CHAPTER 22

222 24 1
                                    

RHAIVEN'S POV

Dumaan ang ilang araw at walang imikan ang nangyari sa pagitan namin ni Haila. Pinagsisilbihan nya ako pero ako pilit na umiiwas. Noon lang ako nakaramdam ng hiya kaya minabuti kong huwag na muna syang pansinin. Hindi naman ako nahirapan sa plano kong iyon dahil naging busy ako pag-aaral ko. Halos tambak ako ng requirements kaya wala akong oras para sa kanya.

Alam kong napapansin nya iyon. Wala naman akong magawa kasi kailangan kong makapag-isip ng maayos. Natauhan ako, aaminin ko iyon. Kung ako siguro ang nasa sitwasyon nya, mahihirapan ako lalo na may pamilyang umaasa sa kanya. Nakaramdam ako ng guilt bigla dahil sa mga sinabi ko sa kanya. She doesn't deserve everything I'ved done. Alam kong kasalanan ko kaya mahirap ng lumapit ngayon sa kanya.

Sa nagdaang mga araw hindi ko maiwasan ang manibago. Walang Haila na sumasagot-sagot sa akin. Wala 'yung taong kayang gawing posible ang mga imposible sa utak ko. Bakit ba ako ganito? Hindi ba dapat matuwa ako kasi eto naman ang gusto ko noon?


Pagkatapos ng klase ay napag-isipan kong mamasyal sa mall. Sinubukan kong yayain ang mga kaibigan ko kaso may klase pa sila. Kaya ako lang mag-isa tuloy ang pupunta. Pagkalabas ng campus ay kinuha ko ang kotse sa parking lot at kaagad sumugod sa malapit na mall. Hindi naman na ito ang unang beses na pumunta akong mag-isa. Madaming beses na din kaya nasanay na ako.

Nag-ikot-ikot ako kung saan-saan basta mawili ko lang ang sarili ko. Ramdam ko kasing bored ako at kailangan ng pagkakaabalan. Pamamasyal tuloy ang unang pumasok sa utak ko kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa. Hindi naman ako mahilig bumili ng damit o kahit na anong gamit. Hindi ako gaya ni Rhaivee na hindi pwedeng walang bilhin kapag pumupunta ng mall. Gusto ko lang mamasyal dahil matagal na din noong huli ko itong ginawa. Nang makaramdam ako ng gutom ay pumasok ako sa malapit na restaurant. Nag-order ako at hindi naman gaano katagal bago binigay iyon. Nang matapos akong kumain ay pinagpatuloy ko ang pamamasyal.

May kung anong kumuha ng atensyon ko sa 'di kalayuan. Pumasok agad sa utak ko si Haila. Actually, ilang araw ko ng binabalak magsorry sa kanya. Lagi akong nireremind ni Daddy kaso nakakalimutan ko. Hindi ako pwedeng magkamali alam kong magugustuhan nya ang peace offering na ibibigay ko. Pumasok ako sa grocery na nasa left side ng mall. Pumunta ako sa may pwesto kung saan nandoon ang mga prutas. Minsan nahuhuli ko kasi syang kumukuha ng grapes sa dining table namin. Para syang bata kasi iniisa-isa pa nya ito imbes na kunin lahat. Hindi nya alam na pinapanood ko sya noon sa 'di kalayuan. Kunwari nagpupunas sya pero hindi, natatakam sya sa grapes. Tirador ng ubas.

Natawa nalang ako sa isipin kong iyon habang may hawak nang ubas. Kumuha ako ng sapat lamang sa kanya at pumunta sa counter. Ngiting matamis ang naisuot ko habang papalabas ng mall. Siguradong magugustuhan nya ito. Umuwi na ako dahil excited akong ibigay 'to sa kanya.

Sana nga ganoon kadali sa akin na tanggapin sya bilang yaya ko. Hindi naman siguro mahirap kung magkakasundo kaming dalawa. Paano kami magkakasundo kung nandito parin 'yung gigil sa akin kapag nararamdam ko na ang presensya nya. Hayts! Bakit ba kasi ganoon kapalaban ang babaeng 'yun? Nauulol tuloy ako mag-isip ng paraan mapalapit sa kanya.

Hindi ko na pa pinark ng maayos ang ginamit kong kotse basta ko nalang itong pinasok sa garahe. Lagkapasok ay bumungad sa akin ang ilang yaya na naglilinis at binati ako kaso ngiti lang ang naisagot ko. Iginala ko ang paningin para makita si Haila kaso wala sya. Linapitan ko si Manang Erica sa 'di kalayuan na naglilinis ng sahig.

"Manang," tawag ko sa kanya at napatigil sya sa ginagawa. Nagtatanong ang titig na binigay sa akin.

"Yes po, Sir? Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" Magalang na tanong nya sa akin ng diretso.

Babysitter Of A Playboy BOOK 1  (PLAYBOY SERIES #1) UNEDITED VERSIONWhere stories live. Discover now