." Ang isang kamay na masuyong humahaplos sa pisngi ko.

✅Vienn Anderson - POSSESSIVE HEIRS 4 [BXB][MPreg]Kde žijí příběhy. Začni objevovat