PH4 #9: Vience

10.1K 609 51
                                    

Typos and grammatical error ahead!!

# 9_Vience

Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ko na nasa ibang bahay pala ako.

Damn me!

Napasarap yata ako ng tulog dahil ng tignan ko ang orasan ay pasado alas onse na ng umaga. Yata!! Napasarap nga ako ng tulog.

Ikaw ba naman ang matulog sa komportableng kama at tahimik na kapaligiran. Paanong hindi ako makakatulog ng maayos. Pero hindi na mahalaga iyon sa ngayon. Dahil hindi dapat ako makaramdam ng kapayapaan sa hindi ko naman bahay.

At bakit hindi man lang niya ako ginising o sinita. Binulabog para magising ako ng umaga.

"Dan Bautista." Muli ay sigaw ko na naman. Wala akong pakialam kung nakakbulahay na ako sa buong bahay. Tutal naman siya lang naman ang tao sa loob.

Umalis ako sa kama. Nagtungo sa banyo at maghilamos man lang. Kailangan ko ng umuwi naman at hindi dito ko sisimulan ang unang araw ng bagong taon.

Mabilis na lumabas na ako ng silid. Hinanap ang Dan Bautista na iyon para naman kahit papaano ay makapagpaalam din ako. Hindi na iyong basta basta na lang na aalis.

Nasa baba na ako at hinahanap ng mga mata ko si Dan pero wala akong makita.

Tinungo ko ang kusina pero wala naman tao doon. Kaya naman nagpasya na akong lumabas at sa paglabas ko, sinalubong ako ni Granger.

Hindi na gaya kahapon na takot ako dito dahil nagkasundo na kagabi. Salamat sa mga naglalakasang tunog ng mga fireworks dahil doon bumait ito sa akin.

"Hello, good Morning." Bati ko pa na para bang sasagot ay naiintindihan ako.

Napangiwi pa ako ng malakas itong tumahol ng dalawang beses.

"Aba, naiintindihan mo iyon." And stroking Granger in his head. "Asan ang amo mo? Aga yatang naglayas sa bahay niya?" Tanong ko pa.

Tumahol ulit ito saka kinagat ang damit ko at hinila. Kuway binitawan saka naglakad palayo sa akin. Naiiling na lang akong napasunod dito. Para kasing gusto nito na sundan ko siya. Kaya hayon. Naglakad kami patungo sa kusina hanggang sa lumabas ito sa may pintuan doon.

Tumahol ulit ito kaya naman binilisan ko na ang lakad ko para maabutan ko na ito.

Then...

"Hey! Why are you barking?" Tanong ni Dan ng lapitan ito ni Granger at hinawakan din ito sa ulo. Nilaro ang pisngi paipit.

Tumahol ulit ito. Pagkatapos ibinaling ang tingin sa akin na ngayon ay hindi ko na maikilos ang mga paa ko dahil napatitig ako kay Dan na ngayon ay basang basa ng pawis na ang tanging suot lang ay itim na trunks na halatang basa na din dahil sa nangingintab na nasisikatan ng araw.

Dumadaloy ang masaganang pawis sa bawat parte ng katawan nito. Basa ang mabalahibo nitong dibdib.

Nakatingin na din ito sa akin.  Hindi nagtagal ay niyuko niya ang sariling harapan ng doon mabaling ang tingin ko.

Naipilig ko ang ulo ko saka ako tumingin sa kanya na ngayon ay nakangiti na.

"What?" Tanong ko dahil iba ang naging ngiti niya ng magtama ang mga mata namin.

✅Vienn Anderson - POSSESSIVE HEIRS 4 [BXB][MPreg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon